A/N: At dahil ako ay isang napaka buting author.... Mag uupdate na
~CHAPTER 1~
Umagang umaga palang gising na sila Nica at Tin sila ay naghahanda na upang makapasok sa SCA. Binibilisan din nila ang kanilang kilos dahil sila ay susunduin ni Ghuian. Dahil malamig ang panahon ngayon dulot ng tag-ulan, nagtalo pa sila kung sino ang mauunang maligo.
Nica's POV
"Hoy ate! Ikaw na nga ang mauna! Mamaya na lang ako anlamig lamig kaya ng tubig!", sabi ko.
"Ayoko nga! Ikaw ang mauuna noh" sabi nya sabay irap.
Hmmp! Ayaw ko talaga maligo muna dahil paniguradong giginawin lang talaga ako. Tsaka ba't hindi nalang ako mag init ng tubig diba?
Kase TINATAMAD AKO.
Nakakatamad kaya kumilos oag ganitong anlamiiiiiiig lamig ng panahon. Pero nakakainis kase may pasok pa tsaka kailangan ko pang bilisan ang kilos ko dahil maaga daw lameng susunduin ni Yan-yan. Hayyy nako... pray muna ako...baka sakaling matupad..hehehe
"God, sana po walang pasok ngayon..... kase naman po ang ulan ulan eh....masarap pong matulog ngayon kase malamiiig. Sana po talaga masuspend yung klaseeee.Amen."
Sanaaaa talaga masuspend!!!!
Anyways pauunahin ko talaga si ate maligo."Heh! Ayoko! Mas matanda ka kaya ikaw amg mauna!"
"Mas matanda ako kaya ako dapat ang masunod! Kaya ikaw ang mauuna!"
~ding dong~
"Halaaaaa ate baka nandyan na si Ghuiaaaaan. Sige kaaaa maaamoy ka nun ang baho mo pa naman kaya. May muta ka pa oh!" sabi ko
Kaya naman nataranta si Ate . Wahahahahahahah ang galing galing ko tlga *evil laugh*
Tinignan ko naman agad kung sino yung nag door bell. Hindi naman ako nagkamali at si Ghuian nga iyon.
Waaaah ang gwapo talaga ng bestfriend ko at ang tangkad tangkad pa haaays... kailan kaya ako tatangkad ng ganyan >___< . Insecure ako sa height nya eh.
"Goodmorning Nica!" masayang bati nya. "Ba't di ka pa nakaayos? Sige ka Iiwanan ka namin ni Jerstine. Malelate na tayo oh!" sabi nya sabay pasok sa loob ng bahay.
"Aba't.... wala pa akong sinasabing pumasok ka ah!" sabi ko. Masyadong feeling may-ari ng bahay. "Tsaka ba't nyo ako iiwan? Gusto mong masolo ung kambal ko noh? Naku naku Ghuian napaghahalataan ka masyado eh!" asar ko naman sa kanya.
"Kahit kailan hinding hindi ko sya magushustuhan." seryoso nyang sabi. Habang ako naman ay nananatiling nakatitig sa likuran nya. Dahil hindi ko agad namalayan na kakalabas lang pala ni ate. Nakita ko na nasaktan sya sa mga sinabi ni Ghuian. Alam ko naman na dati pa mahal na nya ito. Mas nauna nyang nakilala si Ghuian kesa sa akin. Dali daling tumakbo si ate pataas.
~Tugsh~
Nabigla si Ghuian sa pagsara ng pinti ng kwarto ni ate.
"Hala ka Ghuiaaaan....... lagot kaaaaa.. siguro nagalit na yun kase naman, masyadong masakit ung nasabi mo. Kanina kase nandun lang si ate. Sigurado akong narinig nya lahat ng sinabi mo." asar ko sa kanya.
"Hayaan mo na lang sya. Alam na nya naman yun dati pa." kalmadong sagot nya.
Pero kahit na masyado nyang nasaktan si ate. Alam ko naman na hindi pa rin nawawala yung feelings nya for Yanyan.
"Hoy! Maligo ka na! Malelate na tayo oh! Nakatulala ka pa dyan ah!" sigaw nya sa akin. Kaya naman medyo napaatras ako. Napatingin din ako sa orasan. 45 minutes nalang!HALA! "Opo kamahalan" sabi ko nalang. "Sige pag hindi mo binilisan ang kilos mo iiwan ka na talaga namin ng ate mo."
YOU ARE READING
St. Catherine Campus Love
Dla nastolatkówAng storyang ginawa para magkatuluyan sila at kani kanilang crush (base sa totoong buhay ang mga karakter) kumbagaaa kahit dito man lang sa story na 'to magkatuluyan sila ng crush nila... tsaka yung mga ginawang loveteam... Oh dba? Walang wenta?