** Eto po yung side ni Harris mula nung first day of school..
Maaga ako gumising ngayon. As usual, maaga ako pumapasok. Lalo na ngayon na first day of school. Makikita ko na ulit si Aine. Sobrang tagal ng bakasyong dalawang buwan para sakin na hindi ko sya nakikita. Sana magustuhan ni Aine ‘tong pasalubong ko sa kanya. Miss na miss ko na sya. Ang mga mata nya at ang pagtawa nya. Miss ko nang yakapin sya. Kumusta na kaya sya….
Papasok na ako ng locker room upang iwanan ang iba kong gamit dun nang masalubong ko si Danica, ang kaibigan ni Elaine.
" Uy Danica! Si Elaine? " tanong ko
" Oh Harris, wala pa eh! "
" Ganun ba.. kunsabagay maaga pa naman. Anong oras kaya sya darating? "
" Ewan ko lang. Ano yan? " sabay tingin sa supot na bitbit ko.
" Ibibigay ko Elaine. Galing kasi akong Batangas kaya dinalhan ko sya ng pasalubong. "
" Ah, gusto mo ako na mag abot sa kanya? Magkalapit lang naman kami ng room. "
" Huwag na salamat na lang. Baka bawasan mo eh! "
" Hoy! Ang kapal talaga ng mukha mo noh? Ako na nagmamagandang loob may gana ka pa mang asar? "
" Haha! Di ka naman mabiro dyan. Ang totoo gusto ko kasi ako mismo ang magbibigay nito sa kanya. "
" Ewan ko sayo! Ang aga aga nang iinis ka.. "
" Ito naman.. marami pa nito sa bahay dadalhan kita bukas. "
" Nangsuhol ka pa"
" hindi ah! Dalhan kita bukas promise! "
"Ok. Punta na ko sa room namin. "
" Sige, baka makita mo si Elaine pasabi naman hinahanap ko sya ha? "
" Oo sige.. basta yung promise mo sakin bukas dadalhan mo din ako nyan.."
" Haha! Oo ba! "
Napagpasyahan kong abangan na lamang si Aine sa entrance ng school. Sabik na din kasi akong makita ang napakagandang mukha ng mahal ko. Habang nakatambay ako sa may tindahan sa harap lang ng school entrance ay namataan ko na si Elaine na parating. Napansin ko din na kasama nya si Mrs. Pontez, ang kanyang mama. Nagtaka ako dahil hindi naman inihahatid si Elaine ng mama nya. Papalapit na sana ako para salubungin sila ng biglang may tumawag sakin.
" Oy kuya Harris bayad mo. " tawag sakin ni Jepoy, anak ng may ari ng tindahang iyon.
" Ay oo nga pala! Hehe sorry ha? Nawala sa isip ko. Magkano ba lahat? " kamot ulo kong hingi ng paumanhin ka =y Jepoy dahil nakalimutan ko na hindi pa pala ako bayad sa softdrinks at cheesecake na kinain ko. Matapos kong bayaran ay dali dali na kong naglakad pabalik ng school. Wala na si Elaine, mukhang nakapasok na ata sa loob. Sinubukan syang hanapin ng mga mata ko at napadako iyon sa mama ni Elaine. Hindi pa pala sya umaalis. At mukhang papunta sya sa direksyon ko.
" Good morning po Tita. " paunang bati ko
" Tigilan mo ang anak ko " sabi nya
" Po? " narinig ko naman talaga pero parang ayaw tanggapin ng isip ko na iyon nga ang narinig ko
" Layuan mo ang anak ko, hindi ko gusto na nilalapitan mo pa sya." Muling pagsasalita nya
" Pero.. wala naman po akong ginagawang masama. " Kinabahan na ako pero nagawa ko pa ding magdahilan sa kanya
" Alam ko na lahat, boyfriend ka ng anak ko. May pahatid at sundo ka pang nalalaman pero nililigawan mo na pala! Hindi ako makapapayag na sirain mo ang pag aaral ng anak ko! Graduating na ang anak ko samantalang ikaw ay nasa 2nd yr pa lang."
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies [ On Hold]
RomanceA love story that will prove this famous line.... " First Love Never Dies " Date Started: 04/16/2014