Chapter One
***
Thristine Point Of View
Maaga ako nagising dahil kase nga may pasok. Bumaba na ako para makapag-breakfast.
"GOOD MORNING THRISTINE JAEIL CHOI!" halos mapatalon ako sa ikalawang baitang ng hagdan sa pagbati sa akin ng pinsan kong akala mo'y nakalunok ng megaphone.
"Agang-aga nag-iingay ka agad, kung mag-iingay ka wag dito shooo." Pagsusungit ko sa kanya.
"Sungit. Kesa sayo agang-aga dala-dala mo agad ay libro." Sagot nito pabalik sa akin.
"Ganyan ang masipag na bata, maaga palang may dala-dala ng libro, kesa sayo para kang batang umaalingaw-ngaw kung saan saan psh." Sabi ko at inirapan sya. Ganyan ako palaban hehehe.
Di porket nerd, geek, or bookworm ako eh kaya nyu na akong banggain excuse lang huh palaban din kaya ako.
"Teka bakit ka ba andito?" Tanong ko sa kanya.
"Wala lang makiki-breakfast lang then makikisabay sayo pagpasok." Sagot nya sa tanong.
By the way itong abnormal na kausap ko sya si Zoe Dannah Davis, Cousin ko sya slash Bestfriend na nakalunok ng megaphone slash childish.
Umupo na ako sa upuan at saka naglagay ng fried rice sa plato ko na sinamahan pa ng spam.
"Infairness ang sarap tuloy ng breakfast ko." Bulaslas nya.
"Bakit naman?" Tanong ko dito.
"Eh kasi naman di nanawa sina Mommy sa Hotdog and Egg." Sagot nya.
"Eh mabuti ka nga may nakakain pa, tingnan mo kaya yung mga bata sa lansangan walang makain psh." Sabi ko sabay subo. "Pero infairness ang ganda ng hairdu mo ngayon color red." Dugtong ko.
"So paano ba yan kamuka ko na ba si Lisa ng Blackpink." Sabi nito.
"Konting kembot pa kamuka mo na." Sabi ko.
***
Natagalan kami sa pagbe-breakfast kasi nga nagkwentuhan pa kami, at kaya pala sumabay sakin si Zoe kasi daw wala daw gasolina kotse nya, ayus din yung abnormal na babaeng yun kaya sya ang ginawa kong driver.
Kung sya nagda-drive ako naman nag babasa ng libro dito sa passenger seat. "Hoy nerd andito na tayo nai-park ko na din ang maganda mong kotse." Sabi nito at saka bumaba so ganun din ginawa ko.
Sa school I'm not popular, minsan lonely sila ang kusang lumalayo sa akin. At dahil first day of school, alam ko na madami ng nag-transfer ulit sa aming school. Kung tatanungin nyu ako kung sino may-ari nito syempre walang iba kundi ang Daddy kong napakasipag. Sabi ni Mommy nagmana lang daw ako kay Daddy, noong bata pa din daw si Daddy puro daw libro ang hawak nya wala daw makikita si Mommy na may dalang gadgets si Daddy noon, pero sabi ni Mommy nang-aasar daw si Dadd noon kay Mommy kaya iyon nagka-inlaban ata.
Pinauna ko na si Zoe, may pupuntahan lang kasi ako pupuntahan ko kasi si Daddy sa Office nya. Principal dito si Daddy pero kahit kami may-ari ng school napiprincipal pa din naman ako kahit papaano.
Naglalakad ako ng...
*BLAG*
"Yan kase tatanga-tanga sa susunod nga tumingin ka naman sa dinadaanan mo." Sabi nito sa akin.
Well alam ko naman na kaming dalwa ang mali, pero sya pa itong may ganang magalit psh. "So ikaw pa itong may ganang magalit huh eh alam mo palang may nagbabasa edi dapat tumabi ka psh. Alis nga dyan." Sabi ko dito at umalis na nakakainis eh ang yabang akala mo ang gwapo-gwapo nya yackks.
Pumunta na ako sa Davis Building kung nasaan ang office ni Daddy. Madali din akong nakaakyat kasi wala pa namang masyadong tao dito.
"Hi Daddy GoodMorning." Sabi ko at saka sya hinalikan sa magkabila nyang pisngi.
"Goodmorning din Baby." Bati nito sakin.
"Daddy please lang don't call me na ng Baby. Malaki na po ako." Sabi ko at umupo.
"First day of school nakipag-away ka agad ahh." Nabigla ako sa sinbi ni Daddy.
***
SHORT UPDATE HEHEHE PUTOL ANG CHAPTER ONE KO HAYAAN NYU NA BAWI NA LANG NEXT TIME KAPAG MAY NAGBABASA NA.
Date Published: July 17, 2017 (9:46 am)
YOU ARE READING
Ms. Nerdy Meets Famous Boy
Hayran KurguMagiging ayos pa ba kaya ang buhay ni Thristine Jaeill Choi kapag dumating sa buhay nya ang isang Famous/Mayabang na si Princezeke Danne Sebastian. O baka puro pambibwisit lang ginagawa nito araw araw. Soon...