Babaeng Palamura

1.4K 3 2
                                    

Ang babaeng iyon. 

 

  

Nakita ko na siya ulit. Akala ko di ko na makikita muli ang maganda niyang mukha. 

Gusto ko siyang tanungin kung bakit nawala siya bago ako makalabas ng ospital pero natatakot ako.

  

"Bayad po." sabi niya sabay abot sa foil ng flat tops na iba na ang hugis ngayon nakarolyo na ito na tila ba handa ng isuksok ng driver sa lagayan niya ng pera.

  

  

"Bayad daw po." sabi ng batang nagabot sa jeepney driver na aming sinakyan. Biglang pumreno ang jeep na dahilan na madaganan ko ng kaunti ang matandang katabi ko. Tiningnan lang ng driver ang binigay ng babaeng iyon at nagpatuloy na magdrive.

"PARAAAAAAAAAAA!!" isang babae ang sumigaw na nagagalit, siguro ay nagmamadali.

   

"P*tang*na niyong mga hayop kayong jeep kayo. Mga tarantado kayo! Kanina pa ako pumapara ng jeep mga siraulo kayo!" galit na galit na nakatingin siya sa driver at sumsigaw sa loob ng jeep. "Kayo! Kayong lahat! Akala niyo ang yayaman niyo? Hindi! Pag ako ang yumaman tingnan niyo lang! Ha! Anong akala niyo sa sarili niyo mayayaman na kayo niyan? Mga tarantado pala kayong lahat eh!" tumingin siya sa babaeng iyon. "Mga magaganda nalang ba ang pwede sa jeep? Maganda din naman ako ah? Pero tarantado kayo! Kanina pa ako naghihintay ng jeep at pumapara walang humihinto para sa akin!" tiningnan ko ang babaeng palamura. May katandaan na siya siguro ay mga nasa 40s na ito, mukha siyang nagttrabaho sa bar sa suot nitong damit na sobrang ikli, kulot ang kanyang buhok, morena, ang mga labi niya ay maitim, at ang mga mata ay nanlalalim.

Bumaba ang nakaupo sa harap ng jeep mga ilang minuto ang nakalipas na maisigaw lahat ng mura ng babaeng palamura. Lumipat siya sa harap ng jeep, dumaan siya sa ibabaw ng upuan sa tabi ng driver na ikinagulat ng lahat dahil sa nakita naming madilim na balat nito na nahaharangan na lamang ng neon pink na tela.

  

Isa sa mga reaksyon na mapapansin mo kaagad ay ang matandang babae na nakanganga sa kanyang nakita, parang aatakihin ito sa puso sa kanyang nakita.

Meron naman na isa pang binata na parang gusto ng sumuka sa nakita niyang bagay.

Ang isang babae sa tabi ko ay nairita dahil siguro sa ingay ng babaeng palamura.

May isa namang matandang lalake na natawa sa nakita niya.

  

  

  

Pero ang binigay na reaksyon ng babaeng iyon ay di ko maintindihan kung gusto niyang sumuka o tumawa. Ang mga mata niya ay parang gustong tumawa at ang kanyang mga labi ay nakasara na parang gustong sumuka. Gusto ko man siyang tanungin, malapit na siya sa bababaan niya kaya di na lamang ako nagsalita.

 ---------

Mga ilang oras pa ay nakarating na rin ako sa trabaho ko at sinabing wala ang delivery boy namin na isa at nagvolunteer ako para ako nalang ang gumawa ng trabahao niya dahil kaunti lang ang idedeliver ko.

Papunta na ako sa San Pedro para ideliver ang package na ito mula sa Japan. Iniisip ko na saan kaya sa San Pedro pumupunta ang babaeng iyon.

Andito na ako sa address na nakalagay sa package at nagdoorbell. Mga ilang segundo ay may nagbukas na ng pinto.

"Ms. Alexa Javier?" binasa ko ang nakalagay na pangalan sa package at tumingin sa babaeng nagbukas ng pinto. nabigla ako na makita ang kanyang mukha na kanina lang ay di ko mawari ang reaksyon.

  

 .

.

.

.

.

.

.

  

Ang babaeng iyon. 

Jeepney ni Mang KanorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon