Nandito kami ngayon ni Krisha sa sala habang si Tanya naman ay nasa kusina kumukuha ng chichirya at inumin para daw may pagkain habang nag chichikahan.
"Alam mo Candy ngayon lang ako nakakita ng isang dyosa sa buong buhay ko"sabi niya habang nakatitig sakin.
"Ahh hehe ganon ba?"
"Uhu"sabi niya na may patango tango pa.
"Sa'n mo naman siya nakita?"nahihiya kong tanong
"Nasa harapan ko siya"sagot niya na walang kahirap hirap.
Walanya hindi ba niya alam yung dahan dahan? Direct to the point.(chos feeling ko lang)
Nahihiyang tumango ako. Hayy sa tingin ko wala akong matinong kausap sa isang 'to.
Dumating si Loren dala ang isang tray ng juice at mga chichirya.
"Yucks! Kadiri mo naman Tanya, mahiya ka nga may bisita tayo"nandidiring komento ni Krisha. Inipit kasi ni Tanya ang mga chichirya sa kilikili nito.
"Eh kung tulungan mo nalang kaya ako? Kitang nahihirapan na yung tao eh."naiiritang sabi ni Tanya at kinuha nmn ni Krisha yung mga chichirya gamit lamang ang hintuturo at hinlalaki nito.
"Ang arte nito"bulong ni Tanya na rinig naman namin pero binalewala nalang.
Umupo na silang dalawa sa mahabang couch na katapat lang ng upuan ko.
"So Candy hindi na namin patatagalin to kasi kating kati na kami itanong sayo ito,hihi anong charm mo?"diretsong tanong ni Tanya pagka upo.
"Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung anong charm ko. Baka nga wala akong charm eh"tapat kong sagot.
Nagkatinginan silang dalawa matapos marinig ang aking sagot. Dahan dahang tumingin sila sakin na may lungkot sa kanilang mga mata. Anong problema nila? May nasabi ba akong mali?
"Ahhm alam mo Candy masakit man sa'ming damdamin pero may isang batas dito sa enchanted academy na kapag hindi masyadong kapakipakinabang ang iyong charm o hindi mo pa alam ang iyong charm ay mapupunta ka sa section C.S." sagot ni Krisha
"C.S?" takang tanong ko
"Charmless Students"sagot naman ni Tanya
Tuloy tuloy parin ako sa pakikinig sa kanilang dalawa.
"Ang mga enchanters na hindi masyadong kapakipakinabang o sabihin nalang natin na ang mga kapangyarihan ng mga enchanters na hindi masyado ginagamit sa ating buhay ay doon pinapasok."paliwanag ni Krisha
" May mga enchanters rin na kagaya mo na hindi pa nila nadidiskubre ang kanilang mga charm."
"May ibang enchanters na umabot hanggang 5 to 8 years nila nalaman ang kani kanilang mga kapangyarihan."
"Pero madalas hanggang 10-15 years."
"May iba nga tumanda na sila hindi parin nila nalalaman" dugtong ni Loren.
Bigla akong napasinghap dahil sa'king narinig. Posible ba'yon?
"Kung hindi nila nalaman ang kanilang mga kapangyarihan, bakit pa sila naging mga enchanters? At paano kung mga mortal talaga sila at hindi mga tulad natin?" Nagtatakang tanong ko.
"Hindi maaari iyon dahil kahit na sino mang mortal o mga hayop na galing sa mortal world ay hindi makakapasok sa barrier na ginawa ni Prinsesa Althea." sabi ni Loren.
"Ito'ng barrier na tinayo ni Prinsesa Althea ay isang di pangkaraniwang barrier."
"Ha?di pangkaraniwan?at bakit?" tanong ko.
"Hindi namin alam eh."sagot nmn ni Krisha
"So kung walang mga hayop galing sa mga mundo ng mga tao,may naninirahan pa bang mga hayop dito?"tanong ko.
"Oo naman" nakangising sagot ni Krisha.
"At hindi basta bastang mga hayop ang mga iyon."sagot nmn ni Loren na may ngisi. Ang weird ng mga reaction nila ah.
Di basta basta? Ano bang klaseng mga hayop meron dito? Half cat at half dog? Half human at half unicorn?..hmm pwede rin.. Ugh. Stop it Candy.
"Oh well continue... Dito sa Enchanted Academy by building ang mga estudyante depende kung anong level ng iyong charm isa na dun yung C.S" sabi ni Krisha
"Maliban sa C.S building meron pang apat na buiding."
"Iyon ay ang mga Royals Building which is yung mga prinsesa at mga prinsipe ng iba't ibang kingdom ay doon mapupunta pero meron din namang mga prinsesa at prinsepe na dumaan muna sa P.S.E tulad mo.
Ang mga guro don ay walang iba kundi ang mga Kings and Queens, don't worry kasi walang exemption dun""Next is Elementalist Building well duh yung mga estudyante na mga elementalist ay doon mapupunta, ang kanilang guro naman ay mga Gods and Goddess."
"Sunod ay ang Fairies Building ang mga guro naman doon ay mga Spirit Fairies , wag mo nang tanungin kung bakit mga multo diko rin alam"
"At ang huli ay Prosaic Building mga enchaters na may mga ordinaryong mga charm, mga guro nila ay ibat iba minsan fairy minsan naman mga Reyna o Mga Hari"
"Oh? Napasarap yata kwentuhan natin ah, Haha sorry Candy pero may pupuntahan pa kasi kami ni Krisha"
"Mamaya nalang ha?"sabi ni Krisha sabay kuha sa kanyang bag na nasa kwarto niya.
"Ahh gano'n ba? Sige sige bye ingat kayo" sabi ko sakanila
Pero nung paalis na sila dun ko na tinanong yung gusto kong itanong kanina pa
"Ahh Krisha, Tanya pwede magtanong?"
Bago pa nila pinihit ang doorknob tiningnan nila ako na may pagtatakang mukha
"Sa'ng building ba kayo kabilang?"
Bigla silang ngumisi sabay sagot
"Royal Building" tapos lumabas naTapos nagligpit na ako sa aming pinagkainan pagkatapos pumasok sa kwarto upang magpahinga.
___________________________
A:N
Omaygaaaassshhh!!!
Short update lang waaa!
882 words lang beshie.
Mianhae
Bye sa susunod nalang
Stress talaga ako ngayon eh.
Lovelots👄
YOU ARE READING
Enchanted Academy : The Undiscovered School
Fantasy" Ililipat ka na namin sa ibang paaralan" yan ang sabi ni Mr. Allan Garcia Halos gumuho ang mundo ni Candy ng marinig niya ang sinabi ng kanyang ama. Meron siyang boyfriend at mag ti three months palang sila. Hindi nila kaya ang LDR dahil bago pala...