533 31 27
                                    

Three.

"Your smile is the cutest thing ever."

• • •

NAAALALA 'ko noon, nalaman ko na magkaklase pala kami ni Irene. Sobrang saya ko 'non. Sobra talaga. Dahil biruin mo? Yung crush ko, kaklase ko na. Ibig sabihin, mas madalas na kaming magkasama.

Naaalala ko noon, magkakilala na kami, pero hindi kami ganun kaclose. Alam kong kilala na nya ako dahil one time, nabangga nya ako at nagsorry sya sa akin. At syempre, dahil ako si Kang Seulgi, nilakasan ko na ang loob ko at nagpakilala sa kanya. Ganun din naman sya. Mukha naman syang friendly. Nginitian pa nga nya ako nun, eh. Syempre, ako naman masaya.

At sobrang saya ko, lalo na ng malaman kong katabi ko pala sya sa upuan 'non. Heaven pa nung kausapin nya ako.

"You're Seulgi, right?" Nagulat ako ng kausapin ako ni Irene. Ugh, ang ganda nya talaga. Nasaan ba kasi ang hustisya doon? Kahit saang anggulo, ang ganda nya. Hindi katulad nung iba na kahit anong anggulo, hindi makita ang ganda.

"A-ah, yeah." What the hell, Kang Seulgi? Kailan ka pa nautal? Bakit ka ba nauutal? Simpleng tao lang naman 'yang kaharap mo, oh. Hindi naman teacher mo na tinatanong ka ng sagot. Hindi naman din pulis na hinuhuli ka. Eh bakit ka kinakabahan dyan?

"Bakit namumula ka dyan?" She asked me then giggled. I swear, musika ata sa pandinig ko yung tawa nya. Kung pwede ko lang sanang irecord at gawing ringtone, ginawa ko na. Kung 'yan ba naman ang gigising sa akin tuwing umaga, aba, edi sobrang ganda ng araw ko.

"A-ahm, mainit lang kasi." Sabi ko at napakamot sa batok ko. Sinungaling ka, Seulgi. Bakit hindi mo sabihin na kaya ka namumula ay dahil crush mo sya at kinikilig ka dahil sa mga ngiti nya?

"Ay ganun ba?" Sabi naman nya. Nakahinga ako ng maluwag ng maniwala naman sya. May pagkashunga din pala 'tong si Irene. Naniwala sa palusot 'ko. Paanong mainit, eh aircon 'tong classroom namin.

"Ah, Irene," Tawag ko naman sa kanya nung hindi na sya nagsalita. Katabi ko sya at wala namang teacher pa. May kinakausap si Ma'am na estudyante atang nakipagaway. Ay basta. Busy si Ma'am.

"Hmm?" Tanong naman nya at tumingin sa akin. Kumabog na naman ang dibdib 'ko ng makita 'ko na naman ng mga mata nya. Ay punyeta, ang ganda talaga ng hinayupak.

"Sabay tayo maglunch, ha." Sabi ko. At oo, ako na ang makapal ang feslak. Hindi ko talaga sya tinanong. Talagang statement 'yun.

Tumango naman sya at unti unting napangiti, "Sure."

"Baby," Napatingin ako kanya ng magsalita sya at kinagat ko ang kamay ko.

Gulat na napatingin naman ako sa kanya, "Nakakagulat ka naman. Bigla bigla ka pang nangangagat!" I beamed. Seryoso, nagulat talaga ako dun, ah.

She pouted. "Lutang ka kasi, Baby. Kanina pa ako salita ng salita dito, hindi mo ako pinapansin."

I chuckled, "Sorry, Baby. Ano ba 'yun?"

"Sabi ko, mamasyal tayo." She said then smiled, para syang bata kaya napapangiti nalang din ako. "Gusto ko pumuntang perya!"

Napangiti naman ako at ginulo ang buhok nya, "Alright."

Napapout na naman sya at iniwas ang ulo nya, "Yah! Wag mo ngang guluhin ang buhok 'ko." She whined.

"Ayaw." Pangaasar 'ko sa kanya. Gustong gusto ko kasi syang inaasar. Ang cute nya kasi mapikon.

Lalo akong naiinlove sa kanya.

• • •

Yeoja chingu • seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon