SoS1

3 0 0
                                    

Love...isang napakagulong bagay. Biruin niyo kaya tayong i-make or break ng isang four letter word na ito? Well that's just how it is ,there is always something to destroy or create something wonderful in our lives.

Ako nga pala si Eos Kleir Montreal isang scholar sa Prior Academy at dapat ay nakikinig ng leture pero dahil magirap kalaban ang pagka-bagot ay konti lang ang nakakapasok sa utak ko.
"Next reporter is Eos Montreal at Xyr Zaragasa!The topic is Bilinguwalismo. Class dismissed"yan ang huling sabi ng aming teacher bago siya lumayas sa room namin.

Di ko kilala yung partner ko pero they say na mahirap siyang ka-partner dahil nangunguha ng points and credits...well sa lalake daw ganun. Pero ayon sa mga babae sa school na ito swerte ka daw dahil matalino at gwapo pa.

Nagulat ako nang may nagslam ng kung anong mabigat sa desk ko I was expecting an angry boy who is supposed to be my partner pero ang gulat ko noong nakita ko ang bestfriend ko. "Anong ginagawa mo dito?Akala ko sa may lobby ng school tayo magtatagpuan?"tanong ko habang pinagpapatuloy ko ang pag-aayos ng gamit.
"Balita ko magiging partners kayo ni Xyr my love so sweet! Kelan mo balak sabihin sakin yun?! Bukas?! O baka naman never?!"sabi/sigaw niya sa akin habang niyuyugyog ang upuan ko na parang may galit dito.
"Ano ka ba uwian na siyempre mamaya dapat dahil may tagpuan tayo sa lobby. Teka paano mo nalaman agad agad?"tanong ko sa kanya. Di pa nga ako nakakalabas ng classroom at kahit mga kaklase ko ay ngayon pa lang nagsisiuwian.
"Meron akong paraan pag gusto ko Eos. Buong elementary pa lang tayo ganun na ako. Pagpunta lang ata sa Korea everytime may concert doon ang di ko magawa"sabi niya at nalugmok kami pareho sa huli niyang sinabi.

Nagkwentuhan kami biglang may nagbagsak ng libro sa harapan namin."Hoy sino ka ba sa tingin m--"natigilan si Alex sa pagsasalita at nagtaka ako. Nakalimutan ko pala ang name niya ay Alexandrea Cruz pero Alex ang tawag ko sa kanya.
"Alex ayos ka lang?"tanong ko at pinaupo siya. Sasagot pa sana si Alex nang
"Eos right?Ang tagal niyong mag-usap at maguusap pa kayo for sure kaya ito na. Research this for our project. And study basic Korean for some examples ako na bahala sa iba"dinig kong sinabi sa nung lalake.
"Uhm..sino ka? Ikaw ba yung Xyr?"tanong ko at nagsmirk siya
"Sheez slow ngayon ang ka-partner ko. Wag kang ganyan sa report ayokong naaabala."sabi niya at nagsimulang maglakad paalis pero tumigil siya "Hmm...and yes I am Xyr Zaragasa" umalis na siya pagkatapos nun.

"Ang weird niya"bulong ko. "Ang gwapo niya! You don't mind me tagging along in the making of your report right?"sabi ni Alex at nag puppy eyes. "Uh...sure?"sabi ko at hinatak na niya ako palabas ng room.

Brrr...brrrr (patawarin niyo ang sound effects ko)
--------------------
From: unknown
Mine.

5:30pm
-

-------------------
"Huh?"tanong konsa sarili ko. Itinago ko na lang ang cellphone ko dahil baka wrong send lang.
"Hey bes! Bili kita ng kwek-kwek bilis!!!"sigaw sa akin ni Alex at agad akong tumakbo sa kanya. "Yes! Hahaha basta libre eh!"sabi ko noong nakalapit ako sa kaniya.

Mga 30 mins kaming naglalakad habang nakain ng kwek-kwek.Feeling ko may nasunod sa akin pero pagnalingon ako wala naman.

Pagkatapos nga mahigit isang oras sa wakas naka-uwi na ako.For some reason napagod ako kahit konti lang naman ang pinaggagawa ko.Bakit kaya?
--------------------
From:unknown
Makatulog ka sana ng mahimbing.
6:04pm
--------------------
Sino ba ito?!Huhuhu  ㅠㅠ natatakot na ako ha....plus ang aga namang magpatulog ng kung sino man ito.
Sabihin ko kaya kay Alex? O kaya isumbong ko sa Tm? O kaya sa pulis? Ay teka....
--------------------
To:unknown
Who you po?
Sent 6:07pm
--------------------
...
...
...
Wala? Nice talking yung taong yun ah...hays bahala na nga! Tutulog na nga lang ako maganda naman ang suggestion nang nag-text hehehe.




.............

Selfish or SelflessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon