I.P. 10

153 8 1
                                    

TROY'S POV

pagpasok ko sa kwarto ko tinawagan ko kaagad si Cheska...

Baka sakaling nasa mood siya para tulungan ako.

Bat ang tagal niyang sagutin????

hindi naman siya ganito dati ah?

wag niyang sabihing magkasama pa sila ni Randell ngayon.

I was about to end the call nung biglang sagutin na niya ang tawag ko.

"Yes pinsan?"masayang sagot ni Cheska agad nang masagot na niya ang tawag ko.

"Hoy Bat ang tagal mo naman sagutin ang tawag ko?"sabi ko naman.

"Baka may ginagawa ako???? hahaha.. "sabi lang niya.

naiiling na lang ako sa kabaliwan ng pinsan kong to. Ewan ko lang talaga kung bakit sa dinami dami ng babaeng pwedeng ligawan ni Randell eh ang baliw ko pang pinsan ang niligawan niya.

"Asan ka ba? Kasama mo ba si Randell? Gabi na ah? "sunod sunod kong tanong.

"Wow.. Andami namang tanong ng pinsan ko.. Mukhang mahalaga ata ang kailangan mo sakin ah?" biro pa niya.

"Oo.. O ano? Busy ka ba? "tanong ko.

"Hmm.. Hindi naman... Dali skype tayo! Para mas masaya.!" excited na sabi ni Cheska sakin.

"Huh? May itatanong lang ako. "sabi ko.

baliw talaga yun.. Parehas lang kaming andito sa Manila nag aya pang mag skype.

haha

"Dali na! Wag kang kj!" sabi naman niya.

Hayy...

Parehas lang sila ni Nik Nik.

tsss! Eto na naman ako..

isinisingit ko na naman siya sa usapan..

"Sige sige... Ibababa ko na to."sabi ko na lang at inopen ko na ang laptop ko.

atat talaga ang bruha. tumatawag agad eh.

So inaccept ko na agad..

"Hi pinsan! "bati niya agad sakin.

Teka....

Asan siya???

pamilyar sakin yung kwarto na hinihigaan niya eh..

"Hoy asan ka??" tanong ko naman.

"Asus.. Nakalimutan mo na tong kwarto na to? "nangingiting tanong niya.

so.... tama ako????

"Sino yan?" biglang may nagtanong kay Cheska..

Alam ko siya yun....

"Ex mo... "natatawang sabi naman ni Cheska.

"Brutal!" sabi ko naman pero hindi ko mapigilang mapangiti.

I miss that place....  :(

"Makasabi ka naman ng ex diyan ate Cheska parang totoo naman yun! "narinig kong sabi ni Nik Nik at saka nakita kong umupo sa tabi ni Cheska.

ouch...

so inisip niyang hindi totoo yun?

na palabas lang ang lahat??

sakit naman nun.

nakita kong napapangiti si Cheska..

Napansin kong nagta type na siya. Malamang ayaw niya na marinig ni Nik Nik ang pang aasar niya.

Ikaw Parin...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon