♛ ♛
Totoo ba talagang malas ako dito sa Castle High? Iniiwasan ako ng mga tao. Sumpa daw ako dito gaya ng nangyari sa Castle High.
May mga gurong amerikano rin na nandito para turuan kami ng mga salitang Ingles. Sa Kasaysayan ng Pilipinas, ang tawag sa kanila ay mga thomasites.
Naglalakad ako ngayon suot ang makapal na mga damit. Sobrang lamig dito. May mga naglalaro ng mga mahikang itinuro kanina ng aming guro. Habang nadadaanan ko sila, lumalayo naman sila. Ganun ang trato nila sa akin. Na para bang may nakakahawa akong sakit. Tumakbo na lang ako papunta sa likod ng Castle High.
May nakabalot sa nasasakupan ng Castle High na yelo. Hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa rin nila kung paano ito matatanggal. Pero parang lumalala lang ito sa mga ginagawa nilang eksperimento ng mga mahika. Minsan nga ay pinagsasama-sama nila ang iba't-ibang uri ng aumpa at mga mahika.
Bata pa lang ako pero alam ko na ang mga nangyayari sa pinapasukan kong paaralan. Dahil dito ko lang naman mabubuhos lahat ng oras ko. Lahat ng atensyon ko. Dahil wala naman akong pamilya o kaibigan.
Tinignan ko ang kamay ko. Inalis ko ang guwantes ko at tumayo.
"Wag mo nang ituloy ang balak mong gawin."Sa gulat ay natutok ko sa kanya ang kamay ko.
"Huwaa! P-Paumanhin po, ginoo!"
Naglabas ng yelo ang palad ko kaya naman nagkaroon ng yelo sa balikat nya. Sinuot ko yung guwantes ko sa kaliwang kamay ko at hinawakan ko ang balikat nya gamit ang kanang kamay ko. Natunaw ng unti-unti ang yelo sa balikat nya. Pero nagulat ako ng biglang umapoy yung bandang balikat nya.
"A-Anong.."Sa sobrang taranta ko ay nilagay ko pareho ang kamay ko sa balikat nya. Nakahinga naman ako ng maluwag ng maapula ang apoy.
"Hindi mo pa rin alam kontrolin ang kapangyarihan mo, bata."Napatingin ako sa kanya. Hindi ko maaninag ang mukha nya dahil nakatakip ito. "Bumalik ka na sa klase mo. Hanggang sa muli, hera."Nabalot ang ginoo ng lilang mahika at saka ito naglaho. Paano nya ako nakilala?
Tinignan ko muli ang kamay ko. Ang kaliwang kamay ko ay naglalabas ng yelo, habang ang kanan naman ay apoy. Paanong nangyari yun?
--
"May iba't-ibang mahika na maituturo namin sa inyo. Ngayon at sa mga susunod pang mga araw at taon. Paki-labas ang lahat ng inyong wand."
Sa wand na iyon nanggagaling ang mga mahika. Pero di tulad ko, sa sarili kong mga palad.
"Yang mga 'yan, ay inyo pa rin. Pero kung gusto nyo ng mas bagong wand, ipapalit nyo yan para makakuha ng bago na mas malakas, mas maganda ang kalidad."
Namangha naman ang buong klase sa sinabi ng aming guro. Bawat taon ay nagbabago ang mga wand namin. Pero ganon pa rin ang pag-control dito. Sanay na ako sa mga tao rito.
Pitong taon na akong namumuhay mag-isa. Syempre, pitong taong gulang pa lang ako eh. Pero mag-isa lang ako. Kahit sino ay walang pumapansin sa akin, mliban nalang kung may kailangan sila.
Natatakot daw sila sa akin. Gagawin ko daw silang yelo o di naman kaya ay susunugin. Di ko naman sila maintindihan, pero siguro naman ay maiintindihan ko rin kapag dumating na ang tamang oras.
Ng natapos ang klase sa mahika ay dumiretso kami sa isang kwarto kung saan kami tuturuan ng mga Amerikanong Guro.
"Today class, aalamin natin ang mga natatagong sikreto ng mga pangalan ninyo."Pahayag ng isang magandang babae. Sya ang tinatawag naming Mrs. Campbell. Sya ang Filipinang ikinasal sa isang gurong amerikano. Halong Filipino at Amerikano kaya ganun din ata sya magsalita, halo rin na Tagalog at Ingles. Haha.
"Sino ang gusto ninyong paunahin?"
"Guro, kung si Crystalia nalang para malaman natin kung may sumpa rin ang pangalan nya."Sambit ng isa. Napa-iling nalang si Mrs. Campbell ngunit pinagbigyan rin ang hiling nya dahil isinulat sa pisara gamitang wand nya ang pangalan ko.
"Students, hindi sya sumpa. Itininadhana lang syang iligtas ang buong Castle High. Ayokong mangyayari na tutuksuhin nyo sya. Nagkakaintindihan ba tayo?"Sumang-ayon naman ang lahat.
"Crystalia. Walang specific meaning, class. But, Crystal is a Greek Name, means ICE."Sabi ni Mrs. Campbell. Ice? Ice sa tagalog ay yelo.
"Ang pangalang LIA naman, ibig sabihin ay tagapagdala ng mabuting balita at ang HERA naman ay, QUEEN, sa tagalog ay REYNA."
Ice, Queen?
"Crystal Hera, ibig sabihin ay Ice Queen. Ice Queen ang iyong ina, Crystalia. Hinaluan ng 'Lia' ang Crystal para sa iyong ama na syang pinakamalakas na nilalang at sya rin ang nagpapahayag ng mga magandang balita, noon."
Crystalia Hera, nakilala mo rin ang magulang mo.
"So, may iba pa bang gustong malaman ang natatagong sikreto ng mga pangalan nyo?"
"Amanda! Gusto kong malaman ang kahulugan ng aking pangalang Amanda."
"Ahh, Amanda, Lovable. Ikaw ay dapat na minamahal."
Nakakamanghang alam ni Mrs. Campbell ang mga kahulugan ng aming mga pangalan. Nakakatuwa.