Meet Agenns

12 1 0
                                    

I'm Celesttine Agenns Cañada 18 years old. College student na SANA. Kung hindi lang ako huminto.


Only child lang ako nila mama at papa. Mahirap kasi kami at kelangan kong mag hanap ng trabaho para makaipon ng pang enroll ko next year.


Naawa na ako kila mama at papa dahil, hirap na silang maghanap buhay.
Si mama kasi mananahi, pero walang permanenteng trabaho. Si papa naman, namamasada dati kaso pinatigil na siya ni mama dahil lumalala yung sakit niya.



Pinabenta na din ni mama yung Jeep ni papa para may gastusin kami sa mga gamot ni papa. Kaya ayun, eto tumigil muna ako. At least napagtapos nila ako ng high school, okay na yun. Mag iipon na lang muna ako.



Andito ako ngayon sa Convenience store, dito ako nagtatrabaho sa gabi.



"Uy, Agen pahinga ka muna. Kanina kapa nagmomop jan."


Sabi ng kasamahan ko dito. Si loraine.




"Hindi, okay lang. Hindi naman nakakapagod to. Parang exercise lang nga e."



Umakting pa ako ng parang nag eexercise.



"Hahaha baliw ka rin e. Nga pala, sabay na kaya tayo mag enroll next year."
- loraine.



"Huh? Bakit? E diba, ngayon ka na mag enroll? Baliw kana loraine, maghihintay kapa ng isang taon."




"Eh kinailangan ng kapatid ko e. Alam mo na, graduation niya na sa susunod na buwan, kaya pinanggastos ko muna sakanya,"




Minsan talaga naiisip ko, pareho kami ng buhay ni loraine. Kailangan tumulong sa pamilya.



"Di bale lor, makakapagtapos pa tayo. Sabi nga nila Better late than NEVER. Oh diba? Hahahha."




"Yeah yeah. Hahaha"



Muli kaming nagtawanan ni lor. Ganyan kami, kahit malaki problema sa buhay namin, nagagawa pa rin namin ngumiti.



Haaaay. Pagkatapos ko magmop, inayos ko na yung mga stocks namin para alam ko kung ano yung kulang samin. Sa akin kasi inassign ni sir yung mga ganung bagay.



"Shey, paki bilang naman sakin yung mga clover dun oh." Utos ko sa kasamahan ko na si shey. Bali malapit kasi siya dun kaya siya na pinabilang ko.


"Uhm, 48 na lang to agen. Baka kulangin tayo nito bukas."



"Sige sige. Salamat."



Pagkatapos ko magbilang nagpasya na ako umuwi. 12 am na rin kasi may trabaho pa ako bukas ng alas kwatro. Haaay buhay nga naman parang life.



"Uy lor. Una na ako ah? Baka mamaya hinihintay nanaman ako ni nanay sa bahay. Magpupuyat nanaman yun." Paalam ko kay lor.



Dapat kasi sabay kami ng time out ni lor, kaso nagpa straight time siya ngayon kasi kelangan nga ng kapatid niya ng pera. Kaya ayun mag isa akong uuwi.



"Sige sige. Mag iingat ka ah? Sana may makasalubong kang di kanais nais. Hahahaha"



"Baliw!"




"Hahaha oh sige na. Alis na bye."


Ayun na nga lumabas na ako ng store.


3pm ang time in ko sa store hanggang 12 am. Sakto lang yung sahod ko sa pang araw araw na gastos namin nila nanay at tatay.



Habang naglalakad ako sa kalsada, dina ako nag atubiling na pumara ng jeep kasi WALA NG JEEP NGAYONG ORAS =__=!



Kaya no choice ako, pag umuuwi ako lagi akong naglalakad. Malapit lang naman bahay namin sa store. Sabi kasi si nanay, wag daw ako magtrabaho sa malayo sa bahay baka may mangyari daw sakin pag nalelate ako umuwi.



Aww, ganun talaga si nanay sweeet* malamang ngayon hinihintay nanaman ako sa bahay.



Habang naglalakad, haiiist! Eto nanaman yung mga naglalasingan sa kanto.



Hingang malalim, okay kalma lang agen, kaya mo yan! Ako pa!



Sige dahan dahan akong naglakad, habang sila busy sa pag iinuman.




Lakad



Lakad




Lakad




Lakad




Sige lang agen malapit ka n--



"Hi missh *Hik* ang gandashhh *hik* mo namaaan *hik*




Waaaaaahhhh. Bigla nila akong pinalibutan! Mga gung gung to!




"A-ahh, ku-kuyaa hehehe nagmamadali ho ako e. Bitawan niyo na ho ako!"




"Tara muna misssh *hik* enjoy muna tayossh hehehe."




Waaah! Grabe na to yung dalawang braso ko na yung hawak nila. Tatlo kasi sila e.




Ano ba naman yan! Wala bang tutulong sakin? Naghihintay pa sakin si nanay eii! Naman oh!




Nagulat na lang ako nung hinihila na nila ako, waaaaah!





"WAAAAAAH TULONG TULONG! San niyo ba ako dadalhin! Waaaah tulong naman oh." Huhuhuhuh!





























"Bitawan niyo siya!"









O___O














T-teka? M-may tutulong na sakin?





------
Bitin pa more. Hahahahahaha


Neway, Thank you so much for reading my Oh-so-story hahahaha.


Wag po kayo mag alala, next po mag UUD ako ^_________^


A/N:  "AGGENS" pronounces at AJEN A-J-E-N pero iniba ko lang po yung spelling :)

Without looking backWhere stories live. Discover now