Sab's POV
Nakakainis talaga yung bakulaw na yun.Nagtatanong pa eh.Pwede namang dumiretso na lang dito.Hindi ba niya alam yung "surprise"?
"Sab,baka naman hindi na tayo makanood niyan" -Ayu
"Baka masira mo pa yung CD sa ginagawa mong yan" sabat naman ni Zoe.Binabato-bato ko kasi yung CD sa sobrang inis ko.
"Naiinis lang yan.Narinig ko kasi silang nag-uusap ni Josh.As usual,nagbabangayan" biglang baba naman ni Yannie mula sa kwarto niya.
"Tss.Manahimik na nga lang kayo" mga kaibigan ko ba talaga 'tong mga 'to?
Sakto naman.Biglang may nagdoorbell at dahil ako ang pinakamalapit sa pintuan,ako na ang pinilit nilang magbukas.Siguro yung mga boys 'to.Tss.Ayoko tumayo.Nakakatamad.Maya-maya ko na lang bubuksan para mainitan sila.Hahahaha.
*Ding Dong
Hindi ko talaga bubuksan yan.
*Ding Dong
Bahala na silang malusaw diyan sa sobrang init.
*Ding Dong
*Ding Dong
*Ding Dong
*Ding Dong
"Oy! Halimaw! Buksan mo 'tong pinto! Pinapunta-punta mo kami dito tas di mo kami papapasukin? May topak ka ata eh.Dalian mo.Ang init kaya!" narinig ko naman ang boses ni Josh.Lalo lang tuloy akong nainis.
Tumayo ako para sumilip sa labas.Nakita kong nakatayo lang si Josh dun at nakasilip din.
"Sabrina! Ano ba! Antagal mo! Sa sobrang init dito,si Ice naging tubig na" Hahahaha-- Teka.Bat ako tumatawa.Galit nga pala ako sa kanya.
"Buksan mo na kasi" -Ayu
"Dalian mo na.si Xander baka umitim" -Yannie
"Ayokong magkaboyfriend na tubig" -Zoe
Tignan mo 'tong mga kaibigan ko.Di man lang naisip na galit nga ako kay Josh.Tss.
"Ano bang pinagsasab--" binuksan ko ang pinto sa sobrang inis ko.Nagulat na lang ako na sa pagbukas ko ng pinto,hinalikan ako bigla nung Bakulaw.
"Sus.Bubuksan din pala.Alam mo atang hahalikan kita kaya pinatagal mo pa ang pagbukas eh" at ngumisi siya.
"Aba.Ang kapal mo din 'no.Akala ko ba hindi ka pupunta? Ano? Akala mo mamimiss kita? Hindi--"
"Miss na kasi kita.Kaya ako pumunta" tsaka siya ngumiti.Nakooo.Josh Alonzo.Wag mo kong pinapakilig ng ganyan ha.Bigla namang binatukan ni Xander si Josh.
"Moves mo,Loverboy.Hahahaha" tsaka dumiretso si Xander sa loob
"Pangatlo na yan Xander.Isang isa pa talaga"
"Cheesy" at binatukan din ni Ice si Josh.
"Aba! Ice-" hindi natapos ang sinasabi ni Josh dahil binatukan na siya ni Ken.
"Andami mong nalalaman,Josh" at pumasok na si Ken sa loob.Naiwan naman kami sa may pintuan.
"Tss.So Sab.Bati na tayo diba?" Bati na kami.Pero syempre,magpapakipot muna ako.Inirapan ko lang siya at tsaka nag-astang papasok na ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Uy.Halimaw.Alam mo namang hindi ako mapakali kapag di tayo nag-kakaayos" at nagmukhang inosente siya.Hindi ko talaga matitiis 'tong lalaking to.
"Tara na nga,Bakulaw.Kanina ka pa ata naiinitan diyan sa labas" hinila ko siya papunta sa loob.
"Okay lang sakin ang kahit ano,basta mag-kaayos tayo" buti hindi niya nakita.Kanina pa ko pulang-pula dito.
