Habang papunta kami sa paaralan patuloy ang kabog sa aking puso dahil baguhan pa lamang ako sa paaralan nato kung saan puro mayayaman ang nag aaral .Napunta lang naman ako dito dahil sa bestfriend kung makulit dahil gusto daw niyang magkasama kami parati , kaya't wala na akong nagawa kundi o moo nalang sa kanya .
"Hoy!besh ano bayang iniisip mo ?kanina kapa tulala diyan huh ?Anong problema ?"Sabi ni sheena .
"Kinabahan lang siguro besh . Mayayaman kasi kayo lahat dito .Tingnan mo ako isang hamak lamang na mahirap?"Sabi ko pagtapos bumaling sa bintana para tignan ang daan.
"Hay nako!Ano kaba nandito naman ako no ?Hindi kita pababayaan ."Sabi nito at agad naman akong yumakap sa kanya .
"Salamat talaga besh huh "
Agad naman akong tumigil sa pagyakap sa kanya nang makitang nandito na pala kami ."Ano tara na ?"Sabi nito at hinawakan ang kamay ko tanda na hindi ako nito iiwan at pababayaan .
Habang patungo kaming dalawa sa classroom kung saan kami nalagay sobrang lumakas ang kabog ng puso dahil sa sobrang kaba . At bago kami pumasok huminga muna ako ng malalim .
Relax lang Irena breath in breath out .Yun lamang ang nasa isip ko bago pumasok .Habang papasok kami hindi ko maiwasan tingnan ang lahat na mga estudyante .Naisip ko kung gaano sila kaswerte sa kanilang buhay .Lahat nabibili nila at hindi na sila namomroblema sa pera .Habang nag iisip ng mga iyon biglang may tumulak sa akin at agad napunta ang mukha ko sa sahig .
"Sorry miss , okay kalang ba ?" Sabay abot nito ng kanyang kamay .Hindi ko maiwasan tignan at tutukun ang mukha nito na sobrang perpekto ,ang tangos ng ilong ,mga matang parang na hihypnotize ka ,pati narin ang kulay pink nitong labi na parang humihingi ng halik . Nawala ako sa pag iisip ng naramdaman ko ang bestfriend kong tinapik ako sa balikat .
"Hoy!besh okay kalang?"Sabi nito at u moo naman.
"Okay kalang ba talaga miss"Sabi ng isang lalaki na nasa harapan ko .
"Ahhh.. O-oo na-man"Utal kong sabi at agad namang tumayo .
Pero pagtayo ko agad naman ito lumakad patungo sa huling upuan ."Ano besh okay ka na ba ?"
"Oo besh .Salamat "sabi ko.
"Ano ?Upo na tayo"Habang papunta sa upuan hindi ko maiwasang tumitig muli sa kanya .
"Hoy !Besh nakikinig kaba ?"sabi nito na nakakunot ang noo.
"huh?Ano yon besh ?Mag sinabi kaba?"sabi ko at humarap sa kanya .
"sabi ko maganda ka nga bingi ka naman .Alam mo ?kanina pa kita nakikitang titig na titig sa lalaking yan .May gusto kaba diyan?"
"Ako?"sabay turo ko sa sarili ko .
"No way "agad iwas sa tingin ko nito .
"Aminin mo na besh"sabi niya agad sabay kiliti sa akin.
"Ano kaba wala nga ehh?"deretsahang sabi ko .
"Wala nga "Natigil ang paghaharutan naming dalawa na agad may pumasok na guro .
"Goodmorning class"sabi nito .
"Goodmorning ho din po maam"Agad sagot naming lahat .
"By the way my name is Janice Santiago just call me maam janice .Okay !?"sabi nito at agad naman kaming umoo .Madali lang natapos ang oras at agad namang tumunog ang bell tanda na tapos na ang klase .
Habang palabas kami kasama ng bestfriend ko agad na naman akong natumba dahil sa kung sino na namang nagbangga sakin .
"Nako!Sorry again miss huh ?Nagmamadali kasi ako"agad sabi nito .
"nako okay lang yon .Irena nga pala "agad abot ko nang kamay sa kanya .
"Jerome!Jerome Cruz"agad abot ng kanyang kamay sa kamay ko.
Sa puntong iyon parang may kutyenteng dumaloy sa parehong kamay naming dalawa .
"Sige una nko .Sorry nga pala ulit .Bye sa susunod nating pag uusap "sabi nito at agad kumindat sakin.Parang nanigas ang katawan ko sa tinuran nito .
"Okay kalang besh !?Namumula ka na naman ?"Sabi ni sheena.
"Hindi no ?Tara na nga "Agad sabi ko para hindi na matuloy at tumaas ang sasabihin nito sakin .--------
YOU ARE READING
Vindicta
General FictionBawat karanasa'y nagpapabago sa bawat tao . Ito ang dahilan kung bakit nawawala ang dating tayo . Naging ganito ang ating bida sa kuwentong ito .Gagawin ang lahat maiparanas lamang ang sakit at poot sa mga taong nagpaikot sa lahat ng kasinungalingan...