Agartha's Shortcut (One-shot)

63 7 0
                                    


According to some, it is believed that during Vice Admiral Byrd's flight over the North Pole that took place in 1947, he said via radio that beneath was not snow but huge areas of land with mountains, forests and vegetation, huge lakes and rivers with animals that resembled mammoths.

~ http://www.ancient-code.com/the-forbidden-land-of-agartha-the-secrets-of-the-inner-earth/...

*******

"Agartha..."

Hindi maiwasang mamangha ni Garry sa mga nababasa habang nakaharap sa kaniyang laptop.

Totoo kaya ang mga ito?

Ano man ang katotohanang nasa likod ng pahayag ng mga saksi, misteryo ito. Kailangan niyang malaman ang buong katotohanan.

Pero paano, gayong nasa North at South Pole ang sinasabing kinaroroonan ng entrance?

Agad niyang kinuha ang kaniyang pitaka.

"Hayop!" Sigaw niya nang makitang singkwenta pesos lang ang laman nito.

Napakamot na lamang sa batok si Garry dahil sa sobrang pagka-dismaya. Bigla siyang nalungkot nang sumagi sa kaniyang isip na maaaring hindi niya makita ang Agartha, na hanggang larawan at articles na lamang siya.

Magdamag siyang nagsaliksik tungkol sa hiwaga ng nakatagong Bayan ng Agartha. Sa dinami-rami ng mga links na pinasok niya, may isang link na itinuturo s'ya sa deepweb. Ayaw niyang pasukin iyon ngunit nangibabaw pa rin ang kaniyang pagiging usisero.

Habang umi-iskrol, kalimitang kahindik-hindik na mga larawan at videos ang kaniyang mga nadaanan, hanggang sa makita na niya ang kaniyang hinahanap. May flashing red notes pa ito sa itaas ng article na nagsasabing, "Information will self-destruct in 00:14:34".

Mahaba ang article na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa Agartha. Sinubukan niyang i-screenshot ngunit hindi nagrerespond ang kaniyang laptop. Dahil kaunti na lang ang oras, hinanap na lamang niya ng mabilis ang isang parte nito...ang parte kung saan binabanggit ang "shortcut".

"Bingo!"

Maikli lamang ang article tungkol sa shortcut at nakasulat pa ito sa isang tila codes o riddles.

"In the middle, you'll find zero.

Find the circle on that zero.

When the clock strikes three,
Call Agartha three times with do-re-mi.

Time stops.

The gate will open, move fast.

Shade the window of your soul,
For it burns beyond that hole..."

Hindi natapos ni Garry ang pagbabasa dahil biglang lumabas ang matinding liwanag mula sa kaniyang monitor. He raised his hand to cover his eyes from the blinding light.

Makalipas ang ilang sandali ay biglang sumabog ang data. Tama, ang data lang. Nawala na parang bula dahil tapos na ang oras. Sumabog na parang bomba.

"Noooo! Hindi pa ako tapos! Hayop!"

Napatingin siya sa kanyang relo, 1: 14AM. Napatingin din siya sa notepad na kaniyang hawak-hawak.

Binasa niya ang nakasulat kahit mukha itong kinalahig ng manok.

Gayunpaman, laking tuwa niya nang makitang naisulat niya ang unang bahagi ng clue upang mahanap ang shortcut.

Hindi na siya makapaghihintay pa. Kinuha niya ang kaniyang backpack at naglagay ng iilang gamit na sa tingin niya ay kakailanganin niya.

Ang panghuli niyang inilagay ay ang kaniyang Rayband sunglasses. Para cool. Ala mission impossible ang dating.

Habang tumutunog ang mission impossible soundtrack sa isip niya...

Agartha's Shortcut (One-Shot Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon