The Prank

12 1 4
                                    

"Jian, diba sa susunod na linggo na yung debut mo? Napagplanuhan mo na ba?" -Keira

"Hindi pa nga eh! Di ko alam kila mama kung may party bang magaganap." -Jian

"Eh kung dun na lang tayo sa resthouse nila tita. Doon na lang natin icelebrate. Tayo tayo lang na magkakaibigan. Bonding na rin natin yun." -Pati

"Papayag kaya ang tita mo? Tsaka baka di kayanin ng badyet nila mama." -Jian

"Ano ka ba! Papayag yun! Sasabihin ko ilibre niya yun saakin! Malakas kaya ako dun. Hahaha!" -Pati

"Yiepie! OMG! Naeexcite na ako! Gosh! Pwede bang magdala ng boylet? Sasama ko si Jiro ah!" -Jess

"Hindi pa nga sure! Sa susunod na kayo mag saya pag naconfirm na! Sige na guys. Bukas na lang ulit natin ito pag usapan. Tinatawag na ako ni mader eh! Kakain na kami! Bye!" -Jian

Nag end na ako sa video call naming magkakaibigan at bumaba na ako para kumain.

"Ma, tungkol doon sa debut ko. Napag isipan naming magkakaibigan na doon kami magcecelebrate sa isa sa mga resthouse ng tita ni Pati. Kami kami lang na mag kakaibigan ma!" Nagaalinlangan pa ako kung sasabihin ko ngayon kasi kinakabahan ako baka di pumayag si mader lalo na't nag - iisang anak lang nila ako. Alam niyo na syempre madaming bawal dahil takot na lang silang may mangyari pang masama sa nag - iisang maganda nilang anak.

"Saan ba yang resthouse na yan? Sigurado ka bang kayo lang na magkakaibigan? May kasama ba kayo ng lalaki? Payag na ba yung tita ni Pati? May kasama ba kayong nakakatanda? Baka kung anong mangyari sainyo jan. Di pwede, maghanda nalang tayo dito sa bahay." Gosh, daming tanong ni mader ha.

"Hindi ko pa po na tatanong kung saan. Tsaka ma boyfriend lang ang kasama nila tsaka magkakahiwalay kami ng kwarto. Hin-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng mag vibrate ang phone ko. Nagtext saakin si Pati na pumayag na daw yung tita niya at libre na daw niya yun bilang regalo.

"Oh! Pumayag na daw ma. Tsaka regalo na daw yun saakin. Kaya ma payagan mo na ako, grabe ka naman na yung birthday girl wala sa sariling party. Tatawagan kita minu-minuto." Pinakita ko pa kay mama yung phone ko para sigurado.

"Sige payag na ako. Basta hanggang dalawang araw lang kayo doon kasi may pasok pa kayo."

Tumango na lang ako at agad kong tinext ang mga kaibigan ko na tuloy ang party!

The PrankTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon