question and answer

219 3 0
                                    

Keizzer’s pov

Nandito na kame sa bahay ko... I mean bahay na namin pala. Pag kahatid ko kay babe sa kwarto nya, agad akong pumunta sa kusina para magluto. Hindi ako nag open ng topic kanina habang nasa kotse kame baka kase lalong magalit sakin. Pag tapos kong magluto pumunta ko sa kwarto nya.

“babe, handa na ang pagkain” patay tinawag ko syang babe baka lalong magalit

“ok” huh? Di nagalit? Baka nagustuhan nya yung pagtawag ko sa kanya ng babe. SANA !

Sumunod na sya sakin sa kusina. At biglang nag iba ang expression ng face nya, gusto nya ata ng lasagna. Kumain na kame at eto na ang chance ko para makilala sya

“masarap ba?”

“yup, kaw nagluto?” tanung nya sakin habang kumakain

“o-oo” woo bakit ako nauutal?

“the best pwede ka nang chef”

Namula ata mukha ko sa simpleng papuri na yun, syempre galing sa babe ko eh. Heaven! Mababaw na kung mababaw, eh kung ikaw purihin ng mahal mo anung pakiramdam mo?

“may tatanong ako sayo?”

Napatingin ako sa kanya

“ano yun?” kinakabahan ako ah

“bakit mo ko pinakasalan?”

O-ow aamin ba ko?

“I want an honest answer”

“k-k-kase a-ano eh a-ano…”

“ano? Takakatakot ba ko?”

”hinde!”

“bakit nauutal ka dyan?”

Napakamot na lang ako ng batok.

“Ninenerbiyos ka ba?”

“oo eh”

“Di naman to test para kabahan ka. It’s just a simple question na mahirap sagutin” then I saw her smile

“Gusto mo ba talagang malaman?”

“Malamang, kaya nga Tinatanong ko eh”

“When I first saw you I said to myself na ikaw na…”

“Anong ako na?” kunot noo nyang tanong

“Ikaw na ang gusto kong pakasalan and live forever with me” yun! Naamin ko din

She blushed *o* cute

“Mahal mo ba ko?”

“Di ko alam pero sa tingin ko oo, na-love at first sight ata ako sayo eh” namumula na ba mukha ko? Nararamdaman ko yung init eh

“Cute. Sa tingin mo sigurado ka nang ako ang babae na makakasama mo habambuhay?” I look at her and she grinned. Pinagti-tripan nya ba ko?

“Sigurado ako”

“Ok” Then she smiled and look me in the eye “Para fair, sasabihin ko sayong crush kita” Lalong namula mukha ko. “Its my first time na nakakita ng lalaking namula dahil sinabihan ng crush kita. Cute ka, parang ako haha” I like her, I really do. Or maybe mahal ko na talaga sya.

Rush MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon