Ranz's Angel. (Takes place after the Get Together)

2.4K 27 1
                                    

A/N: I’m sorry if my Tagalog ain’t any good. I’m not that “fluent” in that particular subject. I could write an English version of this – which, by a person, I’m quite decent at – but, it would be different and probably would be contradictory to your liking. 

“Sino ba yang si Ranz?” tanong ni Angel sa mga barkada nya.

“HA?! D MO BA ALAM NA CYA ANG PINAKA GWAPO SA LAHAT NG MGA LALAKI NA NAKILALA NAMIN?” sigaw ni Mary.

“ANG GWAPO NYA TEH!  AT ANG GALING PA NYANG SUMAYAW!” Sabi naman ni Kate.

“Haaay nako, wala akong paki alam kung sino siya. Nasiraan na talaga kayo ng bait dahil lang sa GT nila,” sabi ni Angel sa kanyang mga barkada. “San ba yung GT nila? Sa Trinoma ba?”

“Oo.”

“Haaays, Whatever.”

“Hindi mo pa nga cya nakikita! Sus, ma iinlab ka talaga pag nakita mo cya!”

“Oo nga Angel! Gusto mo Makita ang mga Music Videos nya?”

“Hindi.” Sabi nya, at naglakad palayo. “Cge, uuwi muna ako. Text nyo lang ako kapag tapos na ang GT nila.”

Hinabol nila Yndine at Shennith si Angel.

“Hindi kaba sasama sa amin?” sabi ng dalawa.

“Hindi.” sabi naman ni Angel.

Later that night…

Habang nagbabasa ng libro si Angel sa kwarto niya, nang biglang may nagtext….

*Beep*

That text came from Mary, saying: “ANGEL! ANG GWAPO NYA!”

Nag reply naman si Angel: “Wala akong pakialam. nasan na ba kayo?”

“Trinoma. Umuwi na si Ranz. *cyring face*” 

“Ah, cge.”

“Punta ka dito, sama ka sa amin. Sabay tayo mag dinner, tutal umuwi naman si Ranz.”

“Haaay naku, cge nga. May bibilhin akong libro sa bookstore diyan.”

“Okay, we expect you to be here at 7:15 sharp.”

“ENGLISH TEH? HINDI BAGAY SAYO! HAHA.”

“Cheeh!”

Sa Mall…

Nakaupo na sina Mary, Olive, Kate, at Yvonne sa McDo. Nagsave din sila ng seat para sa kanya. Nasa entrance pa nga si Angel, narinig na niya agad ng sigaw nila sa barkada nya.

“ANGEL! HALI KA DITO! MARAMI KAMING SASABIHIN SA YO!”

“ANG GWAPO NI RANZ!!!!!”

“HALI KA! MAY CHIKA KAMI SAYO!”

Hindi pa nakita ni Angel kung sino yang c Ranz na tinutukoy nila, at wala din cyang Pakialam kung sino siya. Snob yun, Mayabang, at  ang Kapal ng mukha ang pag dedescribe ni Angel kay Ranz. At  eto pa? Marami cyang Fan girls, and hell, she doesn’t have the slightest thought to be one of his Crazy fan girls. Mga kaibigan nya, na adik na adik na sa kanya. Sus. PLAYBOY!

Pag upo ni Angel, na notice nya na may suot na Jacket si Kate, “Bago yan?”

Tumawa lang ang barkada nya, kinikilig. HAAAY EWAN KO SA KANILA.

“KAY RANZ TO!

“NAKUHA NI KATE ANG JACKET NI RANZ!"

Naghiyawan ang mga magkakaibigan sa sobrang kilig, at natahimik lang itong si Angel.

"Haaaaaaaaaaaay, Kailan pa ba to matapos?" pabulong na sinabi ni Angel

Pagkatapos nilang kumain, nagkukwentuhan sila, at  na-OP lang si Angel kasi ang topic nila ay si RANZ nalang lagi.

“Cge. Pupunta lang muna ako sa book sale.”

“Ah, cge. Magtext ka lang namin para sabay na tayong uuwi.” Awit ng barkada nya.

Sa booksale…

Nag iisip si Angel kung anong librong bibilhin niya. Ang dami kasing magaganda na novel! Hindi pa rin mawala sa kanyang isip ang mga reactions ng mga kaibigan nya dahil lang sa isang lalaki. Sino ba yang si Ranz na yan? Ano naman paki ko kung gwapo cya?

lost in her thought, she didn't notice that she accidentaly bumped into someone. And that specific someone would be a petite girl, from the age of 8 to 10.

“Ay, sorry.” sabi ni Angel.

“Okay lang yan, ate.” sabi naman ng bata.

“Nasaktan ka ba?”

“Hindi po.”

“Can I help you with anything?”

“Uhmm. Opo, naghahanap po kasi ako ng Cinderella, hindi ko makita eh.”

“Ay! Nakikita ko yun! Nandun oh!”

Hindi nag tagal naging magkaibigan na ang bata at si Angel. Pagkatapos niyang tinulungan ang bata sa sa bookstore, kumain pa sila sa foodcourt. 

“ay, oo nga pala. Pwede paki text ng kuya ko na magpapasundo ako dito sa food court?”

“Sure, may number ka ba sa kanya?”

“Oo. Memorize ko po”

“Sige.”

“09158757393”

….

Hindi nag tagal na may sumundo na sa bata, pero parang papa nya yun, at hindi yung kuya niya.

“Ay, nandyan na si papa!”

“Sige2,”

“Bye ate…hindi ko po alam kong ano ang pangalan mo?”

“Ah. Ako si Angel, ikaw?”

Hindi na nakapag sagot ang bata, kasi pinapadali siya sa kanyang ama.

“Bye Ate Angel” ang parting words nya.

…..

HALA! Nakalimutan nyang magtext sa kanyang mga kaibigan. At dali-dali niya itong tinext.

Sorry guys, I got side tracked. Nasan na ba kayo?

Hindi nag tagal na nag reply na sila: “Nasa Forever21 kami”

Haaayst. Wala nga silang perang dala. May Forever21 pa silang nalaman?

…..

9 na sa gabi ng nakauwi si Angel.  Agad-agad siyang umakyat sa kwarto niya, at nagpapahinga ng biglang may nagtext;

"Sino to?",  text ng unknown number.

ANG KAPAL! Nag reply agad si Angel: "Eh, Ikaw sino ka ba?" 

“Ikaw yung una nag text, at kilala mo yung kapatid ko.” 

“Ahh. Ako si Angel, ikaw? Nasan ba kapatid mo?”

“Nice to meet you Angel. Nandito sa tabi ko ang kapatid ko. Regards daw.”

“Hindi mo pa sinagot ang tanong ko, sino ka?”

“Ako? Ako Si Ranz Kyle.”

....

To be continued.

Ranz's Angel. (Takes place after the Get Together)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon