Prologue:
Isang pagkakamali ang nagawa ni Johannes Clifford noon. Hindi man bukal sa kanyang puso na gawin ang lahat ng iyon, wala siyang nagawa kundi sumunod sa kanyang mga magulang. Ngunit kinalimutan nalang niya iyon upang maipagmalaki naman siya ng mga ito. Isang taon pagkatapos ipanganak ang kanyang unang anak, nawala ang bata na labis niyang ikinagalit. Pinahanap niya ito ngunit hindi siya nagtagumpay. Isang karma ito sa kanyang buhay.
Una niyang sinisi ang kanyang sarili. Alam niya kung bakit nawala ang kanyang munting anak. Naniniwala siya na kung may umalis may dadating. Ngunit nagtataka siya ung bakit napaka’unfair’ ng mundo. Sabagay, napaisip din siya. Siya ang umalis. At may dumating. Kaya nararapat lang na mawala ang bata. Pero mahal na mahal niya ito. At ipinangako niya sa kanyang sarili na babawian niya ang mga taong alam niyang gumawa ng mga ito.
24 years later…
“Honey, aren’t we going now? Jordan’s waiting for us now.” Sabi ng kanyang asawa. 38 yrs old na ito ngunit muka siyang 25 years old. Aligagang aligaga siya dahil uuwi na ang kanyang anak galling Korea. Ito ang pangalawang anak niya. Naaala na naman niya ang kanyang unang anak na nawala. Pero ibinaon na niya ito sa limot at inisip na ito’y patay na. Masaya naman siya sa kanyang pangalawang anak. Masipag ang batang ito kaya nakatapos at humahalili sa ng pagpapatakbo ng hotel nila sa Korea.
Habang nagdidiwang ang pamilya nila sa pagdating ng kanyang anak, sa kabilang banda nama’y may isang taong nasisiyahan din kahit may poot at galit na nararamdaman. “Malapit na ring matapos ang kaligayahan mo, Johannes.” Nais nitong tumawa ng malakas ngunit baka mapaghalataang siya’y nababaliw na.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~LalalaLoveRainer! :*
BINABASA MO ANG
Truth and Lies
RomanceAng pagkakamaling nagawa ni Johannes Clifford noon ay nagbunga ng isang kasamaang balak ni Shiela Goux. Poot at galit lamang ang nararamdaman ng babae kay Johannes. Ngunit ano naman kaya ang kamaliang iyon at ang isusukling pagganti ni Shiela na ik...