Lasing katext ang lasing

129 2 4
                                    

Kauuwi ko lang galling sa inuman. Malakas na rin ang tama ko at sadyang lasing na. Tamang luto na lang muna ng noodles para mainitan ang sikmura. Kailangan ko munang mahimasmasan. Putsa! Napasobra talaga ang inom ko.

            Eksaktong luto na ang noodles ng biglang magtext si Marjorie.

            “Gcng k p?”

            “ou, iniicp p kta…hehe”

            “kw tlg bolero”

Nakipagkamustahan at nakipagkwentuhan muna ako sa kanya habang humihigop ng mainit na sabaw. Kung malakas na ang tama ko sa alak ngayon e matagal naman ng malakas ang tama sa akin nitong si Marjorie. Cute naman siya at ayos na din. Kaso hindi ko lang talaga gusto maging committed kahit kanino. Kuntodo bola ako sa kanya sa text. Alam kong kinikilig na rin siya dala ng mga tinetext ko dahil sa matinding kalasingan.

            “my bf kn?”

            “wla p bkt?”

            “… edi aq n lng”

            “ngek…di k nmn nanliligw?”

            “d aq mrunong nun”

            “pno kta ssgutin nyan?”

            “bkt di mu b ko gusto?”

            “gusto….kya lng bka sbihin nila ang blis…”

            “un nmn pla,edi tyo n?”

            “pag-icpan ko muna, mga 2 weeks… di k nmn nagmmdli di b?”

            “kw bhla, ge antok n ko bye”

Nagpaalam na ako dahil sa pag-iinarte niya. Ayon pa naman ang pinakaayaw ko sa lahat. Ang dami pang arte tapos sa bandang huli bibigay din naman. Ganitong lasing pa ako mas mabilis mairita nag utak ko. Kuntodo higop pa rin ng noodles bago matulog.

            Kinabukasan…

Gaya ng inaasahan, ang sakit ng ulo ko dahil sa hang over. Pero kailangan magising ng maaga para pumasok. Grabe puno nag inbox ko. Si Marjorie pinuno ng text. Puro kadramahan at ka- sweet-an kuno ang pinagtetext. Nakakairita pero nanatawa na lang ako ngayon.  

Pagdating sa eskwela bigla ako nakaramdamng kamalasan. Si Marjorie ba naman ang bumungad sa akin at nakangiti. Lumapit siya bigla. Badtrip! Di na ako nakatakbo.

            “Dave,oo na”

            “ha? Anong sinasabi mo?”

            “yung kagabi?”

            “ahh…kagabi? Lasing na lasing ako nun”

Sabay natawa ako ng bahagya sa huli kong sinagot sa kanya. Natigilan siya. Kinabahan ako biglang dahil sa biglang sumeryoso ang mukha niya. Nararamdaman ko ang kamalasan ngayong araw na ito.

Biglang gumulong ang luha niya sa pisngi. Nataranta ako. Tinalikuran ko siya at iniwan. Ngumiti ako.

Lasing katext ang lasingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon