Xander's POV
Nasa bahay ako ni Ice para tumambay.Wala akong magawa eh.Di ko naman mapuntahan si Yannie kasi umalis siya kasama ni Zoe.Bibisitahin niya daw kasi yung relative niya.
"Ice" tinatawag ko si Ice para makita kung ano yung ginagawa niya.
"Ice" bat kaya ayaw tumingin nito.
"Ice" at naisipan ko na ring tingnan yung ginagawa niya.Kanina pa ko curious eh.
"Sino yan? Si Zoe ba yan?" nakita kong may tinitignan na picture si Ice.Kaya pala ayaw sumagot.Si Zoe pala eh.
"Oo.Ang ganda talaga niya 'no" maganda naman talaga si Zoe.Pero kay Yannie talaga ako natamaan ng sobra sobra.
"Ice!!!" biglang pumasok si Ate Cass sa kwarto ni Ice.Mukhang galit na galit.
"Ice.Magbihis ka.Pupunta tayo sa Mall" utos niya kay Ice.
"Bakit kasama ako? Magpasama ka na lang kay Kuya Ry"
"MAGBIHIS KA NA.ANDAMI MO PANG SATSAT" Hahahaha.Mukhang nag-away si Ate Cass at Manager.Ano nanamang kalokohan ang ginawa ni Manager?
"Ayoko" matigas na sagot ni Ice.
"Magbibihis ka o gusto mong sabihin ko kay Zoe ang pinakatinatagong sikreto mo?" agad namang napatayo si Ice.Effective ang sinabi ni Ate Cass.Teka? Sikreto? Ano kaya yun.Nacucurious tuloy ako.
"Sabi ko nga sasamahan kita.Hintayin mo na lang ako sa baba"
"Bibigay din pala eh.Xander.Sumama ka na rin.Para naman may bodyguards ako" tuluyan nang lumabas si Ate Cass.Bodyguard talaga ha.Ate Cass talaga.
Pagkatapos magbihis ni Ice ay bumaba na rin kami.Nag hihintay si Ate Cass sa may pintuan.
"Let's go" binuksan ni Ate Cass yung pinto ng biglang sumulpot sina Ken,Ayu at Sab.
"Oh? San punta niyo?" tanong ni Ayu.
BINABASA MO ANG
Losing You [Josh and Sab Fan Fic]
FanfictionThis is a Josh and Sab Fan Fic. -- HELLO. Eto ang unang beses na magpupublish ako ng fan fic.HA HA HA Favorite Loveteam ko kasi sina Josh at Sab from Teen Clash. Sobrang cute kasi nila.Si Halimaw at si Bakulaw. Kaya't naisipan kong gumawa ng FanFic...