AUTHOR'S NOTE: I recommend that you listen to the songs that I'm gonna place right before every chapter while reading but it isn't necessary. It's all up to you 😊
Song: Bakit di Totohanin (by: Carol Banawa)
We finally arrived to our destination. It is a very fancy buffet restaurant. Parang hindi nga yata bagay yung suot ko para dito.
Bumaba na siya sa sasakyan at dali dali namang pumunta sa may gilid ko at pinagbuksan ako ng pinto.
Infairness naman sakanya, gentleman...
We walked towards the lady in front. Yung may hawak ng listahan ng mga nagpareserve ng seats. Oh diba, susyal?
"Seats for two, please" Zach said politely
"Sorry, sir. Puno na po kase, eh. Wala na pong vacant hanggang dinner. Marami po kasing reservations today. Sorry po"
"Oh... O-Okay... It's fine. Thank you" tumingin saakin si Zach with an apologetic look "I guess we'll have to find another place to eat..."
"Ano ka ba, okay lang. Tara?" ngumiti ako sakanya at binalik naman niya yon.
We walked back to his car and what we witnessed next was unexpected. May bata na may hawak na kutsilyo, binutasan yung gulong ng sasakyan, at tumakbo.
"What the hell?" naiinis na sinabi ni Zach. Pati ako ay nagulat sa nangyare. Buti nalang at may pulis na nakakita kaya hinabol nila agad yung mga bata.
Tumakbo si Zach papunta sa Range Rover niya at sinundan ko naman siya. Doon namin napansin na nawawala din yung side mirror niya.
"Oh my God..." nanlaki yung mga mata ko at tinakpan yung bibig ko. Ang mahal ng mga yon! Kung ako kay Zach konti nalang iiyak na ako!
Tinignan ko siya at kung ano ang magiging reksyon niya. He's currently staring at the place where his side mirrors were at. Tinignan niya ako at matapos ang ilang segundo ay tumawa siya at tumawa rin ako.
"I'm screwed... I'm so sorry" sabi niya habang tumatawa
"Okay lang... Ang malas naman ata nga araw na to" I replied while laughing
"So... Anong next plan naten?" he casually asked na para bang hindi siya nanakawan ng side mirror at nabutasan ng gulong
"Hindi mo ba... aasikasuhin yan?"
"Nah, mamaya na. Ang importante, kung saan tayo kakain at kung papano tayo makakapunta doon" nag isip ako ng ibang lugar na malapit kung saan kami pwedeng kumain.
And suddenly, an idea popped in my mind.
"Kung gusto mo, may malapit na tusok-tusok jan. Walking distance lang..." I smirked at him at parang naguguluhan siya
"Tusok-tusok? Actually, that's a good idea... Tara?" I smiled at him at nagsimula na kaming maglakad
"From fancy Vikings to tusok-tusok real quick" tumawa siya at tinignan ako
"Alam mo kaya kita dinala sa Vikings, I thought you were the fancy type of person. Yung hindi kumakain ng street foods, yung-" I cut him off
"Maarte? Nako, jinujudge ko nga yung mga buset na maarteng babae, eh. Plus, ang sarap kaya ng street foods! Mura pa. It's a win-win" tumawa siya
"Tama ka... Bihira nalang kasi yung ganyan kaganda tapos hindi pa maarte" bigla naman akong napatingin sakanya.
"Nakakaflatter ka naman..." sabi ko with a fake pabebe voice at napangiti naman siya
"Seryoso nga..." sabi niya habang nakatingin saken. Tinignan ko nalang yung sapatos ko kase nararamdaman ko na namumula na ako.
"Ayan na pala eh..." sabi ko para maiba yung pinaguusapan. Pareho naming tinignan yung lugar na maraming nagtitinda ng streetfoods at agad na pumunta doon.
"So... tell me. Bakit sa dinarami-rami ng pwede nating gawen, lunch pa?" tanong ko habang kumukuha ng fish ball
"Kase... kase gusto pa kitang makilala" natigil ako sa ginagawa ko at natawa sa sinabi niya
"Ako? Bakit naman?" I asked out of curiosity
"Wala lang... You just seem nice..." he smiled at me
"Ganun ba... Sige, ikaw ren. Let's get to know each other" nagbayad na kame at umupo doon sa malapit na bench
The rest of the day went by so fast. Pagkatapos naming kumain at magkwentuhan ay bumalik kami sa sasakyan niya at pinaayos agad ito.
"Sir, mga 5 minutes nalang po at matatapos narin to" sabi ni kuya na nagaayos ng sasakyan ni Zach
"Sige po kuya. Hihintayin nalang po namen. Lou?" pumunta kami sa waiting area at umupo kasama ng ibang nahihintay
"Zach, thank you for today. Alam ko na maraming malas na nangyari ngayon," sabi ko at napangiti naman siya "pero naging masaya naman, diba?"
"It was more than what I expected. Thank you kase kahit na hindi natuloy yung initial plan ko, you still made the most out of it" sabi naman niya.
Napansin ko na may minamasid si Zach sa may likod ko. Tinignan ko kung anong tinitignan niya at ang nakita ko lang ay tatlong lalake at silang lahat ay nakatingin sakin-- sa katawan ko. Binalik ko agad ang tingin ko sa harap at biglang kinabahan.
"Kanina pa sila nakatingin sayo..." bulong ni Zach at napalunok nalang ako. "Do you want them to stop looking at you?" tumango ako ng konti
"Anong gagawin m-" nagulat ako nang bigla niya akong inakbayan at linapit ako sakanya. Sobrang lapit namin sa isa't isa na kung titignan mo ay parang mag jowa kame. Amoy na amoy ko rin ang pabango niya. It's so manly.
I was taken aback when he suddenly kissed my temples.
What the fuck?
"Are you okay, babe?" he said, emphasizing the word 'babe'. Ano bang ginagawa niya? Tinitigan ko lang siya na parang naguguluhan "Just go with it..." palihim at mahina niyang sinabe
"A-Ah oo, b-babe. Okay lang ako..." sabi ko at pinatong ang ulo ko sa balikat niya.
Naramdaman ko na tumingin siya ulit sa mga lalaking nasa likod ko.
"Success..." bulong niya saaken at hinalikan ulit yung buhok ko
"Thank you..." sabi ko habang hindi umaalis sa posisyon namen. Malapit sa isa't isa habang nakapatong ang ulo ko sa balikat niya
"Sir Zach, okay na po" we awkwardly shifted positions, stood up, and walked towards the car.
YOU ARE READING
Say You Won't Let Go
FanfictionWhen Lou met Zach in the middle of a chaos, Zach served as her protector and in that simple situation, she immediately knew that she ows him her life. They went along really well until one day, something just changed between the two of them. Somethi...