CHAPTER 1: The Past

38 0 0
                                    

            “happy birthday.”

            “thank you insan.. :))”

            “pinsan pla kta?wahaha.”

            “opo hahaha !!! thank you insan.. :))”

Ganyan lang naman kami nagsimula. Ewan ko ba paano kami naging close ng pinsan kong yan. Sa totoo lang malayong magpinsan naman kami eh. Siguro 3rd or 4th degree na nga o baka higit pa. Ako nga pala si Chloe Anne Buenaventura. 15 years old. 3rd year high school student sa UST. Isa lang ako sa mga ordinaryong estudyante dito. Palakaibigan at masayahin, yan siguro ang pinaka-maipagmamayabang kong katangian ko. Kaya kahit sa ibang year level may kaibigan ako. At yun nga dahil sa isang facebook post ng pagbati ko, nakilala ko siya. Siya nga pala si Tristan Paolo Castro, 13 years old at 1st year highschool sa kapareho kong unibersidad. Di ko naman talaga siya kilala nung mga panahon na yun. Di ko nga din alam pano ko siya naging friend sa facebook pero nung nakita kong birthday niya at nakita ko naman na taga-UST siya, binati ko na lang din siya. Wala lang naman talaga siya sakin noon. Di naman kasi siya yung tipo kong lalaki pagdating sa hitsura kaya di ko nalang pinansin. Tinuloy ko na lang ang pagfacebook ko. Maglolog-out na sana ako ng bigla siyang nag message sakin.

            “insan”

            “oh?? Bakit?”

            “haha. sungit ah :)”

            “Haha. sorry. Ganyan lang talaga ko. Ano ba yun?”

            “Ahh. Thanks sa greetings ha.”

            “HAHAHA. Welcome. Unli ka ba? Paulit ulit eh. Nagthanks ka na sa post ko di ba?”

            “Oo! Haha. sorry na. “

            “Sige ah. Mag-oout na kasi ako eh. Bye!”

            “Teka insan.”

            “Oh? Bakit nanaman? Haha.”

            “Pwede ko bang hingin yung number m okay Migs?”

            “Si Migs? Migs Pascual?”

            “Oo. Classmate ko kasi siya eh. At diba pinsan din naman atin sya?”

            “Ahh. Oo. Sige sige. Bye!”

Hindi ko na pinansin kung ano man yun. Nagmamadali na din kasi ako eh. May kailangan pa kong puntahan. May lakad nga pala kami ng friends ko ng 4pm. Shemay naman. 1:00 na pala. Pano ba to? Kailangan ko na maligo at magmadali. Baka malate ako at maging taya pa ko sa lakad naming. Yan kasi usapan. Ang huling dadating, manlilibre. Ayoko nga. Kaya kailangan ko na magmadali.

Tristan’s POV

            Nabanggit naman na ata ako kanina diba? Well, ako si Tristan Paolo Castro, 13 years old at isang 1st year high school student. Tipikal akong student dito sa school ko. Maloko, pala barkada pero marunong din naman magseryoso. May girlfriend ako ngayon, 6 months na nga kami eh. Oo. 23 din kasi yung monthsary naming at sakto din sa birthday ko, sayang nga lang kasi di pa natapat a anniversary naming yung birthday ko. Pero kahit ano pa man, sobrang masaya ko sa kanya. Siya nga pala si Angel. Classmate ko siya ngayon kaya sobrang saya ko. Wala na nga akong pakialam sa mga babae ngayon eh, nakuntento na ko sa kanya. Kaso minsan di pa din mawala sa isip niya yung image ko bago kami nagkakilala.

FLASHBACK: 1 year ago

         “Tris! Hinahanap ka nung kadate mo kagabi” yan yung sinabi sakin ni Migs pagkapasok na pagkapasok niya sa room naming. Kung hindi ba naman talaga mabuting kaibigan tong si Migs eh, nakita nang kausap ko si Nina, nilaglag pa ko.

My Bear, My best friend. A story of forbidden loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon