II

243 3 0
                                    


Paunawa:

Ang istoryang ito ay likha ng maharot, mahalay at makulay kong pag-iisip. Anumang pagkakatulad nito sa ilang pangalan ng tao, lugar at pangyayari ay nagkataon lamang. Hindi ako propesyunal na manunulat kaya paumanhin sa mga pagkakamaling inyong mababasa.

p.s. Medyo mahalay kaya maari rin na maprivate ito. At hindi nagrereflect ang istoryang ito sa mga karanasan ko sa buhay dahil virgin pa ako 😂😂😂😂

Sa bawat pagpasok ko sa paaralang ito, walang makakapigil na ako ay tingnan. Sinong hindi maakit sa taglay kong kagandahan. Tila artista na ang trato nila sa akin. Mayaman, matalino at maganda saan ka pa? Ako lang naman ang anak ng may-ari ng paaralan na ito. The Eros International Academy or EIA is one of the top schools that provide higher level of education nationally and internationally.

Wala na akong hahanapin pa sa buhay ko. Nasa akin na ang mga mamahaling exclusive bags and shoes, sariling condo unit, at ang hindi mapagkakailang magandang mukha. Nagapapasalamat nga ako at sa lahat ng pwedeng ipamana sa akin ng mga magulang ko, yung magandang genes ang pinakapaborito ko 😂😂😂.

GGSS ako hindi ba obvious?

My name is Iris Faith Wriztler, you WILL call me Iris pronounced as ee-ris. Eighteen years old, 12th grader. Okay na?

"Sis!" sigaw ng bakla kong kaibigan. Hindi ko nga alam kung bakit ko ito naging kaibigan.

"Andrew can you please lower your voice" i said irritatedly.

"HINDI KO IBABA ITO KUNG HANGGANG NGAYON ANDREW PA RIN ANG TAWAG MO SAKIN" at lalo pa nyang nilakasan. Napairap na lang ako. Kung hindi ko ito naging kababata hinding-hindi ko talaga ito kakaibiganin. Siya yung takaw eksena, katulad ngayon.

"Gosh Andy look pinagtitinginan na tayo" malapit ng magdikit ang kilay ko dahil sa pagkairita ko sa baklang ito.

"Te? Di ka na nasanay na lagi kang pinagtitinginan?" at tinaasan nya pa ako ng kilay.

"Tss whatever" at pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko papunta sa building para sa next subject ko. Hindi ko hilig ang pag-aaral kasi feeling ko matalino na ako. Actually tinatamad na akong pumasok, what for? mayaman na ako.

Naghiwalay na kami ng landas ng baklang yon dahil hindi nya afford ang section ko. Nasa section 1 ako. You can be in this section if you're smarter or richer, me? i can be both.

Pagpasok ko ay nakaready na ang seat ko. Isang color black table partnered by elegant white chair na nasa pinakamataas na portion ng room na ito. Para kasing movie theater ang design ng room na ito. At tanging upuan ko lang ang nasa pinakamataas. May angal ka?

My Innocent ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon