"Kyaaaaahhh!!
OMG!!! Anong ginagawa ng limang to dito !? Pano nila nalaman ang tungkol sa room ko !? Nasaan na si NIgella !? Pano nila to nadiscover !?
"Jane ?" nagtatakang tanong ni julius
pero kaysa sa sagutin ko siya tumalikod ako at tumakbo palabas , pero bago pa ko makalabas naharang na nila yung pinto
"Wait lang di ka naman namin sasaktan o ano eh . Magtatanong lang kami . Bat ka nakawig ? At sayo ba tong room na to ? "
Hala pano ko naman sasagutin yung tanong nila ? anong isasagot ko ? ' nakawig ako kasi ang alam nila patay na ko?' Napapikit na lang ako ng mariin sabay talikod.
"ah,eh......—-"
"JAne ! may meeting daw ngayon ang school sino papupuntahin ko ?"
Wow ! thank you Nigella ! You made things worst !
"sino siya ? " -Julius
"Jane ! asan Ka !?"
mas lumakas yung boses niya so it means malapit na siya samin . nakita ko siya sa may likod nila julius na may gulat na mukha .
"Jane sino sila !?"
~~~~~
napabuntong hininga na lang ako . This is it . Magoopen ako sa mga taong ngayon ko lang kakilala. Si NIgella sinabihan ko na tawagan yung secretary ko at sila na ang pumunta sa meeting tutal sila naman yung kinikilalang may ari ng school .
"So bakit ka nakawig ? at naka glasses? ikaw ba talaga may ari ng School ?"
tanong ni Julius . Seryoso bat siya lang palaging nagsasalita ? Ano siya spokesperson nila ?
"Dito ka ba nakatira ? bat parang wala kang kasama dito ? asan parents mo ?"
wow ! at last may iba ring nagsalita sa kanila ! at siya ay si Carlos !!
Nandito kami sa bahay ko . Oo bahay ko . naisipan ko na lang na dalhin sila dito para dito na mag explain .
"Okay sige , sasagutin ko lahat ng tanong niyo . Nakawig at salamin ako kasi yun yung disguise ko . Ang alam nang lahat ay patay na ako . ang totoong may ari ng school natin ay ang parents ko , pero dahil sa patay na sila ako na . Namatay sila sa isang aksidente , kasama ako sa aksidente na yon at inakala nila na patay na rin ako . Hindi na namin sinabi sa iba na buhay ako para hindi na maging komplikado. Ang nakakaalam lang na buhay ako ay yung mga kasama namin sa bahay at kayong lima . Hindi rin alam ng Principal at teachers na buhay ako , ang alam nila yung secretary ko ang may ari ng school. "
wooh ! ang haba ng sinabi ko ! nakakhingal yun ah ! ngayon lang ata ako nagkwento ng ganun kahaba ! Bonga!
" Is that so ? isn't it hard for you ?" tanong ni Dan . Wow ! taray , english !
BINABASA MO ANG
My crazy Dream
FanfictionPano kung isang araw magkaroon ka ng 5 napakagwaponng mga kaibigan at limang naggagandahang babae. Pero ikaw , you're the total opposite . Sabog na buhok, Manang na pananamit , malaking salamin. Yan ang dahilan kung bakit ka natawag na nerd . Tangga...