Chapter 17: PAST meets PAST.

714 16 7
                                    

** This chapter is dedicated to StarClouds. Siya ang nag-request na mag-UD na daw ako. Lakas kasi ng loob ko mag-post sa group eh. Ayan nag-demand ng UD! Hahahaha! Oyy friend! Salamat sa pagsuport neto! Sana hanggang dulo na! XD

READ. READ. READ. ^____^v

Nathan and Kelsey on the side. ^____^ 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Althea's POV:

"Condolence po." yan ang sabi ko nang makita ko yung mama ni Nathan sa gate nila. Nakatulala.

"Salamat iha. Ahm, iha, andun si Nathan sa loob. Pwede bang kausapin mo? Ikaw lang kasi yung makakapilit sa kanya. Wala pa kasi siyang pahinga eh." sabi ng mama ni Nathan bago ako pumasok sa loob ng bahay nila.

"Opo. Sige po."

"Salamat iha. Sige na. Pasok ka na."

Pagkasabi ng mama ni Nathan nun, agad akong pumasok sa loob. At dun, nakita ko si Nathan, namumugto ung mga mata.

"Nathan. Condolence." tapos tumango lang siya bilang sagot.

Walang umiimik samin. Tahimik lang kami ng bigla siyang magsalita..

"Alea.." kasabay ng pagsabi niya ng pangalan ko, unti-unti na ding tumutulo yung mga luha sa mata niya.

"Nathan.. Andito lang ako. Ilabas mo lang lahat. Sabihin mo sakin lahat." sabi ko habang hawak hawak ung kamay niya. Tapos bigla niyang sinandal ung ulo niya sa balikat ko. Ako, hinihimas himas ko lang ung buhok niya. Baka sakali din na makatulog siya. Pero nagsalita siya ulit.

"Alea.. Mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal ko si papa.." sinasabi niya yan sa pagitan ng pag-iyak niya.

Oo. Papa ni Nathan ung namatay. Kaya pala siya ganun this past few days, kasi ung papa niya nasa hospital. May Leukemia. Hindi kasi si Nathan ung tipo ng tao na bigla bigla na lang iiyak. Kaya nung umiyak siya, alam ko may mabigat siyang problema. Hanggang sa nalaman ko na lang na wala na ung papa niya. Tumawag siya sakin, exactly 1:08 am namatay ung papa niya. Kaya siguro wala pa siyang tulog. Mahal na mahal ni Nathan ung papa niya. Siya lang kasi ung nakakaintindi kay Nathan bukod sakin nung kami pa. Kaya siguro ganito na lang ung sakit na nararamdaman ni Nathan nung mawala ung papa niya.

"Alea.. Bakit ganito? Bakit si Papa pa? Pwede naman ako di ba? Bakit siya?" this time, medyo tumigil na siya sa pag-iyak.

"Nathan, may dahilan ang Diyos kaya niya kinuha ung papa mo. Wag ka mag-alala, atleast ngaun hindi na siya nahihirapan di ba? Andyan pa din naman siya. Babantayan niya kayo."

"Salamat Alea. Ikaw lang nakakapagpalakas ng loob ko ngaun. Salamat." binigyan niya ko ng isang tipid na ngiti.

"Wala yun. Andito lang ako. Okay? Nathan, magpahinga ka muna. Sabi ng mama mo wala ka pang tulog eh."

"Dito muna ko. Kaya ko pa."

"Sige na Nathan. Halika na, sasamahan kita."

"Okay lang sayo?"

"Oo naman! Tara na! Matulog ka muna."

Pagkasabi ko nun, umakyat na kami ni Nathan sa kwarto niya. Binantayan ko lang siya. Hiling niya kasi, wag akong umalis hangga't di pa siya nagigising. Magpapahinga lang daw siya saglit. Kaya pumayag naman ako. Wala naman ding pasok at nakapagpaalam naman ako.

Meet My Fake Boyfriend. (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon