Part three

8 1 6
                                    

Nagising na lang ako ng makarinig ako ng kalabog. Naka patay na ang tv mukhang tulog na sila. Ako na lang kasi mag isa ditong nakahiga sa sofa sa sala. Titignan ko sana ang oras saaking cellphone ngunit ayaw itong mabuksan. Triny kong tagalan ang pagpindot sa on button pero ayaw parin gumana. Tsaka ko lang napansin na wala pala itong baterya.

Sino namang bwisit ang nagtanggal nito? Nilagay ko nalang sa tabi dahil mukhang pinagtritripan ako ng mga kasama ko.

Tinignan ko ang labas madilim. Mukhang madaling araw na.

Tsaka ko lang naramdaman na parang nanunuyo ang lalamunan ko kaya pumunta ako sa ref upang kumuha ng tubig. May napansin akong sticky note na nakadikit sa pintuan ng ref.

Turn on theTV. N.O.W.
-unknown

Kahit may pagkalito saaking utak ay inopen ko rin ang tv. Puro black lang ang nakikita ko kaya iooff ko na sana ang tv ng biglang may lumitaw na nakamaskara sa harap nito.

"Welcome to the Game of Life! We just have one rule in this game. Don't cheat. Complete the key and unlock all the door! You only have 12 hours to do your mission! Your timer starts NOW! Goodluck! Again, D.O.N.T. C.H.E.A.T.! "  Mission:  'Find the door 1'

Nawala na yung nakamaskara at napalitan ito ng timer. Madaming tanong ang nasa isio ko ngunit kahit naguguluhan ay agad ko namang hinanap ang door number 1. Ito yung room ng mga boys. Agad akong pumasok doon.

Nagulat ako sa aking nakita. Hubo't hubad si Fritz. Tinakpan ko agad ang aking mata. Nagulat ako ng sakupin ng isang baritonong tinig ang buong kwarto. Yung boses ng nakamaskara. "Your time is running! Hurry before the time is up."

Lumunok muna ako ng tatlong beses bago tinanggal ang kamay sa aking mata. Lumapit ako sa katawan nitong walang malay. Nakita kong nakaukit sa katawan nito ang mission ko. Napasuka ako sa aking nakita halos naliligo na sa dugo si Fritz. Gosh! Di ko ata makakaya ito.

'Solve the puzzle before the time is up'

Yan ang nakasulat. Tsaka ko lang napansin na may blade na naka tutok sa leed nito. Na pag di ko agad natapos ang puzzle ay mapuputol ang lubid at babagsak ang blade sa leeg nito.

Agad kong pinuntahan yung puzzle. Literal na puzzle talaga siya yung pambata. Pero lahat ng pieces nito ay itim. Sa kaba at taranta ay hindi ako makapag isip ng tama.

Jian kalma.

Pagpapakalma ko sa aking sarili. Kahit naiiyak, naguguluhan at natatakot ay sinubukan kong buuin ang puzzle na ito.

Bakit ba kasi nagkaroon ng ganito? Akala ko party lang? Akala ko bonding lang? Bakit nagkaroon ng ganito?

Kung sino man ang nakaisip ng larong ito, isa siyang demonyo.

Halos magkanda-ugaga na akong pilit pinagkakasya ang bawat piraso ng puzzle sa isa't isa. Ano bang klaseng puzzle ito na wala kanamang mabubuo dahil puto itim lang naman ito.

Ringggggg!!!!!

Napatigil ako sa pagbuo  habang iniiling ang aking mga ulo hindi ko na nagawang lingunin si Fritz dahil alam ko na ang mangyayari at baka hindi ko kayanin.

Hindi! Hindi! Hindi! Hindi maaari. Nagsitaasan ang balahibo ko ng maramdaman ko ang mainit init at malapot na likido na tumalsik sa aking likuran.

Sorry Keira, hindi ko nailigtas ang boyfriend mo. Sorry talaga. Sana ako'y iyong patawarin.

May na laglag na susi sa ilalim ng puzzle. Siguro ito na ang susi para sa door number 2. Walang lingon - lingon ay pinulot ko iyon tsaka lumabas ng silid.

Alam ko na kung bakit ito natawag ng Game of Life dahil nakasalalay dito ang buhay ng aking ng kaibigan at hindi ko na hahayaang may mawala pang buhay.

Agad kong hinanap ang door number 2. Ito ang room nila Jess. Pag pasok ko saloob ay nakita kong nakanganga si Jess habang may sinulid na nakasabit dito at sa tapat ng bibig nito ang bunganga ng isang baril. Sa gatilyo nito ay may lubid at may ngumangat ngat na daga na oras na maputol ang lubid ay babaril ito direkta sa bunganga ni Jess.

'Get the key! Inside her mouth!'

Malapit ng maubos ang oras kaya unti unti ko ng hinihila ang sinulid. Nakapikit ako habang ginagawa ko ito. Nanginginig ang aking kamay. Saktong pag labas ng susi ay ang pagputok ng baril.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Natatakot na ako. Hindi ko na kayang ituloy ang larong ito. Ayaw kong makitang namamatay sila.

•••

Keira P.O.V.

Plinano naming apat ang mangyayari sa resthouse. Gumawa kami ng game kung saan si Jian ang player. Si Jess ang nag isip ng mga games. Si Hera sa mga brutal scene at mga boys sa props. Halos lahat ng ginawa namin ay joke lamang iyun prank lang namin sakanya.

Si Hera talaga ang naka - isip nito, sa una ay tumutol kami dahil alam namin kung gaano hindi hilig ni Jian ang mganakakadiring bagay. Makakita nga lang ng dugo nagtititili na.

Mannequin lang ginamit namin na kamukha namin para mukhang makatotohanan.

Si Pati at ako naman doon sa last door. Ito yung suprise dapat namin sakanya. Ito ang inayos namin ni Pati para sa debut niya. Nandito lahat. Banner, cake, at handa. Dito naman siya icecelebrate.

Nalaman namin na nasa last door na si Jian kaya hinanda na namin ang cake at sabay sabay kaming papasok at kakantahan siya ng happy birthday.

Ngunit mukhang kami ang nasorpresa saaming nakita. Nahulog ko ang hawak kong cake saaking nadatnan.

Naliligo si Jian sa sariling dugo habang naka-upo ay may nakatarak na kutsilyo sa kanyang leeg at puro laslas ang kanyang braso at binti. Agad kaming nagsilapitan sakanya at napansin namain na may nakapatong na papel sa kanyang binti kaya binasa namin ang nakasulat dito.

'Salamat sa effort niyo. Nagustohan ko itong hinanda niyo saakin. Di ko akalain na joke lang pala yun! Hahaha! Pero pasensiya na! Sa prank na inyong ginawa ay hindi kinaya ng aking puso at sistema. Nawala na ako sa pagiisip na naisip kong mag pakamatay na rin upang sama sama tayong aakyat sa langit. Pero prank nga lang pala iyon. Kaya ang ibigsabihin ako lang mag isa. Sorry talaga guys hindi ko lang talaga kaya. Ayoko na susuko na ako. Sana maging masaya kayo sa pag prank niyo saakin. I love you mga friends'

"I love you mga friend"

Nanindig ang balahibo ko doon. Nilingon ko ang aking likuran at nakita ko si Jian na nakangisi at biglang sinarado ang pintuan kasabay noon ay ang pag patay ng ilaw. Lahat kami ay nagkagulo at tsaka ko lang narealize na kami ang naloko sa kanyang selebrasyon.

"AAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!"

THE END

The PrankTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon