Chapter 1

99 5 0
                                    

Andito na ko sa school. Excited ako sa araw na 'to. First day of school eh! 4th year nako ngayon. Excited din syempre dahil sa wakas, matapos ang dalawang buwan na bakasyon na hindi namin pagkikita ay sobrang namiss ko talaga sya. Walang araw na hindi ko sya naiisip. Miss na miss ko talaga sya at excited na ko na makita sya ngayon.

 

" Elaine!" Tawag ng close friend nyang si Danica habang tumatakbong papalapit sa kanya.

" Ui! Danica!"

" Kumusta? Pumuti ka ah! Hindi ka ba naglalabas ng bahay nyo buong bakasyon ha?" paguusisa naman ni Danica

" Hindi eh! Sa bahay lang talaga ako. Alam mo naman si Mama, hindi naman 'yun pumapayag na gumala kami. Pumapasyal lang kami sa Tita ko pero madalas sa bahay lang talaga ako."

" Eh si Harris? Kumusta na kayo?"

" Hindi naman kami nagkikita nun. Ang alam ko nasa Batangas sya nagbakasyon sa kababata nya."

" Aw, so miss na miss mo na sya nuh?"

" Sira ka! Hindi naman."

" Aminin mo na, namiss mo sya diba? Ayyiee!!!"

" Uy 'wag ka nga maingay masyado dyan!" saway ni Elaine sa kaibigan

" Hay naku, magdedeny ka pa dyan"

" Wala akong dinideny noh! Ang sabi ko wag kang masyadong maingay dyan. Nakakahiya sa ibang estudyante oh! Ang lakas kaya ng boses mo"

" Ay sorry naman. Nagtatanong lang naman. Ayaw mo pa kasi aminin eh namiss ka din naman nun."

" Pa’no mo naman nasabi yan?"

" Nagkasalubong kami kanina pagpasok ko. Ikaw agad ang hinanap. Mukhang excited nga sya eh! "

" Buti ka pa nakita mo na sya. Kanina ko pa din kasi sya hinahanap eh!"

" Andyan lang yun. May ibibigay nga sya sayo eh! Sabi ko ako na lang magaabot sayo pero sabi nya sya na daw magbibigay sayo nun! Pasalubong siguro yun galing Batangas. Penge ako ha! "

" ‘To naman, wala pa nga sakin hinihinge mo na.. Asan kaya sya… "

 

Iniwan nako kagad ni Danica dahil may klase na sya. Ako naman dumiretso na din sa klase ko. Wala pang mga lessons ngayon. Pagpapakilala pa lang ng mga bagong adviser at mga bagong classmate. Karamihan naman sa mga classmate ko ngayon eh classmate ko pa rin ngayon dahil parepareho pa rin naman kaming nasa Section 1. Natapos ang 8 subjects ko ganun lang ginagawa.

 

Malapit na mag uwian pero hindi pa kami nagkikita. Bakit kaya hindi pa ako pinupuntahan? Naisaloob ko.

 

3pm na. Uwian na. 7am hanggang 3pm ang klase namin. Wala pa din si Harris. Hindi nya ko pinuntahan. Nakakalungkot lang kasi excited akong makita sya tapos sya mukhang hindi naman. Hindi man lang ba nya ako hinahanap? Hindi man lang ba nya ako kukumustahin? Hindi man lang ba nya ako namiss? Nag uumpisa nakong magdamdam pero pinanatag ko pa rin ang loob ko. Baka may ibang dahilan lang kaya hindi pa nya ako mapunatahan. Baka busy na kaagad sila.

 

Ang bigat ng pakiramdam ko habang naglalakad pauwi. Walking distance lang naman ang layo ng bahay namin mula sa school kaya hindi ko na kailangan pa sumakay. Dumiretso ako ng kwarto. Nagpalit ako ng damit pambahay at humiga. Nakafrustrate palang isipin na yung taong excited kang makita at nageexpect kang ganun din sya sayo e hindi mo man lang naramdaman..

***

Kinabukasan maaga akong pumasok sa school. 6am pa lang nasa school nako. Umupo ako sa isang bench na madadaanan papunta sa classroom ni Harris. Sigurado akong dito sya dadaan. At alam kong maaga sya pumasoak kaya dito ko na lang sya aabangan. Kahit masama ang loob ko dahil hindi sya nagpakita sakin kahapon ay gusto ko pa din sya makita. Miss na miss ko kasi talaga siya. OA na nuh? Pero yun kasi ang totoo eh!

First Love Never Dies [ On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon