Chapter 1

9 0 0
                                        

"You seriously think no one will recognize me?" I asked

"Oo nga kase! Daming satsat eeee" annoyed Sette drags me into the building. Sa pagkakaalam ko dito nangyari yung aksidente.

I have never imagined in my whole life that I'll be seeking help from this girl. Sya yung typical-weird-antisocial girl na palaging nasa rooftop. No one messes up with her. She had a reputation of being the rich-kid-gangster whenever provoked. Her bitchyness will make you experience hell, with her influences and all.

Pano kami nagkakilala? I told you I was doing my secret investigation. One time sa isang grill and bar na malapit sa dati kong school, nagtatanong-tanong ako sa mga estudyante na walang ibang sinasagot sakin kundi "wala akong alam dun e", "ay sorry di ko sure talaga yung nangyari iba nalang tanungin mo", she approached me.

Sabi nya ilang araw na nya din akong nakikita na nagtatanong-tanong dun sa lugar na yun dahil apparently dun sya lagi tumatambay with her friends from other schools. She got curious. So I asked her about it. Pero ganun lang din ang nakuha kong sagot. Sabi nya, after the accident leaked all over the campus, wala ni isa ang nakakaalam ng totoong nangyari. Except dun sa iilang students and professors na witness but the weird part is, all of them shut their mouths whenever asked. Yung ibang students ay nagtransfer and the professors stayed quiet regarding the incident.

I have a feeling that my best friend was there that's why she transferred to another school. I've got to know why.

Isa si Sette sa iilang mga tao na pinagkakatiwalaan ko ngayon. I just hope she's not in to something bad. May ganyan parin akong pakiramdam sa ngayon.

And now, heto ako nakadisguise as her "maid" dahil ginamit nya yung opportunity na pagbuhatin ako ng mga gamit nya sa locker nya dati dahil may iba nang gagamit.

"3'oclock" sabi nya habang nakaharap kami sa locker nya. I glanced at the girl leaning her back on the locker while texting. 

"Siya si Isabelle Guanzon. She was the one who called out for help nung naaksidente ka. Maaaring may alam sya. Sya nalang din yung natitirang estudyante dito nawitness dahil uncle nya yung may ari nitong school"

"Woah Sette I underestimated your abilities. How did you know that about her? Sigurado kaba?" I asked her as I put some books inside the box.

"Gago! I hacked our building's security cam although yung during and after your accident, wala akong makitang file. They must have deleted it" 

"Now I'm really convinced that something serious happened in here"

"By the way close ba kayo nitong si Isabelle?"

"Hindi. Never nagoverlap yung circle of friends namin. Although isa sya sa members ng theater club in which I was once a member too pero hindi kami magkacommittee. Di rin kami nagkikita sa mga meetings dahil di naman sya active member"

"Oh. But the way she screamed for help..you know what I think you should see the video"

"Mabuti pa nga pero hindi ba tayo pwedeng pumunta dun sa mismong pinangyarihan ng aksidente?"

"As much as I wanted to take you there, I'm afraid hindi tayo makakalusot sa mga bantay"

"What do you mean?"

"Student council is everywhere Ginny. May makita lang silang something unusual, irereport agad nila. Baka makilala ka nila, ang president ngayon ay si Sara Ferrer, yung classmate mo dati. She will recognize you at first glance kapag di tayo nag-ingat. And fyi, etong ginagawa natin na paglilinis ng locker ko WITH a maid is a very unusual thing na so, I think kelangan na nating bilisan"

We went to her car in the parking lot. She had the video saved in her hard drive and a back up copy on her laptop.

"Uy sette"

"Yes?" sabi nya habang inaayos yung laptop nya. 

"Bakit mo ko tinutulungan?"

she looked at me in the eye. "Hindi ko to ginagawa para sayo"

"Huh? E bakit?"

"Basta. Saka ko na sasabihin. Right now panoorin mo muna 'tong vid. Bakasakaling may maalala ka"

Magsasalita pa sana ako para pilitin sya pero nagplay na yung vid.

