Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 05: Meaningless

70.4K 2.5K 814
                                    

***

"Ba't ang aga mo diyan?" tanong ni Kuya Jepoy nang mapagbuksan niya 'ko ng pinto. Nakaupo ako sa barandilya ng porch, nagtatampal ng lamok.

Humikab ako. Mahaba. Tinakpan ko ng kamay ko ang bibig ko at nagkusot ng mata. "Wala. Nagising lang ako nang maaga."

Namulsa si Kuya habang kunot-noo sa 'kin. Tumanaw sa bahay nina Jacob na tanaw-tanaw ko rin.

Bahagya nang bukas ang pinto nila dahil gising na si Auntie Mona. Nasisilip kong palakad-lakad na sa loob pati na sina Warren at Max. Siguradong nagbe-bake sila. Pero si Jacob, hindi ko pa nakikita.

Ngumisi si Kuya sa 'kin.

"Ano na naman, Kuya?" una ko sa kanya at sumimangot. Napahikab uli ako. Sa ganitong oras, karaniwan ay papagising pa lang ako.

" 'Yan, hikab pa. Antok ka pa, 'no? Anong oras ka ba gumising? Ang taba ng eyebags mo," sabi niya at nailing.

Hindi ko alam kung anong oras ako nagising dahil parang hindi naman na 'ko nakatulog. Ang lakas ng pitik ng puso ko dahil kay Jacob. At 'pag pumipikit ako, parang nararamdaman ko pa ang labi niya. Inuulit-ulit ko sa isip ko ang pakiramdam para hindi ko agad makalimutan. Pero sigurado akong thirty minutes na 'kong nakatambay sa porch. Ni hindi nga ako nakapagtimpla ng gatas ko.

"Kung inaabangan mo si Hakob, kanina pa nautusan ni Auntie Mona 'yon. Nagpunta sa Divisoria."

Mulagat ako kay Kuya. Baka gino-good time lang ako, eh. Pero seryoso ang mukha niya. "Ha? Bakit ang aga?"

"Tanong mo kay Auntie. Si Auntie nanggising sa 'min, eh. Kaya magluto ka na lang kaysa nagpapalamok ka rito. Legs na nga lang naidi-display mo, papakagat mo pa." Lumapad ang ngiti niya.

Lalo akong sumimangot. Alam ko na kung saan na naman papunta ang usapan. Tatawagin na naman akong pangit nito ni Kuyang pangit. "Maganda kaya ako."

"Sabi ng panda. Tingnan mo'ng mata mo, o. Sumbong kita kay Mama. Ang aga mong nag-aabang kay Hakob, hindi ka pa nga yata nakakapagluto."

Hindi ako makapangatwiran dahil hindi pa talaga ako nakapagluluto.

"Magluto ka na ro'n. Wala kang mapapala sa tambay mo rito, pagagalitan ka pa 'pag walang almusal. Lalabas na 'yon maya-maya sina Mama at Papa."

Napahikab uli ako nang umalis ako sa barandilya.

"Eh, ikaw? Sa'n ka pupunta?" tanong ko.

"Bibili ng pandesal."

"Ah. Bili mo ko ng—"

"Cheese, oo. Nagbilin din si Mama kagabi."

"Saka, ano—"

"Coco jam, alam ko na."

Ngumiti ako nang malapad. Kahit palaasar 'to si Kuya, maaasahan din naman minsan, eh. Matibay ang memory sa mga favorites ko.

"Sige, ingat, mas pangit," sabi ko.

"Magluto ka, pinakapangit."

Bumelat ako bago pumasok sa bahay.

***

Wala pa rin si Jacob hanggang tanghalian. Narinig ko kay Auntie Mona na may pinabibili siyang baking equipments para sa malalaking orders sa susunod na linggo. Si Warren ang pumalit sa pagde-deliver no'ng mga baking goods sa mga suki nila.

Nakapaglinis at nakapagligpit ako ng bahay dahil walang ibang gagawin. Pati mga damitan namin, naayos ko rin. Hindi na dapat ako aalis dahil wala namang teatro o project na naka-schedule, pero tumawag sa 'kin si Tita Judy. Pinapasamahan si Mi sa bahay nila. May minatamis na macapuno rin daw siyang ginawa na panghimagas. Paborito ni Mama 'yon. Pinapagdala ako pabalik.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Eloisa Madrigal, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Eloisa Madrigal
@TheCatWhoDoesntMeow
Rejecting Iya's confessions is Jacob's norm. After sharing three kiss...
Bilhin ang bagong parte ng kuwentong ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 22 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @TheCatWhoDoesntMeow.
Kiss You (Candy Stories #1) (Published by Anvil Bliss)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon