Chapter 7

8.9K 356 21
                                    

Sobrang lalim ng tagalog.

But this is one of my favorite store, wholesome amd sincere.

°
°

Nakakabighani ang lugar na Maynila. Maraming tao, matatayog ang mga building, makikislap na ilaw, kaliwa at kanan ang malls at nagkalat ang mga sasakyan. Ito nga talaga ang tinatawag dream city ng mga taong nakatira sa probinsya gaya ko.

Gayunpaman, hindi ko parin maiwasan malungkot dahil malayo na ako kina Nanay at Tatay, may takot rin ako dahil ngayon kailangan kong matuto magisa at wag umasa kahit kanino.

Malaki ang tinutuluyan nina Kuya Aljun at Kuya Iñigo na apartment. May tatlong kwarto, sala, kusina at banyo. Saktong sakto saming magkakapatid. Tuwing umaga ay ako lang ang naiiwanan dahil nagtatrabaho sila sa umaga.

"Reese may binili akong sapatos at bag para sayo," masayang bungad ni Kuya Iñigo sakin pagkapasok nya sa apartment. May mga bitbit syang paper bags. "Tara dito,"

Iniwanan ko muna ang hinihiwa kong gulay dahil magluluto ako ng pinakbet. Lumapit ako kay Kuya Iñigo. Binuksan nya ang mga paper bags at nilabas ang mga laman nito.

"Wow kuya, ang ganda nito," nanlalaki ang aking mata habang hawak ang isang leather sling bag na talagang mukhang mamahalin.

Ngumiti si Kuya sakin. "Syempre para sa kapatid ko. Basta magaral kang mabuti para maging proud lalo sina Nanay at Tatay sayo,"

Hindi ko mapigilang mapaluha at maging emosyonal. Kahit napakalaki ng nagbago sa buhay ko simula ng mawala si Ginger pero ang pamilya ko nanatili sa aking tabi kahit anong nangyari.

"Salamat," naiyak ko na sabi kay Kuya Iñigo. Pinahid ko ang aking luha at pilit nilunok ang sakit. "Magaaral akong mabuti para sa inyo,"

Niyakap ako ni Kuya Iñigo. "Gawin mo yan para sa sarili mo Reese,"

"Oh bakit kayo nagiiyakan dyan?" tanong ni Kuya Aljun. Kadarating nya lang galing sa trabaho. "May problema ba?"

"Wala. Naiyak lang si Reese dahil sa mahal ng bag at sapatos na binili ko sakanya," biro ni Kuya Iñigo.

Inilapag ni Kuya Aljun ang kanyang helmet at plastic na may lamang pagkain sabay kinuha ang kanyang wallet. "Eto pala pangbili ng gamit mo sa school, kaya mo na bang mamili magisa?" inabot nito ang tatlong libo sakin.

Nahihiyang kinuha ko ang pera. "Salamat mga kuya,"

Kung tutuusin pwede na mag asawa ang mga kuya ko. Pero mas pinili mila maging responsableng kapatid sakin at nagtulungan sila para sa aking pagaaral sa kolehiyo.

Binili ko lahat ng kailangan ko sa school at ilang damit. Kahit paano ay may natira pa namang pera sa akin. Naglibot libot ako sa mall hanggang gabi, wala rin naman akong gagawin sa bahay. Malulungkot lang ako at maaalala si Ginger.

"Reese!" narinig ko na may tumatawag sa pangalan ko. Sa dami ng tao hindi ko ito makita. "Girl nandito kami!"

Biglang sumulpot sina Chloe at Nadia sa aking harapan. Nagyakapan kami at nagtatalon sa tuwa sa gitna ng mall. "Kelan pa kayo lumuwas?"

"Kahapon lang, at nang sinabi mo nga na pupunta ka sa mall na to, sumunod kami para supresahin kita," sagot ni Nadia habang hinahawi ang kanyang mahabang buhok.

Nagpunta kami sa isang fast food restaurant at kumain. Hindi naman ako gano kagutom kaya hindi ko rin naubos ang pagkain.

"So.. Anong University ang pinili mo?" tanong ni Chloe sakin habang kumakain ng fries.

"Sa UP," sagot ko bago uminom ng tubig. "Full scholarship with allowance, pwede akong magpart time job as student librarian," tinignan ko ang dalawa kung kaibigan. "Kayo saan kayo papasok?"

Pretty Woman ( Lesbian )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon