11th

1.1K 36 3
                                    

Lamest UD. Pewro kailangan ko talagang mag labas ng sama ng loob eh XD Kaya kung hindi niyo magustuhan ang UD na ito. Okay lang :D

---

Nandito na kami sa hapag kainan at halos lahat kami ang kakagulo sa seating arrangement, pwera lang talaga sa mga kanina pa nakaupo dito, sa pangunguna ni Baekhyun na parang kanina pa kumakain ng oatmeal at prutas habang patuloy sa pag daldal kasama ang iba pang nakikipag tawanan habang kumakain ng prutas. Si Lay at Kai.

Ang tanging tahimik lang ay si Kris, Brooke, Chanyeol, Mia… at siyempre. AKO.

Hindi na nawala ang pagiging ilang k okay Sehun simula kanina habang nag lalakad kami pabalik sa bahay para mag almusal. Feeling ko kasi kinakain ko na yung mga salitang sinabi ko about kay Sehun. Pero hindi pwede! Hangga’t maaaring isuka, isusuka ko to. Sorry sa word pero hindi talaga pwede.

 7 am pa lang, hindi ganoon kasikat pa ang araw pero maliwanag na ang paligid.

Hindi naman masyadong halata ang pagiging tahimik ng iba dahil hiwahiwalay kami ng mga pwesto. Na sana pinapanalangin ko na mahiwalay din ng upuan itong si Sehun. Pero hindi. Nandito siya sa tabi ko dahil ‘sinave’ daw nila kami ng upuan. -_____-

“Baek, iseserve pa daw ba yung papaya?” tanong ni Lay. Patuloy pa din sa pag kakagulo ang iba, mukhang enjoy na enjoy nga sila.

Ako lang naman ang may problema, at aminado ako doon. Feeling ko kasi mas gugustuhin ko na lang na lamunin ako ng lupa kesa maagaw ko ang atensyon ng katabi ko na kanina pa ako sinusulyapan. Peste.

“Oo, paki naman Lay.” Nguso ni Baek sa papaya na ngayon ay hawak na ni Lay dahil kakaabot pa lang ng katulong. Napansin kong puro prutas ang kinakain ni Baek, unlike sa amin na ang laman ng plato ay bacon, eggs, sausages.

“Masarap itong pancake ha.” Pag pupuna ni Chen habang ngumunguya at pilit na nag sasalita habang tinuturo ang tinidor kay  Luhan.

“I’m planning to keep the recipe and add it to the café. What do you think guys? Anyone? Yung mga nakakain ng pancake?” tanong ni Luhan habang ginagala ang mata sa mga plato namin. “Hindi mo ba nagustuhan?” tanong sakin ni Luhan, hindi ko napansin na sa plato ko nap ala siya nakatingin na parang hindi nga nagalaw ang mga nilagay na pagkain ni Sehun.

“Ha? Hindi ah. I love it actually. Hindi siya masyadong nakakaumay unlike other pancakes.” Ngiti ko agad sa kanya. Bakit ba kasi naging ilang ako sa katabi ko ngayon.

“Thanks, Jean. Kumain ka nga ng marami.” Sermon pa nito sakin at tsaka ako nginitian sabay subo ng pancake. Bakit ba ang gwapo at ang ganda niya at the same time?

“Ayaw mo ban g mga nilagay ko?” tanong ni Sehun sa tabi ko. “You can give it to me kung ayaw mo. Sabihin mo lang kung anong gusto mong kainin. Baka maubusan ka.” Nguso niya sa mga lalaking malakas kumain na pag baba ng isa ng fork, yung isa naman ang kukuha. At hindi lang basta kain ang nangyayari ah. Hindi pa din talaga mawala ang kwentuhan na para bang matagal silang hindi nag kita kita.

“Hindi okay lang. Feeling ko kasi busog pa ako. Pero don’t worry. Walang masasayang dito.” Ngiti ko sa kanya at sumubo ng forkful ng scrambled egg. “Wow. Ang sarap naman nito.” At sumubo ulit.

“That’s D.O.’s egg.” Ngiti ni Suho habang kumakain din.

Agad naman napabuga ng kape ang ibang umiinom at nasamid ang mga kumakain kasabay non ang inosenteng kurap ni Lay sabay reklamo. “Ang bababoy niyo naman! Kumakain tayo bakit kailangang mag talsikan ng mga nasa bibig niyo.” Sermon nito.

Gaya ng Dati [EXO FANFIC] [EXO Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon