MY DEAD ROMANCE

1.8K 90 35
                                    

MY DEAD ROMANCE

Isang malamig na gabi't maliwanag na buwan ang mayro'n noong araw na 'yon. Sabay naming sinalubong ang bagong taon sa ilalim ng punong Akasya.

"Aalis na ba talaga kayo? Kailan kayo babalik?"

"Hindi ko alam, kung babalik pa ba kami, o hindi na," sagot niya, habang pinagmamasdan ang makulay na langit.

"Ang unfair mo," anas ko.

Natayo ako sa harap niya. "Let's make a promise then!" tamis-ngiti kong sabi.

"A promise?"

"Bumalik ka," maikli kong sambit.

Saglit siyang napako ng tingin sa 'kin bago niya inilihis ang mukha niya. Hindi siya naimik.

Itinago ko sa likuran ang mga kamay ko. "At sa pagbalik mong 'yun..."
Bumalik siya sa akin.

"...be a man, okay?" Makikita sa mukha niyang wala siyang ideya sa sinambit ko.

"So, that's a promise! I'll wait for you, kahit gaano pa katagal." Muling kumurba ang mga labi ko.

"Okay... b-babalik ako," naiiwas niyang sabi.

Matapos ang gabing iyon, hindi ko na siya muling nakita pa. Lumipas ang bilang ng mga taon ngunit hanggang ngayon, hindi parin siya bumabalik.
Naaalala niya pa kaya ako? Naaalala niya pa kaya ang pangako na iyon? Posible kayang tinangay na ng panahon ang alaalang iyon? Hindi kaya... hindi kaya usapang bata lamang 'yon at imposibleng mabigyan pa ng katuparan.

Ako si Lolita Corpuz, and this is the story of My Dead Romance.

My Dead RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon