Chapter 9

9.3K 378 84
                                    


P

agkahawak ko ng aking diploma ay hindi ko mapigilan maging emosyonal. Sa wakas, nagbunga rin ang lahat lahat ng paghihirap at pagsusunog ko ng kilay araw man o gabi sa loob ng limang tao sa kolehiyo.

Ngayon ako ay nakatayo sa harapan ng libo libong tao na gaya ko ay nagtapos sa aming mga piniling kurso habang suot ang Sablay na sumasagisag sa ating nasyonalismo at kahalagahan na inilagay natin sa ating katutubong kultura, na kabilang sa mga halaga na natutunan mula sa Unibersidad.

"Maligayang pagtatapos sa ating mga scholar ng bayan," bati ko sa mga kapwa ko studyante. "Napili kong ibahagi ang aking talumpati sa wikang Filipino," hindi ko na binasa ang ginawa kong speech na nakasulat sa papel dahil mas gusto ko na mang galing ito sa aking puso.

"Nais kong ibahagi sa inyo ang maraming dahilan kung hindi ako sumuko sa buhay. Sabi nga nila ang buhay ay parang gulong, minsan ikaw ay nasa ilalim minsan ay ikaw ang umaangat. Pero maging makatotohanan tayo, karamihan sa mga narito ay nakapagtapos sa tulong ng scholarship gaya ko. Lubos po akong nagpapasalamat sa University of the Philippines community,"

"Galing ako sa simple at payak na pamilya. Tinuruan ako ng aking Nanay at Tatay na makuntento sa kung anong meron ako, maging masaya sa maliliit na bagay at pagsikapan ang mga bagay na nais ko. Saksi ako sa bawat dugo at pawis ng kanilang paghihirap sa araw araw para mapagtapos kaming mga magkakapatid sa pagaaral," nilunok ko ang luha.

"Nanay at Tatay maraming salamat sa pagsisikap ay pagtaguyod sa akin," pinagmasdan ko ang aking pamilya sa hindi kalayuan. May mga luha sakanilang mga mata. "Sa dalawa kong Kuya na sina kina Kuya Aljun at Kuya Iñigo na tumulong sa ibang pangangailangan ko sa pagaaral," isang saludo ang binigay sakin ng aking mga Kuya. "Sila rin ang dahilan kung bakit wala pa akong boyfriend hanggang ngayon," nagtawanan ang mga tao.

"Iba iba ang pinagdaraanan natin sa buhay, iba iba rin ang pamamaraan natin sa pagresolba sa ating pagsubok. Minsan nawawalan tayo ng pagasa at akala natin ito ang ating katapusan pero wag tayo susuko, wag kalimutan na tumawag sa may itaas at higit sa lahat lagi natin isipin na may pamilya tayo na ating sandigan sa lungkot at saya,"

Nagpalakpakan ang mga tao. Huminga ako ng malalim.

"Ako po si Reese Salcedo, sumasaludo Suma cum laude,"

Pagkatapos ng graduation ay agad akong nilapitan ng aking pamilya.  Mahigpit akong niyakap nina Nanay at Tatay walang pagsidlan ang aking kaligayahan.

"Proud na proud kami ng Nanay mo sayo Reese Anak!" emosyonal na wika ni Tatay habang pinapahid ang kanyang luha.

"Yung makatapos ka ng College ay napakalaking bagay samin, pero ang maging Suma cum laude ka ay sobra sobra na," dugtong ni Nanay.

"Hindi ko po magagawa ang lahat ng ito kung hindi po dahil sa inyo," nagpalilat lipat ang aking paningin kina Nanay at Tatay. "Para po sa inyo ito," inabot ko sakanila ang aking diploma. "Marami pong salamat,"

Kinuha ni Nanay ang diploma at pinagmasdan ng maigi ang aking pangalan.

"Ang galing talaga ng kapatid ko!" masayang bati ni Kuya Aljun sakin sabay akbay. "At hindi kami ang dahilan kung bakit wala kang boyfriend," pinisil ni Kuya ang aking pisngi. "May hinihintay ka lang bumalik,"

Bigla akong natahimik pero hindi ko pinahalata na kumirot ang aking puso ng maaalala si Ginger. Ang hirap mag move on kapag marami kang tanong pero walang kasagutan.

"Reese!" singit ni Ethan. Nandito pala sya, ngayon ko lang sya napansin. "For you," inabot nya ang boquet ng bulaklak. "Congratulation Suma cum laude,"

Naunang makatapos si Ethan sakin kasama sina Chloe, Nadia at Color. Ako lang ang natira dahil limang taon ang Architecture.

Kinuha ko ang bulaklak. "Salamat Ethan!"

Pretty Woman ( Lesbian )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon