Masayang-masaya ako dahil sa wakas nakarating na rin ako ng 2nd year high school. Ito na pala ang panahong makikilala ko ang babago sa aking buhay.
Tandang-tanda ko pa na madalang ko pa lamang siyang mapanood sa telebisyon namin sa sala. Alam na alam ko na hindi pa siya ganoong kasikat. Sigurado rin akong kakaunti pa lamang ang fan’s niya nang oras na iyon.
Habang naglilinis ako nang katawan. Napansin ko siya na naging ekstra sa isang palabas tuwing gabi. Mga alas otso na siguro ang oras noon. Lagi kasing nanonood si lola ng teleserye sa gabi. Nakasanayan na niyang tapusin ang mga ito sa nakatuwaang channel.Kaya naman minsan napapanood ko rin ang mga ito. Kahit ilang beses sinasabi ni lola matulog na ako para bumilis ang aking paglaki.
Humila ako ng isang upuan na sasakto at lalapat sa mapayat kong katawan. Bumungad sa iskrin ang nakakatawa niyang itsura. Paano ba naman kasi sobrang itim ng kulay niya.
Punong-puno pa ng tagyawat ang kaniyang mukha. Sobrang mahaba ang mga binti. Aakalain mo talaga na isa siyang kabayo.
Tawa ako nang tawa sa mga banat niya sa babaeng bida. Tipong naiiyak na ako kakatawa. Nagulat si lola nang gabing iyon.
Noon lang niya ako nakitang ganoong kasaya. Kahit alam naming dalawa na kakamatay lang ni Mama nang first year ako.
Mula noon isa na siya sa mga paborito kong komedyante. Tinapos lang namin ang palabas at sabay na kaming natulog ni lola.
Unang araw nang pasukan ko bilang isang 2nd year student. Kung sa iba masaya ang unang araw nila. Pakiramdam ko isang malaking hindi ang mangyayari. Pagpasok ko sa kwarto namin. Nagulat ako sa mga bago kong kaklase.Ang akala ko pa naman kami na lahat hanggang huli. Mali pala ang akala ko. Napatunayan ko na walang forever.
Hindi ko alam kung saang upuan ako pupuwesto. Masyado pa namang maiingay ang lahat.Sa totoo lang alam na alam kong bagong pakikisama na naman. Hindi pa naman ako ganoong friendly sa mga bagong tao na nakikilala ko.
Ramdam na ramdam ko rin ang tingin nila mula ulo hanggang paa. Kaya naman katulad ni Idol hindi pa nila ako ganoong kilala. Hindi pa ako sikat na tao, masyadong naninibago at paekstra-ekstra muna makipag-usap.
Naisipan kong umupo sa likod. Nandoon kasi ang iba kong mga kaklase. Hindi ko sila ka-close kaya tahimik lang ako. At least mayroon pa rin akong makaka-close kahit siguro isa lang sa kanila.Dumating na ang titser namin sa sabdyek na Mapeh. Saan ka ba naman makakakita ng maagang Mapeh. Nasanay kasi ako na ginagawa lamang ito sa hapon. Umpisa pa lang ramdam ko na ang awra niya na pagiging masipag na guro.
Sa sobrang sipag ng titser namin papakantahin at papasayawin lang kami sa harapan. Uubusin ang dalawang oras sa klase para lamang dito. Apatnapu kaya kami sa isang klase. Talaga namang mararamdaman mo ang kainipan at ugat sa noo’ng galit na galit.
Ako na ang kakanta at sasayaw sa harapan. Oras ko nang magpasikat. Pero sa sobrang nerbiyos ay pumiyok ako sa harapan. Todo kembot pa naman din ang ginawa kong pagsayaw. Kaya dahil sa nangyaring iyon naramdaman nila na isa akong bakla. Nahihiya pa naman akong malaman nila. Buti na lang hindi nila ako pinagtawanan.
Natuwa pa nga sila at tinanggap ang una kong pagkakamali. Nakakatuwa dahil parehas kami ni Idol, kahit papaano nakikila na sa aming mga ginagawa.
Pagkatapos ng klase, naisipan kong umuwi nang mag-isa. Total wala pa naman akong ka-close na kaibigan.Kaya nagmadali akong pumunta sa isang computer shop sa Hangga. Sabi sa akin ng lalaking nagbabantay, kinse pesos ang renta sa paggamit.
Kaagad ko namang sinabi na magpapaburn lang ako ng mga kanta sa cd.
Singkwenta raw ang magagastos lahat-lahat. Sa isang cd may lamang dalawampung kanta at may libre pang print ng mga lyrics.Nilista ko ang lahat ng paborito kong kanta. Naalala ko nga pala baka mayroon din na kanta si Idol.
Nagbayad pa tuloy ako ng dagdag na limang piso. Para lamang ipa-search ang mga kanta niya. Hindi naman ako nagdalawang isip magpa-print ng mga pictures niya.
Lakas tama ang sinabi ng lalaking nagbabantay. Kaya naman isinulat ko na sa listahan na nasa number one na puwesto.
Mga tatlumpung minuto lang hawak ko na ang pina-burn na cd. Sa sobrang excited nakalimutan ko ang print ng mga lyrics. Doon ko na rin naisip na kulang na ang aking pamasahe. Kaya naglakad na lang ako pauwi sa bahay namin. Mula sa Hangga papuntang San Agustin.
Sinalang ko agad ang cd sa aming cassette. Pinilit kong sumabay sa kanta kahit hindi ko ito alam.
Paulit-ulit ang tugtog. Hindi na umuusad sa sumunod na kanta. Damang dama ko ang bawat letra. Naisip ko na kahit pala ang isang bakla pwede rin magka-album. Kahit babae at lalaki lamang ang napapansin ko na mayroong ganoon.
Kay Idol lamang ako natutuwa nang ganito. Habang papatapos na ang kanta niya. Bigla na lamang tumulo ang luha ko nang walang dahilan.
BINABASA MO ANG
KUNG BAKIT PABORITO KO SI VICE GANDA
FanfictionMarami akong nadiskubre at nalaman mula sa kaniya. Binigyan niya ng kulay ang dati kong malungkot na buhay. Pinatatag at pinalakas ang nanghihina kong katawan. Kaya ngayon proud ako na kabilang siya sa aking mga iniidolo. Hindi ako magsasawang mahal...