Iloveyou Bestfriend

485 11 2
                                    

"Oy Bespren!Sinong tinitignan mo ha?" Tanong ko kay Gino,Bestfriend ko siya simula pa nung bata kami.

"Bespren kilala mo yun?" Tanong niya na di pa rin tumitingin sa akin,nakatingin kasi siya dun sa Klasmeyt ko,tapos nakangiti pa.

"Ah si Kyla? Oo bakit? Klasmeyt ko yan." 

"Talaga?" Nagningning mga mata niya. "Pakilala mo naman ako Bespren!" Medyo na hurt naman ako dun sa sinabi niya. 

Kasi,Simula Grade 5 kami,Crush ko na yan.Kaso nga lang di ko inaamin.Tska Wala akong balak noh! Baka kasi di na niya ako pansinin,tska masira pa Friendship namin.Mas mabuti ng magkaibgan nalang,pero nahuhurt rin ako mnsan pag nagkakaCrush siya,tapos sa akin niya pa sasabihin diba ang sakit? >_<

"Hoy Bespren! Anyare sayo?" 

"Ah W-Wala Wala" 

"Pakilala mo na ako,Ayan na siya palapit na." Lumapit sa amin si Kyla.

"Ah Bella,May notes kaba sa lesson kahapon? Absent kasi ako kahapon eh." Sabi ni Kyla,Eto namang si Gino nakatingin lang kay kyla =_= 

"Ah Oo,Bigay ko nalang sayo mamaya." Sabi ko kay Kyla,Kinalabit ako ni Gino. 

"Salamat Bella,Bait mo talaga Hihihi" Sabi ni Kyla paalis na sana siya kaso pinigilan ko kasi nga diba sabi ni Gino pakilala ko siya.

"Ah Eh Kyla!" Humarap naman siya. "Si Gino nga pala,Bespren ko,Gusto ka kasi makilala eh." Ngumiti si Kyla at lumapit uli sa amin.

"Ganun ba? Hi Gino! Im Kyla! Nice to meet you" Sabi ni Kyla at nakikipagshake hands siya.

"Ah Ah...H-Hi K-K-Kyla! N-Nice t-to m-meet y-you" Utal-utal na sagot ni Gino at nakipagshake hands kay Kyla.Bakit ba ako nakakaramdam ng Selos?! =_=

"Sige Gino and Bella,Una na ako ha? Di pa kasi ako naglunch." Sabi niya kaso pinigilan ni Gino =_= 

"Ah Eh,May kasama ka bang maglulunch?" Tanong ni Gino. 

"Wala.Bakit?" 

"Gusto mo sabay kana sa amin? Di pa kasi kami naglulunch eh." Okay?WhatzTheMeaningOfThiz?!

"Talaga? Ayos lang ba? Baka makaistorbo ako?" Sabi ni Kyla.Gusto ko sanang sabihin Oo,Istorbo ka. Pero JOKE lang HEHEHE di ako ganun kasamang tao. HAHA.

"Ah hindi noh,Sige na Sabay kana sa amin,pra masaya." Sabi ko naman.Para masaya si Gino :/ Pumunta na kami ng Cafeteria.Habang kwentuhan kami,SILA lng palang 2. OP ako eh,Comfortable na sila sa isa't-isa akalain niyo yun? Ako naman eto,Feeling may katext,Kunwari busy ako kakatext pero sa totoo lang wala,eh OP ako eh.

=================================================================

Lumipas ang ilang weeks,Sobrang Close na sila As in! Para ngang nakakalimutan na ako ni Gino eh :'( Pag nagpapatulong ako sa mall,May lakad daw sila ni Kyla.Pag Lunch nga di na ako nakikisabay sa kanila,para kasing istorbo lang ako sa kanila,bakit pa ako makikisabay kung di naman nila ako kinakausap diba? Meron naman akong ibang kaibgan eh,kaya sa kanila nalang ako sumasama,Pag nasa Cafeteria kami,Sumisilip ako sa kanila,Makikita ko tawanan silang 2,Sobrang saya nila. Para ngang invisible na ako kay Gino,Di na kami masyado naguusap.Namiss ko tuloy sya.Gusto ko magalit kay Kyla kasi parang inagaw nya si Gino,pero bakit ako magagalit dba? Di ko naman pagmamayari sa Gino? Tska isa lang naman akong hamak na Bespren niya pag may kailagan siya :| Hayyyy. 

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon