I.P. 2

220 7 0
                                    

TROY'S POV

"Ano hindi pa ba siya gising?"narinig kong tanong ni mommy sa katulong namin.

"Mukhang hindi pa po eh. Hindi siya sumasagot. "sabi naman ni yaya Eden.

" Tita! "biglang may lalaking nagsalita.

" Naku... Randell . Buti naman at nandito kana. Pwede bang ikaw na ang kumatok kay Troy? Sa tingin ko galit na galit na ang daddy niya dahil late na siya sa trabaho. "sabi ni mommy.

Hayys! Oo nga pala...!!

May presentation ako ngayon..

Naku naman!

Anong oras na ba???

10:30????!!!!!

Naku!

Malamang hindi na ako maka abot nito!

" Ako na po ang bahala diyan tita."narinig kong sabi ni Randell..

Bakit ba andito ang asungot na to??

"Mommy!Heto na po ang susi... "sabi naman ng isa ko pang asungot...

Tsk!

" Akin na. "narinig kong sabi ni Randell..

Nabuksan na ni Randell ang kwarto ko..

Lagot na... Tsk!

" Kuya! Bumangon ka na diyan! "bungad ni Thea sa akin.

"Oy Randell gising na. Pinatawag ako ni tito dito para lang gisingin ka at sabihin sayo na sobrang late ka na at dapat ka ng humabol sa presentation mo kung hindi magba back out na yung VALDERAMA Group of Companies na makipag negotiate sainyo. "tuloy tuloy na sabi ni Randell.

Oo na....

Alam ko naman yun eh.

Sadya lang talagang wala sa isip ko na pumasok ng maaga ngayon. Haixt.!

" Tingin ko...Si ate Nikka ang dahilan niyan. "sabi ni Thea.

Tch! Ano namang kinalaman ni Nik Nik dito??

" Bakit naman si Nikka? "takang tanong ni Randell.

" Hindi mo ba nahalata kuya? Nung sila pa ni ate Nikka... Palaging maaga nagigising si kuya Troy. Saka lang naman siya ulit bumalik sa pagiging late nung wala na si ate Nikka dito ee. Malamang... Iniisip niya palagi si ate Nikka at hindi malayong depressed siya . Kaya hayan late na naman. "sabi ni Thea.

Kahit kelan talaga..... itong si Thea! Naku...!

" Thea.. Kaya lang naman maaga si Troy nung sila pa ng kapatid ko ay dahil din sa pamimilit ni Nikka na si Troy ang maghatid sakanya sa school araw araw. Tska.... Alam naman nating lahat na hindi talaga gusto ni Troy si Nikka. "sabi ni Randell.

" Sabagay... "sabi ni Thea.

" Hanggang kelan niyo ba balak na pag usapan ako? "hindi ako nakatiis na sumabat na sa usapan nila.

" Oh? Gising na pala si kuya. "sabi ni Thea.

Napilitan tuloy akong tumayo at ayusin na ang sarili ko.

" Hoy Thea.... Sa susunod wag mo ulit idadamay si Nik Nik sa pagiging late ko ah?! Maliwanag? "inis na sabi ko.

" Haha. Bye kuya Troy. "sabi lang niya saka yumakap at humalik sa pisngi ko.

Akala ko aalis na siya sa pagkakayakap sa akin pero may ibinulong pa siya sa akin...

" Kuya.... Tulad mo.... Miss ko na din si ate Nikka. "malungkot na sabi Thea at umalis na sa pagkakayakap.

Ikaw Parin...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon