SoS2

1 0 0
                                    

Alam niyo yung feeling na ayaw mong bumangon sa higaan dahil sa pagod kahit di ka naman sobrang pagod kahapon? Kung hindi edi kayo na ang masipag pero pag tulad ko kayo na halos araw araw nakakaranas ng ganito tara nang mag gawa ng 'Lazy Potato Squad'. Pero as much as it hurts my heart kelangan kong bumangon L=o=/ whyyyyyyy????? Ayoko pa huhuhu

---------------------
From:unknown
Good morning gumising ka na.
6:02am
---------------------
Sino ba ito? Grabe...

Nakapunta na ako sa school pero pagka-upo ko palang ay pinuntahan agad ako nung Xyr na yun.
"Montreal meet me later after class so we can start our report"sabi niya at umalis agad bago pa man ako makasagot ng 'oo'
"EOS!!!Nakita ko yon! Pwede ba akong sumama sa report making niyo? Please?"sabi niya with hawak sa kamay ko action pa. Paano ba ako makakahindi bukod sa bestfriend ko siya madami din siyang nagawang maganda para sa akin.
"Sige. Mamaya daw after class"sabi ko at ngumiti sa kanya. Ang laki ng ngiti niya habang nagpasalamat,ganun ba talaga kalaki ng pagkaka-crush niya? Di ko talaga ma-gets naniniwala kasi ako sa kasabihang "Perfect boys only exists in books" at "I am married to my bias(esssss)".

Natapos ang araw sa school ng maayos buti at wala ang ibang teachers."Grabe gutom na ako..."sabi ko sa sarili ko.
"Montreal let's go" sabi ni Xyr at hinila ako palabas ng room. "Huy Eos sama ako diba?"habol sa amin ni Alex.

Tumingin ako kay Xyr na parang ba nagtatanong at nakita ko siya sumimangot. "Fine. Just make sure na hindi siya pan-gulo"sabi niya at nagsimulang maglakad habang si Alex naman ay tuwang tuwa na nakahawak sa braso ko habang bumubulong ng kung ano ano tungkol sa lalaking ito.

Doon kami sa library pumunta para sa paghahanda sa report. Kinuha ni Xyr agad ang laptop niya at dahil doon nahili ako. Mga bes ang ganda ng laptop niya! Mas maganda pa sa laptop ng mga teachers dito.

"Stop staring" bigla niyang sabi
"H-huh?"sabi ko naman
"Tsk. Stop staring at my laptop as if you want to steal it. Simulan mo na ang pinagagawa ko"sabi niya sabay sarado ng laptop
"E-eh ano ba yung pinagagawa mo? Wala pa naman diba?"sabi ko sa kanya. Huhuhu nakakatakot siyang tumungin nawala ang takot ko nang kinalbit ako ni Alex.
"Bes sabi niya kumuha ka ng libro tungkol sa mga language. Mahigit 5 minuteska nang nakatingin sa laptop niya"bulong ni Alex sa akin
"Ah...okay"sabi ko at dali daling pumunta sa bookshelves.

Alin kaya dito?

Oo nga pala

Hindi nga pala tayo

Hanggang dito na lang ako

Nangangarap na mapasayo---

"Sabi ko sayo na maghanap ng libro hindi mag-concert"sabi niya sa likod ko.

Waaah! Nakakatakot na naman ang mata niya! Bakit ba ang cold at sama ng tingin niya sa akin?!

"Ah...eto o!" Abot ko ng libro sa kanya.
"Inabot ka ng 5minutes sa paghahanap ng librong ito?"sabi niya at bago pa man ako sumagot tumalikod siya.

Aba't!!! Ang sarap mong batuhin ng upuan!
At dahil may takot ako sa buhay ko di ko yun gagawin kaya sumunod na lang ako sa kanyang bumalik sa table namin.

"Asan si Alex?"tanong ko kay Xyr nang makita kong wala kahit bag man lang ni Alex ang natira sa upuan.
"Pinaalis ko"simple niyang sagot.
"Ano?! Bakit? Wala akong kasabay umuwi niyan !"sabi ko sa kanya. Huhuhu magg-gabi na ayokong umuwi mag-isa!

"Tumahimik ka nga! Abala siya.Wala siyang ginawa kundi guluhin ako kanina at di din naman siya dapat nandito"sabi niya nang hindi inaalis ang mata sa laptop niya.

"Sorry naman kung takot akong maglakad mag-isa pauwe! Uuna na ako bago pa dumilim" sagot ko sa kanya.

Siya kaya paglakarin ko sa daan na halos walang street lights! Tapos ang dami pang puno! Akala mo pa setting sa horror movies yung dadaanan mong mga bahay.

Pagkalabas ko ng gate ng school madilim 'Oh no too late! Paalam mundo! Makikita na ako sa tv bukas bilang babaeng di makagalaw sa daan dahil sa takot'.

Pinilit ko ang sarili kong maglakad feeling ko may nakatingin sa akin kaya gumamit ako ng earphones.

'Huhuhu 20 mins na lakarin pa!' Iiyak na ba ako? Feeling ko talaga may nakasunod sa akin nang...

Beeeeeeeep!
"Aah! Langya!" Napasigaw ako dahil may biglaang bumusinang motor sa likod ko. Pagharap ko sa driver nakita ko si ...

Xyr?!
"Bakit ka ba bumusina! Makakapatay ka sa gulat !" Sigaw ko sa kanya.
"Okay kung ayaw mong ihatid ka sa inyo edi aalis na ako"sabi niya at akmang paaandarin ang motor niya.

"Huy teka joke lang naman! Ito naman oh! Pasakay please maawa ka" sabi ko sa kanya.
"Psh. Sakay"sabi niya ay inabot sa akin ang helmet.
"Salamat! Sa Ivy street ang bahay namin" sabi ko sa kanya at agad sumakay sa motor. (A/N: wala akong maisip hahaha)

Sa wakas I'm home!!!
"Thank y--"bago pa ako makapagpasalamat binilisan niya ang pag-andar ng motor paalis.

Pagkatapos ng pangyayaring yun di na kami nag-usap except doon sa report namin at back to 'I don't know you' stage ulit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Selfish or SelflessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon