Four.
"I love catching you looking at me."
• • •
MAGKAHAWAK kamay kami ni Irene habang naglalakad kami sa perya. Ang daming tao, hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang mga tingin at titig ng mga lalaki o kahit babae kay Irene. Nakakainis ang mga tingin nila! Ang sarap tusukin ng mga mata. Kung makatitig kay Irene, parang hinuhubaran na 'tong girlfriend ko, eh kung dukutin ko kaya 'yung eyeballs nila?!
"Baby, bakit nakakunot ang noo mo dyan?" Napatingin ako kay Irene habang naglalakad kami. Ni hindi ko napansin na nakakunot na pala ang noo 'ko. Grabe naman kasi ang tingin ng mga tao kay Irene. Oo, alam ko ng maganda si Irene! Pero hindi ba nila napansin ba hindi naman interesado si Irene sa kanila? Yung iba nga, aba, todo pacute pa. Mga bwisit.
"Ah, wala. Ano ang gusto mong sakyan? Madaming rides dito! May gusto ka bang kainin?" Masiglang tanong ko at umakbay sa kanya. Yan! Mga haliparot, mamatay kayo sa inggit!
Ako lang ang may karapatan kay Irene. Akin lang sya.
"Hmm, gusto ko ng… kiss." Sabi nya kaya naman medyo napaawang ang bibig 'ko. What the hell? Seryoso ba 'to?
Nagulat ako ng bigla syang tumawa ng malakas at narealized ko na pinagtitripan nya lang ako.
"You should've seen your face!" Natatawang sabi nya.
Hindi naman ako nainis dahil pinagtripan nya ako. Nakatitig lang ako sa kanya at inaadmire ang kagandahan nya. Ilang taon na kaming magkasama pero bakit ganito pa din ang epekto nya sa akin? I was always captivated by her smile.Unti-unting nawala ang tawa nya nang marealized nya na nakatitig lang ako sa kanya, mula sa pagkakangiti ay naging seryoso ang mga ito at weird na tumingin sa akin. "Okay? Ganyan ba dapat ang reaksyon ng napagtrip-an?" Tanong nya naman sabay tawa ng mahina, ngumiti lang ako ng kaunti habang nakatitig pa din sa kanya. Gusto ko mang alisin ang tingin ko— pero mukhang hindi ko kaya, ang hirap iwaksi ng tingin ko sa kanya. Feeling ko mina-magnet ako. Damn it. "Seriously? You're creeping me out." Bored na sabi nya sa akin, napatawa ako ng kaunti at finally, naiwas na din ang tingin ko sa kanya.
"Sorry, I can't help it." I chuckled. Ilang segundo din akong tumitig sa kalangitan bago ibalik ang tingin sa kanya. Napangiti ako nang makita ko na nakatingin din sya sa akin. Ngumiti sya and mouthed the word saranghae. I smiled and whispered, “Nado.”
I will always love how she stared at me.
• • •
Another short chapter. Sorry for the long wait. August ang huli kong update dito, ang tagal na pala. Hahahaha. Sorry.
BINABASA MO ANG
Yeoja chingu • seulrene
Fanfiction"Sitting next to you, doing absolutely nothing means absolutely everything to me." Irene x Seulgi. /©Bearchuism.