CHAPTER THREE

122 32 13
                                    

  " Grabe ang ganda mo ngayon Annica " puri niya sakin .  Ayiee kilig naman ako

" Grabe ngayon lang? " tanong ko

" araw araw na man eh " bola niya

" ano? tara na? " yaya niya

" sure ! " sabi ko naman

Naglakad kami ng kaunti bago makarating sa restaurant. Grabe ang ganda *_*  punong puno ng red rose yung paligid tapos puro kandila rin. May tatlong lalaki ng tumutugtog ng violin, napakaromantic.

   Nagsimula na kaming kumain, hindi parin ako makapaniwala na ginawa nya ang lahat ng ito. pero pag naiisip ko na uuwi na kami bukas, nalulungkot ako, gusto kong maulit ulit lahat ng nangyari, bumalik ulit sa una, nung unang araw ko dito sa Bora.

   Pagkatapos naming kumain, may narinig nalang akong fireworks, pagtinggin ko sa langit nabasa ko:

        ANNICA I LOVE YOU, WILL YOU BE  

                    MY GIRLFRIEND ?

Napatulo naman ang luha ko. Pagtinggin ko kay Luke nakaluhod na siya.

" Annica, unang araw pa lang na nakita kita gustong gusto na kita. Ewan ko ba kung bakit basta ang alam ko gusto kitang makilala kaya sinundan kita sa Bar nung gabing unang beses tayong nagkausap, sinadya din kitang banggain para humanap ng paraan para makapag usap tayo. Nung umpisa hindi ko akalain na magiging kaibigan kita pero ngayon naging magkaibigan na tayo and I want to move it to the next level. Will you be my girlfriend?"

Kanina pa ako iyak ng iyak . Lord totoo ba ito? please wag naman sana. ayokong mahirapan pa ako.

"Sorry.  Luke gusto din naman kita kaya lang aalis na ako bukas, at alam kong hindi magwowork ang isang long distance relationship kaya please wag mo na kong pahirapan pa. Pareho lang tayong masasaktan."

  Nakita ko na umiiyak na sya kaya naman tumalikod na ako, ayokong makita siyang nasasaktan dahil sakin

  "Goodbye"  paalam ko

" Never say goodbye because goodbye means going away and going away means forgetting.. Magkita tayo bukas ng alas kwatro ng madaling araw . 5 am kayo aalis diba, sana pumunta ka. Aantayin kita doon " umiiyak niyang sabi.

Hindi ko na talaga kaya, umalis na ko sa restaurant.  Pagkabalik ko sa room ko, iyak ako ng iyak. Ang sakit bakit sobrang hirap magpaalam. Kasalanan ko ito eh, dapat nung una pa lang hindi ko na siya nilapitan at nakipag close, pareho tuloy kaming nasasaktan ngayon .

_______________

  Nakasakay na ko ng eroplano pauwi sa Manila. Nung umpisa, sabik na sabik akong mag summer pero ngayon babalik ako sa manila ng umiiyak at hindi buo. Oo buo nga ako physically pero kulang naman ang pagkatao ko dahil ang utak at puso ko ay naiwan sa Bora.

_______________

  AUTHOR'S NOTE

   vote and comment po

LONG GOODBYE ( One-shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon