Prologue
August 5, 2020
Kanina may nakita akong lalaki sa tapat ng classroom namin. Ang weird kasi hindi ko naman sya kilala at sure ako na unang beses ko palang syang nakita pero..i think i know him. No, I've met him.
Sept 9, 2020
Sobrang natakot ako kanina. Lumabas ako saglit para magcr tapos sa may corridor, may nakita akong mga lalaki na nagtatawanan. Kinabahan ako, parang may takot akong naramdaman pero hindi naman dapat. Nababother nako sa mga nararamdaman ko these past few weeks. Sumasakit na naman yung ulo ko.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Isinara ni Doc Chace yung journal ko at ibinigay sakin.
Si Doc Chase ang psychiatrist/ student consultant ng school namin. He's been my friend since I transferred here at Marsen High. Three months na din yun. Nung ininterview nya kasi ako bago ako magenrol dito, may napansin syang kakaiba sakin, may mga inconsistencies and all. Nung sinabi nya yun, naging masaya ako kahit papano kasi sa tuwing sinasabi ko kay tita yung mga kakaiba kong nararamdaman, hindi nya ko pinapansin. Minsan tinatarayan pa ko. Simula sa kanya nako nagopen ng mga bagay-bagay.
And can I just mention, hot po ni doc. Nerdy pero gwapo. Ang pula-pula ng lips tapos ang bango-bango.
Such manly. So handsome. #checkoutboy hihi
"May problema ba? Nangingiti ka jan. Kaya siguro wala kapa ding masyadong kaibigan kasi masyado na silang nawiweirduhan sayo"
Much sungit din minsan.
"Doc naman, pero diba hindi naman po normal yun?" sabi ko habang hinahaplos yung cover ng journal ko.
"Yung pagngiti ng mag-isa? Oo"
"Naman e. I mean, yung unconsciously feeling nostalgic..and scared at the same time towards people I don't even know. Isang beses ko palang sila nakikita pero--
"Ginny, you mentioned here na nagkaron ka ng accident sa school mo before, right?"
"Opo. Isang buwan akong comatosed. After nung nagising ako, I was totally clueless of what happened to me. Hanggang ngayon ang malinaw sakin e nahulog ako sa hagdan. Yun lang"
"Well, You really need to verify what happened to you before the accident."
"Pero pinagbawalan na po ako ni tita na pumunta sa school ko dati"
"And as I have observed, wala sa personality mo ang sumunod lalo na at hindi ka binigyan ng valid reason."
Napangiti ako sa sinabi ni Doc. I've been investigating pero hindi pa ko nakakatapak mismo sa school ko dati eversince pinagbawalan ako. Nagtatanong-tanong ako sa mga estudyante dun.
"Ginny kung gusto mo talagang malaman yang bumabagabag sayo, kailangan mong maging matapang. Pero hindi ko sinasabing seryosohin mo at dibdibin masyado lahat ng to. You're just 16, ienjoy mo rin ang buhay mo, yang pangalawang buhay na binigay sayo."
At ang pangalawang buhay na to para malaman ang totoo.
Yung mga kaibigan ko dun sa dati kong school? hindi ko na makausap. Iniiwasan nila kong lahat. Pati bestfriend ko. Nabalitaan ko nalang lumipat din sya ng school. Di ko alam kung saan.
"Sige po Doc, matatapos na yung lunch break. Thank you!"
Ngumiti sya at tumango "I'll see you tomorrow Ginny, take care"
"You too sir" kinuha ko na yung gamit ko at lumabas ng office nya.
As soon as I reached the corridor, I dialed a number. I waited for a few rings until she picked it up.
"Ginny?" a confused and sleepy voice answered.
"Sette, favor naman oh"
Si Sette, ang kaisa-isahan kong contact sa dati kong school.