Chapter 43-Tayo

2.2K 62 2
                                    

[Jerish POV]

Tumakbo lang ako ng tumakbo.Di ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

Ang sakit sakit na kasi!!

Mama....
Papa....
Ate Mikee.....

Bakit kasi di na lang din ako namatay para di ko na maranasan ang masakit na katotohanan na ito?!Tanggap ko pa na nawala sila eh.Pero yung mismong isa pa sa mga minamahal ko ay ang taong nagbigay ng sakit sakin!

Hindi ko kailangan ng explanation niya!Sapat na sakin ang mga nalaman ko!!

Tatlong taong mahalaga sakin ang nawala ng dahil sa kanya!!

“Jerish....."

Umatras ako palayo sa kanya.I saw pain in his eyes.

“Jerish....let me explain..."

“Explain what?!Alam mo Zero.Wala na akong oras makipag-g*guhan pa sayo!!Alam ko na ang lahat!!"

“Hindi mo pa kasi naririnig ang explanation ko."

“Pero sapat na ang mga nalaman ko.Matanong nga kita.Lahat ba ng ginawa mo sakin ay para matakpan mo ang mga kasalanan mo sakin?!Sa pamilya ko?!Kasi kung oo,napakatanga ko naman para di mapansin."deretso kong tanong sa kanya.Ayokong nagpaligoy-ligoy pa.Gusto ko isang bagsakan na lang ang sakit!Kahit mahirap,matatanggap ko pa.

Nanatiling tahimik sya kaya tinuloy tuloy ko na ang paglalabas ng sama ng loob at galit ko.

“Ang tanga tanga ko Zero!Bakit kasi yung mga magulang ko pa at si Ate Mikee?Di ko na alam ang gagawin ko dahil nababaliw na ako sa kakaisip kung paanong nangyari ang lahat!!Nahihirapan akong tanggapin na ikaw pa yung may gawa.Nahihirapan akong tanggapin kasi mahal kita eh!Sana sa mga bagay na nangyari,hayaan mo muna akong mag-move on.Hayaan mo muna ako.Please lang...."

“P-paano na tayo?"

Ngumiti ako ng mapait at tumingin sa mga mata nya.

“Bakit?May tayo ba?"dahan dahan ko syang tinalikuran at naglakad palayo.

May kami ba?Parang wala naman ah!

Punas ako ng punas ng luha ko kasi di ko talaga mapigilang lumuha.

May nagawa ba akong mali para parusahan ako ng ganito?Kasi sa nga oras na ito,kinukwestyon ko na ang Diyos sa mga nangyayari sakin.Bakit pa kasi sakin?

A/N:Super duper short update.Sad to say,malapit na ang ending nitong story!!

Living with these Five Hot Jerks [Book 1 - UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon