Sorry kung super late update. Kahit onti naman pala may nag babasa rin neto :) SALAMAT sainyo :) highly appreciated ang pag babasa nyo :)
Ally's POV:
"Ally! mag usap nga tayo!" bat para kong kinakabahan sa sinabi ni MEg. Feel ko kasi alam na nya eh. pero matatanggap nya kaya ako?
nag mamadali na ko pumunta sa guard house ng school. wala pa kasi ung sundo namin eh. SANA DI NYA KO MAABUTAN...
"Ally!!" nanindig balahbo ko. HINAWAKAN NA NYA KO SA BRASO.. *(ohhhnooo :(
"Oi Ally!! Iniiwasan mo ba ko ha?" Napansin nya na umiiwas ako. noooo :(
"Meg. bat naman kita iiwasan? ikaw pa!" syempre di ko pwede aminin nainiiwasan ko sya. baka mag world war 3 noh!
"eh bat ang bilis mo mag lakad? di mo ba narinig ung sinabi ko kanina" Should I tell the truth? hmm. ano kaya..
"a-eh. KAsi nag mamadali na ko. baka kasi maiwan ako ng school bus eh. lagot ako kay mama neto. alam mo naman walang susundo sakin diba?" naka smile pa ko nyan. para hindi halata na iniiwasan ko sya.
"ah ok. kala ko naman iniiwasan mo ko eh. hmm. Ally matanong ko lang may problema ka ba? baka gusto mo mag share sakin. alam mo naman na andito ako palagi sayo diba. alam mo na kahi ano ka pa tatanggapin ko" hala. alam na nya kaya? napapansin nya kaya? grabe naman maka pansin toh.
pinag kakatiwalaan ko sya pero hindi ko alam kung sasabihin ko sa pag kakataon na ito. pero ewan! naguguluhan na ko..
"anong problema ko Bes? wala naman ata" sana wag na sya mangulit. kasi onti nalang masasabi ko na.
"Sure ka ba Ally? parang lagi ka kasing lutang eh. alam mo matutulungan kita kung may problema ka man. Alam mo naman na bestfriend mo ko diba? Lagi lang ako nandito para sayo" Hay. pinapaguilty ako eh. pag di ko sinabi guguluhin ako ng Konsensya ko. pero siguro hindi muna...
"hmm. Wala un Bes. ano ka ba. wala talaga" yan. lulusot na siguro yan. PLEASE!
"ay. ganun. sige kung wala talaga aalis na ko. Akala ko lang naman kasi meron. eh gusto lang kita damayan kasi ayaw kong nahihirapan ka. sige Bye" nako. itong pinaka ayaw ko eh.. Yung na guguilty ako dahil di ko sinabi ung totoo.
paalis na sana sya pero hinawakan ko sya sa kamay..
"Bes. di ko alam kung matatanggap mo pa ko.. pero sayo ko lang to sasabihin ha! wala sanang lalabas. ayaw kong malaman ng iba muna. Gusto ko sating dalawa muna to.. Promise mo ha!" Wala eh. give up na si ako.. naguguilty ako na nag sinungaling ako sa kanya.. syempre ikaw ba naman mag sinungaling sa best friend mo. syempre masaklap un diba?
"Sabi ko na nga ba Bes eh. may problema ka! ha! HULI KA BALBON!" ay nako. nakuha pa talaga mag biro neto oh. Mabatukan nga..
"Aray ko naman Bes... parang nag jjoke lang eh. ano ba kasi yun?" Meg
"Mag promise ka muna.. kahit pinag kakatiwalaan kita ng sobra dapat mag promise ka muna" Syempre ako naman tong si naninigurado.
"OPO. PROMISE. TO THE MOON AND BACK. SWEAR to EVERYONE. PANGAKO EALLYSA CRUZ" ay. ang OA ng best friend ko ha! kala mo naman walang bukas kung maka promise.
"ay ang OA mo bes ha!" syempre sumesegway muna ko. haha!\
"Ano na ba kasi un ALLY HA! pinapasabik mo naman ako jan sa sasabihin mo eh" syempre nag mamadali na sya. excited eh. may pagka chismosa rin eh noh?
BINABASA MO ANG
Pag Ibig na kaya?(On-Going)
Teen FictionIsang babaeng laging iniintindi ay pasayahin ang iba at sundin ang iba kahit na hindi siya masaya... Walang kalayaan mag mahal dahil ang iba ang nag dedesisyon para sa kanya... Pero sa pag kakataon na ito kaya na kaya nya ipag laban? Makakaya nya na...