Part two

7 1 3
                                    

Nakarating na kami dito sa resthouse ng tita ni Pati. Nakatayo siya sa isa sa mga isla na nasa gitna ng dagat.

Ang tayo ng bahay ay mataas dahil sa pag high tide ay nawawala ang isla kaya limang floor itong resthouse nila. Pero yung tatlong floor ay hindi napapasok ang loob. Semento lang siya doon lang nakapatong yung mismong bahay. Kaya ang hagdan ay nasa labas patungo sa mismong bahay.

Maganda ang bahay. Halos ang dingding ay puro salamin na at makikita mo talaga ang ganda ng dagat. May limang kwarto, ang apat na kwarto ay may tatlong kama at may kasama ding isang malaking aparador na paglalagyan ng gamit. Ito ay makikita sa itaas na bahagi ng bahay. Ang isang kwarto naman ay ang Masters Bedroom, ito lang ang kwarto sa ibaba, may isang king size bed at nakatapat ito sa salamin kung saan makikita mo ang paglubog ng araw.

Halos gold at silver ang kulay ng kabuuan ng bahay. Di ko lang alam kung totoo yun hehehe.

Lima kaming magkakaibigan tapos kasama nila Jess, Pati at Keira ang mga boyfriend nila kaya in all 8 kami.

Yung mga kwarto lang sa taas ang ginamit namin dahil nahiya kaming galawin ang Masters Bedroom tsaka nakalock din ito.

Kaya sa unang room doon ang tatlong lalaki. Sa pangalawa ay si Keira, Jess at Hera ang mgakakasama. Ako at si Pati sa third room. Hindi na din namin ginalaw ang huling room.

Nag aayos na kami ng gamit habang nagluluto naman sila Jess at Keira. Sila lang naman kasi ang marunong mag luto saaming magkakaibigan. Matapos maluto ay kumain na kami.

Matapos naming kumain ay nag movie marathon kami. Nagdala pala ng mga CD si Fritz, boyfriend ni Keira. Hindi kami nagdala ng alak dahil iyon ang bilin saakin ni mama.

Nasa kalagitnaan kami ng panood ng makaramdam ako ng antok. Hindi ko na talaga kaya! Unti unti ng pumipikit ang aking mga mata hanggang sa makatulog na ako.

Zzzzzzzz....

The PrankTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon