"Jin, please wake up." Sabi ko habang hinahaplos ang kanyang gwapong mukha.
"Hija, di ka ba nababagot dito sa ospital?" Umiling ako.
"Tita, kahit gaano man katagal ang paghihintay ko, hindi ko siya iiwan." Sabi ko habang pinupunasan ang aking mga luha.
"Magpahinga ka na muna, ako muna ang magbabantay sa kanya." Aniya sabay ngiti sa'kin. Umiling ako at ibinaon ang aking mukha sa leeg ng aking pinakamamahal.
"Daig mo pa si sleeping beauty, ang tagal mo nang natutulog dito, wala ka bang balak tumayo?" Sabi ko habang pinapakawalan ang mga mumunting hikbi.
"Kumain ka na muna hija, anong oras na." Sabi ni tito ngunit umiling ako.
"Tingin mo ba kung gising si kuya gusto niya na pinapabayaan mo yung sarili mo unnie Nicolé?" Napaisip ako sa sinabi niya at ngumiti nalang.
"Let's go unnie. I'll help you, bili tayo ng pagkain." Aniya at hinila ako. Hinalikan ko muna ang noo ni Jin bago lumabas.
"Pangit na ba ako?" Tanong ko sa kanya at umiling naman ito habang natatawa.
"Maganda ka pa rin naman unnie eh. Tsaka sigurado ako, magigising na si kuya kasi gusto ka pa niyang makasama." Sabi niya sa'kin at ngumiwi naman ako.
"Sigurado ka ba dyan?" Sabi ko at tumango naman ito.
'Di ko namalayan na nandito na pala kami sa'ming pupuntahan.
"Unnie upo ka muna dun, ako nalang po oorder." Aniya at hinayaan ko nalang siya sa kung ano mang gusto niya.
Umupo ako at kinuha ang aking cellphone.
*23 missed calls*
Grabe naman 'tong si mommy. Di-niall ko ang kanyang number at sinagot naman niya 'to kaagad.
["Nicolé!"]
["Yes, eomma?"]
["Di ka pumunta sa party!"]
["What party?"]
["Yun----"]
["If you're just gonna talk about him, then don't. How many times do I have to tell you? I don't like him, eomma."]
Pinatay ko ang tawag at yumuko. Ayaw na ayaw ko yung pinipilit ka sa ibang tao lalo na't 'di mo naman ito mahal.
I don't like Hyungwon, yes, He's handsome and kind but I love Kim Seokjin.
I love him. Wala nang dahilan, kung mahal mo ang isang tao, mahal mo.
"Unnie here's your food." Inabot ni Endria ang aking pagkain. Habang kumakain, nagtanong siya sa'kin ng mga bagay bagay.
Habang naglalakad, nakita kong may mga tumatakbo na mga nurse at tila natataranta ang mga ito. Nanlaki ang aking mga mata nang nakitang papunta sila sa room 069 kung nasaan si Jin.
Tumakbo ako papunta roon at nakita kong dinala nila si Jin sa Emergency room.Nakita ko rin si Tita na umiiyak habang tinatahan siya ni tito habang hinahaplos ang buhok nito.
Pinilit kong pumasok sa ER ngunit ayaw nila akong papasukin. Pinalis ko ang mga luha sa'king pisngi.
"Tita, what happened?" Pumiyok ang aking boses dahil sa kaba at takot.
"I don't know." Umiling iling siya na para bang 'di kayang sabihin ang nangyari kanina.
Napaupo ako sa sahig at tinakpan ang aking mukha. Nanginginig na ang aking balikat dahil sa pag-iyak. Wala na kong pakialam kung maraming nakatingin sa'kin. Kung kayo ba naman nakita niyong nasa ganoong sitwasyon ang mahal niyo, 'di ba kayo masasaktan?
YOU ARE READING
KIM SEOKJIN [ONE SHOT]
Short StoryKim Seokjin [One Shot] Kamsahamnida and Saranghae♡