"Antagal niyong dalawa.Magsisimula na yung movie" - Zoe
"Nagmomoment pa sila sa labas" -Ken
Pareho naman naming sinamaan ng tingin yung dalawa.Tumawa bigla yung anim.Napatingin tuloy kami ni Josh sa isa't isa.Pati kami,napatawa sa di malamang dahilan.Umupo na rin kami sa may sofa.
"Let's begin" -Yannie
Pipindutin na sana ni Yannie yung remote ng biglang hinarangan ni Josh yung TV.
"Ano bang papanoorin? Action diba?"
"Romance 'to.Tragedy" -Ayu
"Tss.Ano ba yan.Wag na yan.Romance pa.Action na lang o Horror.Ice,Xander,Ken,diba gusto niyo ng action?" sabay tingin ni Josh sa tatlong lalaki.Sinamaan naman ng tingin nina Zoe,Yannie at Ayu yung tatlong lalaki.
"O-Okay na kami sa Romance" -Xander
"K-kaya nga.Nakakasawa yung puro action eh" -Ken
"Mga lalaki ba talaga kayo?" paninigurado ni Josh sa pagkalalaki ng tatlo.
"Maganda yang romance.Nakakakilig" -Ice
Lahat naman kami ay napatingin kay Ice at binato namin siya ng unan.
"Ka-lalaki mong tao Ice,kinikilig ka.Hahahaha" -Xander
"Romance na kasi.Yun ang gusto ni Zoe eh.Kung san siya,dun din ako"
sabay tingin ni Ice kay Zoe at kumindat.
"Magsimula na nga tayo.Andaming interruptions eh" sabi ko naman.
"Hahahahaha" at tumawa kaming lahat.Pinindot na ni Yannie yung remote para makapagsimula na.Hayy.Sa wakas.Magsisimula na din.Nagulat na lang ako ng biglang humiga si Josh sa lap ko.
--
Josh's POV
Dahil romance lang din naman ang papanoorin.Matutulog na lang ako.Naisipan kong humiga sa lap ni Sab.Okay lang yun.Dumada-moves lang naman ako sa girlffriend ko.
"Oy,Bakulaw.Tayo.Tsansing ka" sabay kalabit naman sakin ni Sab.
"Matutulog na lang ako.Ayokong manood ng romance.Pati matagal ko na din gustong humiga sa lap ng girlfriend ko" hindi na nakapag-salita si Sab.
"Basta wag ka maingay habang nanonood ako ha"
"Kiss muna.Hindi talaga ako mag-iingay"
"Tss.Sabi na eh.Tsansing talaga" kinissan na din ako ni Sab.
"Oy,ang ingay niyo.May nanonood.Ikaw Xander baka mag-ingay ka din ha.Humanda ka lang saken" -Yannie
"Kapag kiniss mo ko di talaga ako mag-iingay" at nagpacute si Xander.Lalaki ba talaga 'to.
"Tss.Igagaya mo pa ko sa dalawang yan" sabay tingin samin ni Yannie ng nakangisi.Anong masama kung gusto mong halikan ka ng girlfriend mo?
"Manood na nga lang kayo.Ang ingay niyo" sabi ni Ken na nakaakbay kay Ayu.
"Hindi maintindihan ni Zoe yung movie dahil sa ingay niyo" sabi naman ni Ice na nakaakbay kay Zoe.Tignan niyo 'tong dalawang 'to.Mananaway lang mantsatsansing pa.Mga gaya gaya talaga kahit kelan.
"Manood na lang kasi kayo diyan.Pinapakialaman niyo pa kami ni Sab dito eh" at tsaka ko na pinikit yung mga mata ko.Mukhang nag-agree naman yung iba at nagpatuloy na sa panonood.Unti unting lumalabo ang pandinig ko.At tuluyan na kong nakatulog.
--
Ang haba ng intro.Hahahaha.sorry. :">
BINABASA MO ANG
Losing You [Josh and Sab Fan Fic]
ФанфикThis is a Josh and Sab Fan Fic. -- HELLO. Eto ang unang beses na magpupublish ako ng fan fic.HA HA HA Favorite Loveteam ko kasi sina Josh at Sab from Teen Clash. Sobrang cute kasi nila.Si Halimaw at si Bakulaw. Kaya't naisipan kong gumawa ng FanFic...