Lauri's POV
Maaga ako nakarating sa school ngayon kasi daw may important annoucement si Mr. Prinicipal sa mga studyante. At syempre kasali ako.
Habang nag lalakad ako, napansin kung maraming tingin sa akin. Napahinto ako sa paglalakad para tingnan sila. Pero sabay sabay din silang umiwas. May iba nag kukunwaring nagbabasa kahit aminado naman na parang wala silang maintindihan kasi nga baliktad yung pagkahawak sa libro. Tss! Halatado masyado. Yung iba naman, nagkukunwaring may kinakausap sa phone pero halatang wala naman kasi biglangnag ring. Ayun, medyo napahiya tuloy.
Napa iling nalang ako. At patuloy sa paglalakad.
Hanggang sa Covered Area, hindi pa rin nila ako tinantanan.
Wag kang mag pa apekto lauri. sabi ko nalang sa sarili ko.
Pero hindi ko talaga alam kung bakit sila nakatingin sa akin. Hindi naman ako maganda para pag aksayahang titigan noh.
Hmp! Pake ko. Hahanapin ko nalang si JM.
Hanap
Hanap
Hanap
Ayun!
" JM!.." Tawag ko sa kanya. Pero parang hindi niya ata ako narinig. Patuloy pa rin kasi siyang nakikipag chikahan sa mga schoolmates namin.
Napakamot nalang ako. Ayoko na ring tawagin siya ulet. Nakakahiya na. Pinag titingan na kasi ako dito eh. Hay nako! Kaylan ba matatapos to.
Habang nag hahanap ako ng pwesto, may nahagip akong isang tao. Na pinaka ayaw makita ngayon.
-_-
AYaw talaga!
Remember? May nagawa akong kasalanan sa kanya kahapon. Huhu! Nakakahiya yun.
>_<
Nakakatakot kung makatitig si Andro sa akin. Halatang galit.
Yumuko nalang ako, kasi naman men. Ayoko ng titig niya. Kung siguro nakakapatay lang yung titig niya. Siguro, Kanina pa ako naka bulagta dito,
Lengye! Pinapapawisan ako ng malakit.
" Hi, Lauri!.." Biglang nagliwanag ang buhay ko ng biglang sumulpot si Nigel sa harapan ko.
" Oh, Hello." Bati ko sa kanya. Medyo nawala konti yung kaba ko.
" Why are you alone? where's your ever loving bestfriend Ms. Ganda?.." Feeling ko uminit bigla yung magka bilang pisngi ko dahil sa huling sinabi niya. err! That I'm maganda?
-^__^- ayeeeeeeee
" Ha ah, si JM? andito rin siya. Ayun nga siya oh, tinawag ko siya kanina pero hindi niya ako narinig." then nagkibit balikat lang ako
Hindi na siya nag salita ulit. And instead of saying something, He just give me a cute smile.
Haynako. Commercial Model ba to sa mga toothpaste brand? Ganda ng ngipin teh.
Nakaka silaw mamen!
>_<
" Ah, nigel. By the way, thanks pala kahapon ah. Salamat kasi andun ka para e.comfort ako."
Bumuntong hininga muna siya bago mag salita. " Lauri, nabilang mo naba kung ilang beses ka ng nag pasalamat sa akin?. Kasi ako oo, bilang na bilang ko." pa tawang sabi niya sa akin. At sa pagka bigla ko. Nag bilang talaga siya. Gamit ang mga daliri niya.
Eh malamang. Alangan namang daliri sa paa?
" Siguro mga pang dalawamput pito muna to." sabi niya habang patango tango
BINABASA MO ANG
Crush lang ba kita?_?
Dla nastolatkówI'm happy not because I'm with you, but because of who i am when I'm with you, just like you bring out the best in me.. co'z you've became my inspiration.. :)