•c.h•
••••
Makalipas ang labing-isang taon..
••••
Magandang Umaga! Hihih. Teka, may sasabihin ako sa inyo. Teka, gusto ko sana sa salitang Ingles ko sasabihin.
It's.. It's my 18th birthday? Tama ba? Ahh basta! Kaarawan ko ngayon. Nagbihis na ako ng maayos tapos ay lumabas ako. Walang masyadong tao. Pumunta ako sa likod ng Castle High. Puno ng ilaw ang mga puno at mga rosas sa sahig. Medyo natatakpan na ito ng mga nyebe. Lihim akong napangiti sa loob-loob ko.
Kada kaarawan ko ay may mga ganito. Kaya pumupunta rin ako dito tuwing pinagdiriwang ko ang kaarawan ko. Umupo ako sa bato at pinanuod ang mga nahuhulog na nyebe at mga ilaw na iba-iba. Tinanggal ko ang mga guwantes na suot ko at gamit ang kanang kamay ko, sinindihan ko yung mga kahoy na nakalatag sa sahig.
"Bata, dumating na ang tamang oras."Umalingaw-ngaw ang boses na iyon na ikinagulat ko kaya naman nagyelo ang apoy dahil sa kaliwang kamay ko. Nilibot ko ang paningin ko ngunit wala namang tao. Tinignan ko ulit yung mga kahoy na nagyelo. Hinagisan ko ito ng apoy pero natunaw lang ito at nabasa ang kahoy.
"Sino ka ba!?"Pasigaw kong tanong. Inikot ko ang paningin ko at nakita ko na lang ang lilang mahika na tatama sa mukha ko pero nakaiwas ako kaya pisngi ko lang ang napuruhan. Hinawakan ko ang pisngi ko at dumugo nga ito. Agad akong tumakbo. Kinakabahan ako na parang lalabas na sa dibdib ko ang aking puso. Nang medyo makalayo ako, lumapit ako sa nagyelong lawa. Lumuhod ako at tinignan ang repleksyon ko sa yelo.
Nagulat na lang ako nang nagkaroon ng pulang mahika sa mismong sugat na tinamo ko at nagsara ito. Isang marka na lang ang naiwan at tinangka ko itong hawakan at nawala ng tuluyan ang sugat pati na rin ang marka.
"Hindi mo ako dapat sinisigawan, bata."Mas ikinagulat ko nang matanaw sa repleksyon ng nagyelong lawa ang imahe ng isang lalaki na biglang nawala. Sa sobrang gulat ko ay napaatras ako. Napapikit na lang ako ng naramdaman kong naglabas na naman ako ng apoy.
Napayuko ako at Unti-unting dumilat. Nakita ko ang isang puting sapatos. Tumingala ako at napatigil. Isang pikit ko lang, siguradong masusugatan ang mismong mata ko. Hindi ako agad nakagalaw. Hindi ko din matignan ang mukha nya. Dumoble ang kaba na nararamdaman ko. K-Katapusan ko na ba?
Inilayo nya sa akin yung matulis na bagay na yun at pinadaanan sa kanyang daliri. Dumugo yun na ipinagtaka ko, bakit nya sinasaktan ang sarili nya?
"Pag may mali akong ginagawa, sinasaktan ko ang sarili ko."Paliwanag nya. Teka, paano nya nalaman yung iniisip ko? Nakakapagtaka. At.. Anong mali ang ginawa nya? Na muntik na nya na akong patayin?
"Hindi ka pa pwedeng mamatay, pero ako, ako lang ang papatay sayo."
"P-P-Papatayin mo ako?"Tanong ko pero umiling lang sya.
"Marami ka pang kailangang matutunan. Kapag natapos na ang kailangan mong gawin, pwede na kitang patayin."
Marami pa akong gustong itanong pero bigla nalang syang binalot ng lilang mahika at naglaho. Napa-upo ako sa sahig, papatayin nya ako.
••••
"Ngayon, ating talakayin ang iba't-ibang uri ng mahika at kung paano malaman kung saan ka nabibilang."Pahayag ng aming guro. Si Ginang Eliz. "Meron tayong apat. Apat na mga mahika at ang pinaka-kilala, ang puti at itim na mahika."
"Ang puting mahika ay kilala bilang isang mabuting mahika na taglay ng isang tagapaghatid ng mabuting balita na si Liam. Ngunit ang kanyang taglay na mahika ay naging itim nang tinalikuran nya ito kapalit ng paghahari sa mundo."