Sa video, nakita kong tumatakbo sa Isabelle sa corridor habang humihingi ng tulong. At the end of the hall a figure of a man materialized pero blurry yung part na yun at masyado na syang pixelized. Then, nagblack out.

Bumilis ang tibok ng puso ko at naramdaman kong sumasakit yung ulo. Pumikit ako tapos may mga nakita akong images na nagfaflash sa utak ko.

Nakahandusay ako, at may pares ng paa na nakatayo sa harapan ko pero hindi ko alam kung kanino ang mga paang yun.

A bracelet dipped in blood. 

Lalaking nakayakapsakin. I couldn't see his face.

Boses ng lalaki na tinatawag ang pangalan ko.

Katahimikan.

Putok ng baril.

"Ginny? Ginny are you alright?" I saw Sette's blurry face. I blinked twice and it seems like the world is spinning around me. I feel so dizzy.

"Ginny?!"

----------------------------------------------------------------------------------

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong sakin ni Tita Vicky. Nasa salas sya, habang paakyat na sana ako ng hagdan papuntang kwarto. Turns out, nahimatay ako sa sasakyan ni Sette.

"May inasikaso lang ho" I said coldly. 

She smirked "Akala mo ba hindi ko alam ang mga pinaggagagawa mong bata ka?"

Napalunok ako. Sabi na nga ba pinapasundan nya parin ako.

"Ginny how many times do I have to tell you to stop bothering yourself about the accident? Nahulog ka sa hagdan. That's it!"

"Pero bakit ho kaylangan nyo kong ilipat ng school?" Lumapit ako sa kanya.

"Kasi.." I see the hesitation in her eyes, she couldn't even look at me.

"Tita ang alam ko lang nahulog ako sa stairs ng school. You never told me why and what exactly happened that day. Eversince nagising ako, nagbago lahat. Kaya hindi nyo ko masisisi kung bakit ako ganito kacurious ngayon."

"Gusto mo talagang malaman?" she sat down and sighed "Nag-away kayo ng bestfriend mong si Janine nung araw na yun. Hindi namin ang alam ang dahilan. Alam mo kung gano kaimportante sa buhay natin si Janine dahil ang  papa nya ang business partner ng uncle mo. Matapos ang away na yun, naging eskandalo ang nangyaring yon, lalo na sa part nina Janine. You almost died for heaven's sake! Masyadong naging magulo ang lahat kaya nagpasya kami ng uncle mo na ilipat ka nalang ng school. Magiging masikip ang mundo nyo kung magkakasama pa kayo. Kaya hindi rin namin 'to masabi sayo ay dahil alam namin na hindi mo matatanggap na best friend mo ang dahilan kung bakit muntik ka nang mamatay"

I dropped on my knees. Halos mangilid ang mga luha ko sa narinig ko. Hindi dahil naniniwala ako kundi, alam ko sa sarili ko na kasinungalingan ang mga sinasabi sakin ngayon ng kadugo ko.

"It's okay Ginny. Tapos na. Maging masaya kana sa bago mong school okay?" Hinawakan nya at hinaplos ang mga kamay ko. 

"May mga..iba pa po bang witness dun sa nangyari?" I asked  feebly.

"Hindi ko alam e, tinawagan lang ako ng uncle mo nung nangyari yun" Napatingin ako sa kanya.

So it means, maaaring hindi nya talaga alam ang nangyari at nagbase lang sya sa mga sinabi ni..uncle Ron.

"Tita pagod na ho ako. Pasenya na po sa gulong nadulot ko. Hindi na po mauulit"

"Osige Ginny. Nagkakaintindihan na naman tayo hindi ba?"

"Opo"

 Tumayo nako at nagpunta sa kwarto ko. Kinuha ko yung journal ko at nagsulat ng lahat ng mga nalaman ko ngayong araw. Nakakapagod pero hindi ako titigil kahit ilang beses pa kong pagsabihan o kahit ano pang sabihin sakin ni Tita Vicky. One thing is for sure, hindi pa dito natatapos ang pagiimbestiga ko. Nagsisimula palang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Think I Know YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon