UnbeLIEvable

25 1 0
                                    

CHAPTER 2: UnbeLIEvable

“P446.75 po ang total ma’am.”

Hinalungkat ko ang pitaka sa bag ko at kumuha ng P500. “Ito po, Miss.” Binigay ko na sa babaeng kahera ang hawak-hawak ko.

Nasa isang food court kami ng isang malaking mall. Nagugutom nanaman kasi ‘tong si Troy, ‘di nakuntento sa napakaraming cup noodles na nakain niya nung nasa convenience store kami kanina. Niyaya niya ako kanina na ilibre ko siya, kulang daw kasi pera niya. Pero nagpapasalamat pa rin ako sa Panginoon na may nakilala akong napakagwapong nilalang na magbubuntot-bunto sa akin at kukulitin ako na sana pumayag ako na akong tumira siya sa dorm ko, dahil pinalayas siya sa mansion nila at wala nang matitirahan.

“Ma’am, ito na po ang dalawang chicken sisig niyo. Ito na rin ang resibo niyo. P53.25 ang sukli niyo po. Thank you and come again!” Binigay sa akin ng kahera ang sukli, resibo at dalawang chicken sisig na nakalagay sa tray, na may kasama pang dalawang tubig at dalawang pares ng kutsara’t tinidor.

“Sige, thank you po miss.” Kinuha ko na mga ‘yun at naglakad papunta sa pwesto namin ni Troy.

Pero ‘di ko pa siya pinapayagang makitira sa dorm ko, dahil kahit gaano pa siya kagwapo, ‘di na dapat ako magtitiwala kung kani-kanino. Walang pinipiling itsura, edad o social status para i-konsidera ka bilang isang manlilinlang na tao. Iba na ang tao ngayon, mas lalo na sa Pilipinas. Kung upgraded ang mga teknolohiya natin, ‘di magpapatalo ang mga tao ngayon. Mas marami nang rapist o maniyak, manggagantsong, modus operandi, gangster at sindikato na nagkalat sa buong bansa.

“Oh, ito na.” Nilapag ko na ang tray sa table namin ni Troy at umupo na ako sa kabilang side, kaya nakaharap kami sa isa’t-isa.

“YEAH. SALAMAT.” Kinuha niya kaagad ang pagkain niya at nilalamon na niya ito. Takaw much talaga.

Pero ‘di ako magpapatalo sa kanya, kaya kinuha ko na rin ang akin at subo lang din ako ng subo. “Mayaman ka pala.”

“Pero sa kasamaang palad, pinalayas.”

“Bakit ka kasi pinalayas?”

“Kabaligtaran kasi ako sa mga magulang ko. Parang nga akong ampon eh.”

“Bakit naman?”

“Parang anak daw ako ng demonyo.”

Napainom tuloy ako ng tubig dahil nabulunan ako sa sinabi niya. “That sounds like a compliment. HAHAHAHA.”

“You don’t say?” Tumingin siya sa akin ng diretso, at nakaka-creepy ng mukha niya dahil pinapalaki niya mata at ilong niya. Meme lang ang peg, pero kahit papangitin niya pa mukha niya, ‘di pa rin nawawala ang kagwapuhan niya.

Pinagpatuloy ko na ang kinakain ko. “Panget mo.”

“You don’t say?”

“Paulit-ulit?”

“You don’t say?”

Nagbuntong-hininga na lang ako sa kanya. Sirang plaka ba siya? “Pero paano naman nila nasabi na anak ka ng demonyo?”

“Lakwatsa dito, lakwatsa doon. Gastos dito, gastos doon. Tambay dito, tambay doon. ‘Yun lang ang ginagawa ko sa buong buhay ko.”

“Eh paano na ang pag-aaral mo ngayon?”

Sinubsob niya ang kanyang ulo sa table. Nagsenti siya for three minutes, at pagkatapos ng pagmomoment niya, humarap siya sa akin at sinabing, “Bago pa ako pinalayas nung isang araw, napag-enroll nila ako sa Never Heard University kasi nakapasa ako sa entrance exam. Pero paano na ngayon? Sa Monday na ang pasukan?”

Mr. Black Sheep Lives in my DormitoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon