Chapter 11-Nakakahiya

2.7K 105 1
                                    

[Zero POV]

Naglalakad ako ngayon papuntang supermarket ng mall.Bibilhan ko yung war-freak na yun ng sanitary napkin.

Bakit ba kasi ako gumagawa nito?!Sabi naman nila Storm na nandito yung bestfriend nung war-freak na yun,bakit hindi iyon ang utusan nila?

Bakit pa kasi ako nagkaroon ng utang sa mga pinsan kong ugok at ngayon naghihirap ako.

Bwiset kasi!!

Dumiretso agad ako sa section ng mga s-sanitary napkins.Bwiset!!Nakakahiya talaga!!

Napatingin ako sa paligid baka may makakilala saking bumibili ng ganito.Nakakahiya!!Dignidad ko na rin yun bilang isang lalaki.

“SHET!Ang pogi ni Kuya!!!"
“Diba isa sya sa mga Smith from SPU?!"
“Emerghed!Ang hot nya,besh!!!"

Napansin ko yung mga high-school students na nakatingin sakin.Fangirls?Malamang kilala nila ako eh.

Nasa harap na ako ng mga sanitary napkins pero hindi ako makakuha dahil may mga babaeng nakatingin sakin.Kaya mukha na akong tanga na palakad lakad rito.

Kakabwiset!!Bat ba pinapanood nila ako?!Mukha ba akong TV para panoorin nila?!

Humarap ulit ako sa may nakahilerang mga ano.....sanitary napkins.

Ano bang brand ang bibilhin ko?Anong brand ba ginagamit nun?!

Haist!!Lahat na nga lang kukunin ko!!Gamitin na lang nya kapag nagkaroon sya sa susunod na buwan.

Kumuha ako ng basket tapos nagbilang muna ako ng tatlo bago kumuha ng lahat.

“Ang swerte naman ng girlfriend nya!!"
“Grabe!!Ang sweet naman ni Kuya."
“Mamamatay na yata ako!!"

Tumakbo na ako papuntang counter.Tumingin naman sakin yung cashier at napangiti.Nambwi-bwiset rin ba to?

“May nakakatawa?!"masungit na tanong ko sa cashier.Agad itong yumuko at humingi ng tawad.

“Wala po,Sir.Pasensya na po."

Inabot ko na yung bayad at dali-daling umalis.

Paano kung nalaman sa university na ang isang Smith ay bumibili ng mga ano......sanitary napkins?Edi sira ang reputasyon ko?

Kasalanan to ni War-freak eh!!!!!

[Jerish POV]

“Ang tagal naman ni Zero!!"kanina pa ako nandito at ang tagal tagal ni Zero.Ang kupad talaga!!

Narinig kong bumukas ang pinto ng cr.Alam kong si Zero to dahil pabalibag ang pagbukas.Siga eh!

“Oh war-freak!"may inabot syang plastic bag sa butas sa baba kaya kinuha ko.Nang binuksan ko,iba't ibang klaseng brand ang nakita ko.Parang lahat na ng brand binili nya.

“Bakit andami naman ng binili mo?Okay na sakin ang isang pack eh ang binili mo isang plastic bag."

“Eh malay ko ba kung anong brand ang ginagamit mo?!"halata sa boses nya na naiirita na sya.

Tumahimik na ako baka mabwiset lang ako nitong lalaking ito at masapak ko pa.

Nagpalit na agad ako at lumabas na rin.Pero bago pa ako lumabas,tinulak ako ni Zero papasok at tinakpan ang bibig ko.

Narinig naming may babaeng nag-uusap at mga ilang minuto lang ay lumabas rin agad.

Napatingin ako kay Zero ng hindi nya tinatanggal ang kamay nya sa bibig ko at nakahawak pa sya sa kabilang kamay ko.

Nang mapansin nyang nakatingin ako sa kanya,tinanggal na rin nya ang pagkakahawak sakin.Yumuko ako dahil sa hiya.

“Tumutulo na laway mo oh!"napaangat ang tingin ko at nakangisi na sya.

Nawala yung hiya ko at napalitan ng inis.Pinaghahampas ko sya sa braso ng malakas.

“Aray!!Fvck!Masakit!!"napasandal sya sa pinto.

Nagulat kami ng bumukas ang pinto.Pagkabukas na pagkabukas tumumba kami parehas.Nakasandal kasi sya sa pinto kaya na out-of-balance sya tapos hinatak pa ako.Ngayon nasa ibabaw nya ako.

Tumingin kami sa nagbukas.

“Anong ginagawa nyo?!"

Pakshet si Kuya Guard!!

Living with these Five Hot Jerks [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon