0_0! Naku! ano na ba yun? Kabago bago ko pa nga lang dito sa paaralang ito may pagsabog agad? sasaya sana ako kung sorpresa yun dahil sa pagdating ko dito-- putek! isang malaking sunog ang kumain sa isang building.May nag sisigawan habang lumalabas sa mga room,may isang lalake na..na.. PINAPATAY ANG SUNOG GAMIT ANG TUBIG. alam kung tubig lang ang makakapatay sa sunog pero DUH!- hindi hose,timba o tabo gamit niya kundi KAMAY LANG! galing sa mga kamay ang mga tubig! Nanaginip ba ako? kinurot ko ang pisngi ko at nasaktan lang ako.
"MR. KIM!! KAPAG HINDI KA TUMIGIL MAPIPILITAN KAMING IPA LAYAS KA SA PAARALANG ITO!!"sabi ng isang di masyadong matanda na babae, siguro nasa fourties pa sigur0 siya.
"KUNG KAYA NIYO!" sabi ng isang lalaki tumalon galing sa nasusunog na building.Siya siguro yung Mr.Kim na sinabi ng guro-- o sinigawan.
Tatakbo pa sana siya kaso may isang lalake na humarang sakanya.Eh? Sino siya? Hindi nmn mukhang gwardiya o pulis,sa tingin ko isa lang siyang estudyante kasi parehas lang nmn yung suot niya sa ibang students dito eh.
Ang pinagtataka ko lang ay base sa reaksiyon ni Mr Kim--bakit parang mas takot pa siya sa isang lalake na wala namang ginawa kundi hinarangan lang siya kesa doon sa isang di masyadong matandang babae na halos lumabas na ang kanyang sungay dahil sa galit?
Parang nag-uusap lang ang lalake at si Mr.Kim. Marami narin ang nakapalibot sa kanila dahil narin siguro narin sa pagtataka.
Tumingi ako kay Mr.Kim. Nakaramdam ako nang pagka gulat nang makitang nakatingin din siya saken at bahagyang ngumiti. Parang may nagbuhos saken ng malamig na tubig dahil sa hindi ko maigalaw ang aking katawan dahil narin sa gulat.
Hindi ko maintindihan ang nararamdman ko ngayon sa oras na ito. Nagtitigan lang kami hanggang may kumirot sa tagiliran ko. Tiningnan ko kung sino ang kumurot saken , at nakitang pinipigilan na ni Jacob ang kanyang tawa. Kanina pa siya ha? Kanina biglang sumulpot sa harap ko, Ngayon naman kinurot tagiliran ko. May sayad ba' tong taong to?"Ano ba? Kanina ka pa ha?!"singhal ko sakanya na-- tinawanan lang niya. May sayad nga -_-
"Kanina ka pa kasi tulala jan, tapos yung mama mo halos maubos na laway sa kakatawag sayo." ^_^ tiningnan ko lang siya ng masama.
Edi siya na mabait.Tumingin ako kay mama with 'sorry-po-ma,-ano-po-yun?' --look.Ngumiti naman si mama na ikinahinga ko nang maluwag "Sabi ko tara na sa kwarto mo at pupuntahan pa natin si Mr.Rosewood"
"Mr.Rosewood po?Sino po iyon mama?"pagtataka kong sabi.
"Malalaman mo din mamaya" sabay ngiti ni mokong.Bakit ba siya nakikisingit sa pag-uusap namin ni mama ha? "Malalaman ko din pala mamaya, bakit di'pa niya sabihin ngayon?"pabulong kong sabi sa sarili ko."may sinasabi ka?"tanong niya with smile. Hala!ngayon ko lang nalaman na may dimple pala siya "wala noh."sabi ko at naglakad na.Binilisan ko na ang paglalakad ko kasi medyo nahuhuli na rin kami -- ni Jacob.Friendly naman pala siya. He is cute,bubbly and smart din pala. Nag sorry nga siya saken eh , kung masyado na daw siyang feeling close, ganon lang daw siya sa mga transferee na mga babae.Napapa isip nga ako eh kung bakla ba'tong taong to..hahaha ang cute ng mga inaasta niya ,lalo na yung dimple niya ang cuuuuttteeee!!! ^_^...♡_♡
Nasa may hagdan na kami nang may naramdaman akong may nakatingin saken. Tumitingin tingin ako sa paligid pero wala akong nakita, siguro guni guni ko lang yun.
Habang naglalakad kami sa mala palasyo na hallway nasa 3rd floor kasi yung magiging kwarto ko , bigla nalang huminto sila papa sa isang pinto, sa tingin ko ito na yung magiging kwarto ko. Bigla nalang bumukas mag isa yung pinto ○_○!!!!!!! WOAH!!!! ano yun?! May multo ba dito?! Huhuhu wag po at takot ako sa mga multo~~
Tiningnan ko si Jacob at halatang pinipigilan yung tawa. Sobrang panget ko na siguro dahil sa naging reaksyon ko. "Baka mahulog mga eyeballs mo girl" sinamaan ko lang siya ng tingin. "Na-k-kita mo naman yun diba, diba?" Nauutal kong tanong na tinanguan lang niya. So hindi ako nananaginip? Hindi? Hahahaha Yes! Hahaha lahat nang mga nakita ko totoo *_* simula don sa tubig galing sa kamay nang lalake hanggang sa pinto na bigla nalang bumukas. GOSH! What's in this School?
YOU ARE READING
Enchanted Academy : The Undiscovered School
Fantasy" Ililipat ka na namin sa ibang paaralan" yan ang sabi ni Mr. Allan Garcia Halos gumuho ang mundo ni Candy ng marinig niya ang sinabi ng kanyang ama. Meron siyang boyfriend at mag ti three months palang sila. Hindi nila kaya ang LDR dahil bago pala...