Part 29

273 17 21
                                    

Author's note:
Sorry again, palagi naman eh, sa susunod kapag nag update ako, hindi na sorry ang una ninyong mababasa:)
Thanksbfor waiting here's chapter 29

Enjoy reading:)
========================

Dedicated to
MissJeon355

Thank you for still being here after everything:)

DealanSy
Thank you sa pagsabi sa iba na maganda story ko ha:) gawin mo na stories mo para mabasa na ng mga readers ko din:) salamat at nandiyan kayo para sabihin na kailangan ko ng mag-update:)

And to all readers who is still reading this, I dedicate this to you

=========================

Chapter 29:
Revealed

Chrystal's POV

Umuwi na rin si Raki ng makita niyang maayos na talaga ako. Yung lalaki talaga na 'yon, iniisip muna ang ibang tao kaysa sa sarili niya, kaya ang daming nagkakagusto sa kanya, e.

And here I am, in my bed, thinking about what happened earlier. Anong ginagawa ni Rain sa harapan ng bahay namin? Pumunta ba siya 'don para lang sabihin ang mga salitang 'yon? At bakit parang hindi siya yung nakilala kong Rain? He's too...too cold.

***

Habang inaayos ko ang mga gamit ko para sa pagpasok, napatingin ako sa salamin.

"Sana Rain, sabihin mo sa akin kung bakit nandito ka kagabi, kasi sayang naman 'tong eyebugs ko kung wala akong makukuhang sagot mula sa'yo diba?" Nababaliw na yata ako dahil kinakausap ko na sarili ko.

"Arf, arf!" Tahol ni 39 sa akin. Nilingon ko siya binuhat para magkapantay ang eye level namin.

"Thank you 39...sa pag-gising sa akin sa katotohanan na kailangan ko ng pumasok" sabi ko sa kanya at hinalikan ko ang noo niyang mabalahibo, to say goodbye.

Kinuha ko na ang mga gamit ko, at lumabas na ng kwarto, ng pababa na ako sa hagdan...

"Waaahhh!" Napatigil at napasigaw ako ng makita ang taong ngayon ay nakatayo sa dulo ng hagdan.

"O, masyado na ba akong pogi kaya tinilian mo ako?" Sabi niya tapos sabay tawa.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Raki! Teka ano bang ginagawa mo dito sa bahay ko?" Tanong ko agad sa kaniya habang nakahawak pa rin ang kanang kamay ko, sa puso ko, can't move on from what happened just now.

"Syempre sabay tayong papasok nang school. Baka kung anong mangyari sa'yo kapag wala ako, kaya lagi mo na akong kasama mula ngayon" sabi niya with a wide smile on his face.

"Haba ng hair ng anak ko! Dalawa ang manliligaw!" Biglang sigaw ni mama ko sa kusina, si mama talaga o! Nilalaglag ako.

"Manliligaw po tita? Sino po yung isang manliligaw na tintukoy niyo?" Nagtatakang tanong ni Raki kay mama.

Patay...

"Aaa, Raki wala---"

"Si Rain yung isang manliligaw niya, ganda talaga ng anak ko" hay si mama talaga, ipinagmalaki pa ako. Tumingin ngayon si Raki sa direksiyon ko, hindi ko mabasa yung mukha niya, galit ba siya? Nabigla?

Genius LoverWhere stories live. Discover now