Part 22

304 40 7
                                    

Nerd's P.O.V

"Ate! Ate! Ate! Gumising ka na!" Naririnig kong sigaw ni Princess sa akin. Iminulat ko na ng tuluyan ang mga mata ko. Nakita ko ang puting kisame sa ibabaw ko.

"Thank goodness your awake ate" na relieved na sabi ni Princess na nasa gilid ng kama ng hospital bed na kinahihigaan ko. Pagkatapos ng nangyari kahapon nag collapse nanaman ako dahil sa pag iyak ko. Ang inaasahan ko nga pag gising ko, madaming benda ang nakabalot sa akin, pero wala. Dahil ang naaalala ko kahapon malapit na akong banggain ng kotse.

"Ate bakit pinaalis mo agad si kuya Rain? Gusto ko pa siyang kausapin eh!" Naiinis na sabi ni Princess sa akin sabay yugyog sa kanang braso ko.

"Ibalik mo siya ate! Ibalik mo siya!" Patuloy na pagsigaw at pag yugyog sa akin ni Princess.

"Stop that Pink" malumanay na sabi ni Prince kay Princess na ayaw paring tumigil sa ginagawa niya sa akin.

"'Di na siya babalik Princess. Meron pa silang date ni ate Gracie mo, ayoko namang hindi matuloy ang date nila nang dahil sa akin" sabi ko kay Princess na tumigil na sa pagsigaw at pagyugyog sa akin. Umupo na lang ulit siya sa sofa habang umiiyak. Naging malungkot ang mukha ko.

Ganito ang buong pangyayari tungkol sa nangyari kahapon.

Malapit na ang sasakyan sa harap ko...dito na magtatapos ang---

Naramdaman ko ang pagbagsak ng buo kong katawan sa isa pang katawan.

Nanatili kaming nakatayo sa gilid ng kalsada. Ramdam ko ang init ng katawan niya. Ang isa niyang kamay na nakalagay sa likod ko at isa pang kamay sa likod ng ulo ko. Ramdam ko ang takot ng puso niya, dahil naririnig ng tenga ko ang tibok ng puso niya.

Bakit ganon? Bakit ang bilis ng tibok ng puso niya?

'Im back Yana'

Bumalik nanaman ang salitang yan sa utak ko. Napaiyak ulit ako ng maalala nanaman ang nangyari kanina. Hanggang sa nawalan na ako ng malay.

Pag-gising ko, nasa hospital na ako. Sa hospital nina Rain. Pag-gising ko unang-una kong nakita si Gracie na nasa tabi lang ng hospital bed, kasama niya si mama ko. Nabigla si Gracie ng makitang nagising na ako.

"Chrystal..." hindi maituloy ni Gracie ang sasabihin niya ng bigla na lang tumulo ang.luha niya.

Napangiti ako sa nangyayari ngayon.

"Don't cry Gracie. Hindi pa ako patay" pagbibiro ko para sumaya na siya. The people I loved, I don't want them crying infront of me. It makes me weak.

Pinunasan niya ang luhang pumatak sa mata niya. Then gave me her best smile.

"Anak may taong kanina ka pa gustong kausapin. Nasa labas siya papapasukin ko lang" sabi ni mama ko sabay labas sa kwarto ko.

Napatingin ako kay Gracie. Kinakabahan ako sa sinabi ni mama.

"G-gracie don't tell me na si Raki yung tinutu---"

"No, hindi siya 'yon Chrystal. At kung siya 'man 'yon. Hindi ko siya hahayaang makalapit sayo, sige labas na ako" pagpapaalam ni Gracie sa akin. Lumabas na siya sa kwarto ko.

Eh sino yung tinutukoy nila? Bakit hindi nila tinanong----

Biglang bumukas yung pintuan ng kwarto ko. At iniluwal nito si Rain.

Makikita mo sa mukha niya ang pagkamiserable. Is that face is because of me?

Tinakpan ng left hand ko ang mga mata ko. I don't want to see that reaction.

Genius LoverWhere stories live. Discover now